MGP ~ Chapter 16

341 10 1
                                    


Stephen and Sabrina sa picture :)

[ Sabrina's Point of view ]

"I want you Sabrina." Bulong sa'kin ni Stephen habang hinahalikan ang leeg ko.

"Do it, Stephen." Sab nahihibang ka na ba? Ibibigay mo ba talaga!?!

Tinatanggal nya na ang belt nya ng biglang...

"Waaaah! Bakit mo ko sinukahan!?"

At bumagsak ang mainit nyang katawan sa'kin.

"Ang bigat mo! Hoy gising!" Pilit ko syang tinutulak paalis sa dagan nya sakin. Pero ang bigat nyaaaa huhu

After ng ilang try naalis ko sya sa ibabaw ko.

Ang swerte ko naman! Mukha ba akong inidoro para sukahan mo!?

Inayos ko ang higa nya. Hay nako, alak pa more!

Kumuha ako ng bimpo at pinunasan sya. Buti nalang konti lang sinuka nya at nasalo ko pa. Lucky! Wow! Huhu

Habang pinupunasan ko ang katawan nya napapakagat labi ako.

Ghad. Ang hot mo Stephen.

Pagkatapos kong punasan sya ay dumerecho na ako sa shower.

Ramdam ko parin yung mga halik nya. Kinikilig ako!

"Ano bang iniisip mo Sab! Nahihibang ka na ba at isusuko mo dapat ang perlas kanina!?"

Oo nga nahihibang na ata ako dahil pati sarili ko kinakausap ko na. >___<

Bumalik na ako sa kama at humiga sa tabi ni Stephen.

"Ang gwapo mo talaga Stephen." Habang hinahawi ko yung buhok nya.

"Ang swerte swerte ng babaeng mahal mo." Ang swerte ni Aki.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Di muna ako mag iisip ng kung ano ano. Basta ang mahalaga, nandito sya sa tabi ko.

*****

9 o'clock na pala. Humarap ako sa kabilang side ng kama.

Wala na si Stephen. Iniwan nya nanaman ako. Ano bang bago don?

Bumaba ako at naghanap ng makakain. Makapag cereal na nga lang.

Calling: Kara

"Hello Kara? Napatawag ka?"

(Sabby! Pasok daw tayo mamayang 5pm! May practice daw tayo ng sayaw.)

"Okay sige. Salamat Kara!"

( Bye. See ya! )

Kasali nga pala kami sa Dance group ng University.

Saming magkakaibigan, Si Kara at ako lang ang kasali.

Maaga pa naman. Makanood muna ng movies.

Romance? Ehh! Baka mainggit lang ako sa love story nila.

Horror? Jusko baka di ako makatulog nito sa takot.

Okay makanood na nga lang ng cartoons hahaha!

***

4o'clock. Nagready na ako at naglagay ng light makeup.

*peeep peeeeep*

Eh!? May kotseng bumubusina sa labas? Baka si Kara?

Paglabas ko bumungad sa'kin ang lalaking nakashades.

"Sabay na ta'yo. May practice right?"

Si Steven. Kasali nga rin pala sya sa dance group. Sya nga ang pinakamagaling sa mga lalake eh.

My Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon