MGP ~ Chapter 17

340 18 6
                                    

Steven sa picture! Pinalitan ko rin character nya. :)

[ Sabrina's Point of view ]

"Long time no see. Namimiss mo na ba kamao namin?" -Gangster 1

"Bakit ikaw ang nandito? Nasan na yung Gag* mong kambal?" -Gangster 2

"Sakit nun ah. Matapang ka na ngayon ah." -Gangster 3

Natatakot ako. Ano namang laban nya sa tatlong lalaki?

"Steven. Tumawag ka na ng police please."

Oo si Steven. Sya ang dumating para sa'kin. Para iligtas ako sa mga manyak na 'to.

"Hahahaha! Tawagan mo si Stephen ng pag untugin ko kayo!" -Gangster 3

"Hanggang salita ka lang ba?" -Steven

Nakita kong nag bago ang aura sa mukha nung mga gunggong. Kinakabahan ako kay Steven. Ba't ba hindi nalang kami umalis?

"Steven, Tara na." Bulong ko sakanya

"Aba mayabang ka ha? Tingin mo kaya mo kami ha!?"

Hinigpitan ko kapit ko kay Steven. Nakakatakot yung mukha nila na galit na galit.

"Why are you looking for me? Gusto mo ba ulit sumabog nguso mo?"

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Si Stephen.

"Papasabugin ko ulo mo." -Gangster 3

Maya maya ay may dumating na pulis. Tinawagan siguro ni Stephen bago sya lumapit.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi ng gagster habang nakaposas at papasok sa kotse ng pulis.

Nanginginig parin ako sa takot. Pano kung balikan ako ng mga yun at sila Stephen.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Steven habang nakahawak sa pisnge ko.

Umiling lang ako. "Thankyou." Sabay ngiti ko.

Pagtingin ko sa paligid nakita ko si Stephen na naglalakad na palayo. Di manlang ako nakapagpasalamat sakanya.

"Tara hatid na kita. Ako na bahala mag asikaso sa mga gunggong na yun." Hinawakan nya ang kamay ko.

Hinatid na ako ni Steven sa bahay. Nandito narin sila Kuya at Mama pero siguradong tulog sila sa pagod sa byahe.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nag half bath.

Ngayon habang nakahiga ako di ko parin makalimutan yung nangyari. Pano nalang kung hindi dumating si Steven? Baka narape na ako.

From: Steven

    Okay ka lang ba? Matulog ka na wag mo na isipin yun. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo.

Napangiti ako sa text ni Steven. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalala sa'yo.

Si Stephen kaya nag-aalala din sa'kin? Bakit ba lagi kong sinisingit si Stephen. Hays Sabrina tama na.

To: Steven

      Okay lang ako. Thankyou ulit.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko. Teka, di pa pala ako nagpapasalamat kay Stephen.

To: Stephen

      Salamat nga pala kanina. Good night.

Maya maya ay nagreply na sya. Ewan ko ba't bigla akong napabangon sa Excitement na mabasa ang reply nya.

My Gangster Prince Where stories live. Discover now