CHAPTER 41....Lying, is it good or bad??

Start from the beginning
                                    

Saglit na ibinaba ko ang landline. Tapos pinuntahan ko si Mom sa dining area. Tahimik na bumalik na lamang ako sa pagkain.

@Del Pierro University

\m/ KATHRN POV \m/

Habang naglalakad ako sa campus ng Del Pierro University. Narinig ko ang phone ko na tumunog. Kaagad na tiningnan ko yun. Nakita ko na nag-text si DJ. Sa totoo lang mag-damag kaming magkatext non.

“Baba, sunduin kita.”

“Ngeh! D mo nmn snv and2 na q sa DPU.” Replay ko dito

“Ah…Ganon ba! Lam q na, samahan na lang kitang magreview.” Volunteer na sabi nito

Examination week na ngayon. Bali 3 days ang schedule ng exam. Na gaganapin ng Wednesday to Friday. Kaya naman may two days pa kami upang magreview. Walang nagawang sumang-ayon na lamang ako dito.

“Kath….” Tawag ni Elmo

“Oh… Elmo… Sorry nga pala sa nangyari last time.” Hindi makatingin sa mata nito na sabi ko.

“Okay lang yun! Oo nga pala, pumunta ako last Saturday sa bahay nyo. Kaso ang malas ko. Nag out of town ka daw.”

“Huh! Bakit?” tanong ko

“Nakalimutan mo na ba? Yung final exam natin sa physics.”

“Patay!  Oo nga pala… Nawala sa isip ko. Sorry Elmo.” Hinging paumanhin ko muli dito.

“Okay lang. Pero may time ka ba mamaya? Need na nating matapos yun! Okay lang ba?” wika ni Elmo

“Huh! Sige…sige. I-text na lang kita mamaya.” Sabi ko dito

“Sige… asahan ko yan ah!” nakangiting sabi ni Elmo

Nong makaalis na si Elmo. Biglang nag-flashback sa’kin ang sinabi ni DJ. Nong nasa resort p kami nila Katsumi.

“One more thing. Ayaw kong makikitang kasama mo si Elmo. Dahil pag yun ang kasama mo. Di ko mapigilan ang MAGSELOS.”

“One more thing. Ayaw kong makikitang kasama mo si Elmo. Dahil pag yun ang kasama mo. Di ko mapigilan ang MAGSELOS.”

“One more thing. Ayaw kong makikitang kasama mo si Elmo. Dahil pag yun ang kasama mo. Di ko mapigilan ang MAGSELOS.”

Ano ba gagawin ko? Paano ko sasabihin kay DJ? Na need kong makasama si Elmo para sa physics exam namin. Tiyak na magseselos na naman yun pag nalaman niya. Kung alam ko lang na magiging problema ko ito. Sana sa ibang classmate ko na lang ako nakipag partner. Naman Oh!

“Kathryn…. Binge…” lumingon ako sa tumatawag sa’kin

Hinihingal na lumapit si Miles sa’kin.

“Kanina pa kita tinatawag. Grabe ang binge mo.” – Miles

“Sorry may iniisip lang ako.” Paliwanag ko

Nakailang sabi na ba ako ng SORRY ngayong araw.

“Tara sabay na tayo pumunta sa hideout.” Sabi ni Miles

Ang tinutukoy nito ay ang Abandon Building. Na dati ako lang ang naglakas ng loob na magstay. Aba ngayon ginawa na naming hideout yun. Don na muna kami pumunta. Kasi wala din naman class ngayon. Kasi tuwing malapit na ang exam. Pinagrereview na lamang kami ng mga instructor namin. Pagdating namin sa AB. Wala umupo lang kami sa sofa.

“Miles may itatanong ako?” serious na lumapit ako dito, nagstart na siyang mgreview non

“Hmmm? Ano yun?” she nooded on me

Halimbawa may boyfriend ka. Tapos yung boyfriend mo may kinaiinisan na tao. Tapos yung kinaiisan niya na tao. Need mong makasama kasi importante at wala ka ng ibang choice. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba kay boyfriend? O ililihim mo na lang? Makaiwas lang sa gulo… - ako.”

“Linawin ko lang ano? Si DJ ang pinag-uusapan natin. Tama?”  - Miles

Serious na tumango naman ako dito.

“Pero teka muna? Lalaki o babae ba yung taong kinaiinisan ni DJ?” -Miles

“Lalaki….” Sagot ko

“Well kung si DJ. Alam naman natin na masamang magalit yun. Nakita mo naman nung nakipagaway siya diba. Siguro naman ayaw mo na maulet yun.” Wika ni Miles

May point naman talaga siya. Masamang magalit si DJ. Dahil once na galit ito, may mga bagay na di niya nagagawa. Pero pag galit siya nakakaya niyang gawin. At ayaw ko ng makita na nakikipag-away ito. Ayaw ko nang makitang nasasaktan ito physically. Ang tanong lang? Makakabuti ba ang gagawin kong paglilihim?

“Pero kong sasabihin mo kay DJ. Ahmmm… Tiyak bantay sarado ka. Diba nga sabi mo seloso ang boyfriend mo. Pero depende pa rin sa desisyon mo yan. Ako nagbigay lamang ng sarili kong opinion.” Wika nito

Speaking of Daniel. Heto na siya at kakarating lang. Nagtext din kasi ako dito na nasa AB kami ni Miles. Kaya naman pagdating na pagdating nito sa DPU. Sa AB agad dumeretso.

“Hey, mukhang seryuso ang pinag-uusapan nyo ah!” nakangiting sabi nito, saka tumabi sa upuan ko.

Nakangiting umakbay ito sa’kin.

“A-aaahhhh, Oo pinaguusapan namin yung…yung gift na ibibigay namin kay Julia… Tama! Diba…diba Miles??” nagsusumamong tumingin ako kay Miles.

Need ko ang tulong niya eh! Need kong gumawa ng dahilan. Upang magawa ang project, namin ni Elmo nang hindi nalalaman ni DJ. Oo alam ko na masama ang magsinungaling. Pero magiging masama pa rin ba ang pagsisinungaling? Kung ang iniisip mo lang naman ay ang ikakabuti ng lahat? Dahil tiyak na pag nagpanggabot silang dalawa. Gulo na naman! Ayaw ko nang gumawa ng eksena. Katulad nong nangyari sa Mall nong nagbowling kami ni Elmo.

“A-aaaaahhh, Oo mamayang uwian may pupuntahan kami ni Kath. Kaya DJ hiramin ko muna sa’yo ang girlfriend mo huh?” nakahinga ako nang maluwag sa sagot ni Miles

“Hindi ba ako? Pwedeng sumama…” nakakunot ang noo na sabi ni DJ

“Ahhhmmmm, di eh! Medyu matagal kaming maghanap ng gift. Alam mo naman ang mga girls metekulusa. Maiinip ka lang… Oo yun!” saad muli ni Miles

“Sige na nga!” labas sa ilong na sabi ni DJ “Wala naman akong magagawa eh!”

“Oy! Sorry na… Bawi na lang ako sa’yo bukas. Promise buong araw magkasama tayo. Kaya wag ka nang mag-tampo oh.” Nakangiting sabi ko kay DJ.

“Totoo yan! Walang bawian. Hay sa wakas, makakapag-firstdate din kami ng Girlfriend ko.” nakangiting sabi ni DJ

Ang sarap talagang titigan nito. Lalo na kapag ngumingiti. Dahil sa ngiti niyang yun. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.

******

A/N

Alam ko matagal nyo nang iniintay ito. Simula pa lang nang story ko. Nagtatanong na kayo kung sino ang hinahanap ni DJ. Well irereveal ko na siya sa next chapter. Makikilala nyo na ang apo ni Lolo Anton.

ABANGAN!

Enjoy Reading Everyone^^_^^

Lovelots ^__^writerwannabeme

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Where stories live. Discover now