CHAPTER 20....She's Back

1.7K 41 3
                                    

VOTE, COMMENT po salamat :D

ENJOY

=================================

                                                      CHAPTER TWENTY

\m/ Kathryn POV \m/

Nangangatal ang tuhod ko, habang nakasandal ako sa pinto. Talo ko pa ang sumali sa marathon. Wala sa sariling napahawak ako sa pisnge ko. Kung nung una eh pareho kaming nagulat. Dahil sa accident na nakuha nito ang first kiss ko. Si Mommy at Daddy lang kasi talaga ang first kiss ko. Ngayon naman bigla…bigla binigyan niya ako ng bulaklak. Tapos…tapos. He kisses me on my cheek. Ang pinakamatindi sa lahat. He told me he likes me. Hindi kaya pinagtritripan lang ako ng mokong na yon. Dahil don bigla akong nagising sa katutuhanan. Maaaring kaibigan lang ang turing ni DJ sa’kin. Kaya ganun! Tama baka na bingi lang ako kanina. Baka hallucination ko lang yung last word na sinabi niya. Posible naman diba.

 

“Princess, ikaw na ba yan?” pupungas-pungas na sabi ni Yaya Lerma.

“Ya… Sorry naistorbo ko ho ba kayo sa pagtulog ninyo?”nakangiting sabi ko dito, sabay mano

“Hin--- Wow… Dalaga na ang alaga ko ah. Mukhang meron nang manliligaw. Yun ba yung batang nagpunta dito, nung nakaraan linggo.”biglang nagising na sabi nito

Nakita kasi nito ang bulaklak na hawak ko. Dahil sa sinabi nito, biglang nag-init ang pisnge ko. Naalala ko kasi ang nangyari sa kotse ni Dj. Bago ako bumababa. 

“F-friends lang kami non, Ya!" nauutal na sabi ko "Saka trip nya lang yata magpabulaklak ngayon. Valentine’s Day eh.”sabi ko sabay halik sa pisnge nito

“Oh sya… Friends na kong friends. Nag-lambing na naman ang alaga ko. ‘Nak ang tanging gusto ko lang ay maging masaya ka. Gusto ko yung nakikihalubilo ka na sa iba. Yung nagkakaroon ka na ng kaibigan. Yung bang lumabas ka na sa sarili mong mundo. Masaya ako para sa ‘yo. Yung magka-crush okay lang yun. Yung mainlove ayos lang yan. Kasama yan sa cycle ng buhay ng tao. Boring ang buhay kapag hindi mo naranasan yun. Lalo na na sa age mo. Kaya anak, enjoy mo lang yan,” mahabang sabi ni Yaya Lerma 

“Napaka-supportive talaga ng Yaya ko. Kaya love na love ko eh.”sabi ko dito, sabay yakap ko dito ng mahigpit na mahigpit.

“Sus kang bata ka, hindi na ako makahinga sa’yo. Sige ka masisira ang flowers na dala mo. Akin na nga yan” Natatawang sabi nito

“Yahhhh… Pwedeng mag-tanong?”nakangiting tumingin ako dito

Non ay mag-kasabay na kaming umupo sa sofa.

“Hmm… Tungkol san naman?”Curios na tanong nito

“Nainlove na ba kayo dati?” kumakamot sa ulo na tanong ko dito

Never naman kasi talaga pumasok sa isip ko yun. Saka parati niyang sinasabi na mahal niya ako. Kaya ayaw niya akong iwan. Isa pa masyado rin akong naka-focus sa nararamdaman ko. Yun ay dahil sa pagkawala ng mga magulang ko.

“Ahmmm… Oo naman syempre. Meron…”mapait ang ngiti na sagot nito

“Ano po nangyari sa inyo?”nakatanghod na tanong ko dito

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Where stories live. Discover now