CHAPTER 41....Lying, is it good or bad??

Zacznij od początku
                                    

Maya-maya lang magkakatabi na kaming tatlo sa kama. Nasa gitna ako nung dalawa. At parehas silang nakaunan sa braso ko.

“Kuya, is Ate Kathryn pretty?” tanong ni Magui

“Of course, she is pretty like you and Lelay.” Sagot ko

“Do you love her?” tanong muli ni Magui.

“Yes…” nakangiting sagot ko sa kanila

Maya-maya lang biglang bumukas ang pinto room ko. Nakakunot ang noo na dumating si JC.

“Ang daya, ang lagay kayo lang tatlo. Sali ako?” Parang batang sabi nito

“No space na…Kay Magui lang sikip na.” asar ko sa pangatlo kong kapatid

“Kuya huh! I am sexy.” Sabi nito

“Anong sexy? You’re too young to say that!” nakakunot ang noo na sabi ko.

“I am a little lady na kaya. I have crushes na nga.” Revelation nito

“Magui huh! Bata ka pa... Anong crushes ka riyan?” serious na sabi ni JC

Biglang naputol ang pinaguusapan namin, nang marinig ko ang boses ni Mom sa labas ng room ko.

“Hey, kayong apat… Ready na ang breakfast. DJ at JC, bilisan nyo na. Baka mahuli pa kayo sa class nyo.” Mariing wika nito

Mabilis naman kaming bumangon, at naglakad palabas ng room ko.

“Ang mahuli sya ang maghuhugas ng pinagkainan.” Binuhat ko si Lelay, syempre masyado pa itong bata upang maghugas ng pinggan.

Nauna namang lumabas si JC. Kasunod nya kami ni Lelay.

“Kuya Dj, ang daya…” nakasimangot na sabi ni Magui

Natawa lang naman ako dito.

Habang kumakain kami. Ikwenento nung dalawang bunso, kong kapatid ang nakita nila sa room ko. Dahil don tawa ng tawa si Mom at JC. Tsismosa talaga ang dalawang ito. Nagulat naman ako nung lumapit si Aling Melva.

“Sir Dj, gusto daw po kayong maka-usap ng Dad nyo.” Sabi nito

Napatingin naman ako kina JC at Mom. Nagtatanong ang mga mata ko. Ngunit nagkibit  balikat lang si Jc. Samantalang tumango lang naman si Mom. Walang nagawang tumayo ako at naglakad sa may living room.

“Yes, Dad…” bungad ko

“You’re Lolo Anton is okay now. Nagkamalay na siya. Ang sabi ng doctor, maari na siyang ilabas ng hospital. Ang problema lang, hirap siyang magsalita. Paralyze ang ibang bahagi ng katawan niya. Hindi siya makagalaw. Meron na akong nurse na kinuha. Upang bantayan ito. Ang kaso gusto niyang umuwi ng Pilipinas.” Mahabang wika ng Daddy niya. “Anak, kailangang mahanap mo na, ang Apo niya sa lalong madaling panahon.”

“Dad, paano ang business natin jan?” tanong ko

“Kaya nga need mong sunduin ang Lolo Anton mo dito. Hindi ko kasi magagawang iwan ang business natin dito. I hope you understand… Anak.” Wika ni Dad

“Okay Dad… Pero magagawa ko lang siguro yun, pagkatapos ng final exam namin.” Sabi ko dito

“Okay lang…. Basta dapat may result na ang paghahanap mo sa apo niya.” Sabi ni Dad

“Okay Dad… Nakita ko na siya. Need ko na lang siyang kausapin personally.” Sabi ko

“Okay good… Can I talk to your Mom?” sabi ni Dad

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz