Chapter 44: We're Leaving

Start from the beginning
                                    

Umalis kami sa kwartong iyon ng Dad nya. Tipid lang magsalita ang Dad nila, siguro ay nanghihina pa ito mula sa matagal na pagkakaratay sa kama. Naiwan naman si Callie sa loob ng kwarto ng Dad nya. Mukhang may seryosong kailangan silang pag-usapan.

Dumating si Callie nang maihanda namin ang hapunan. Napansin kong tahimik syang naglakad papasok ng dining area. Nahilot nya ang sintido at umiling. Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa nya mahuli na nakatitg ako sa kanya. Habang nag-aayos ng mga kubyertos sa mesa ay halos mapalundag ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko.

"Ano ka ba!"

Mahina ko syang sininghalan pero ngumiti lang ito. Humila sya ng upuan para sa akin bago maupo sa sariling upuan nya. Nakita ko pa si Tita Rio na nakatitig sa amin pero agad din syang nag-iwas.

Hanggang sa pagtulog ay pansin ko na may bumabagabag kay Callie. Naabutan ko syang tulala at malungkot na nakatitig sa akin.

"May problema ba?"

Imbes na sumagot ay hinila nya ako para yakapin.

"May problema ka nga."

Naramdaman ko ang pag-iling nya at bago ko pa mailayo ang sarili ko para matingnan sya ay agad naman ako nitong siniil ng halik.

"I love you, I love you so much."

Bulong nito sa pagitan ng mga halik. Ramdam kong may pinagdadaanan sya pero kung ayaw naman nya sabihin ay hindi ko na sya pipilitin at kung magagawa kong pagaanin ang loob nya sa paraang ganito ay gagawin ko.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala na akong katabi. Napatingin ako sa orasan. 1:45am. Nasaan naman kaya iyon? Naisip kong bumaba muna para makakuha ng tubig. Naglakad ako papunta sa hagdan pero natigilan ako nang marinig kong may sumigaw. Nang hanapin ko ang pinanggalingan noon ay napansin kong galing iyon sa kwarto kung saan kami ni Tita Rio nag-usap noon. May kaunting awang sa pinto na malamang ay hindi gaanong naisara kaya naman narinig ko ang sigaw na iyon. Masamang makinig ng usapan ng iba kaya minabuti kong iwan nalang iyon at tumuloy na sa baba. Pero bago pa ako makalayo ay muli ako nakarinig ng sigaw. Nakasisigurado ako kung kaninong boses iyon. Boses ni Callie. Napakagat ako ng labi. Anong nangyayari sa loob? Sino ang kausap nya?

"But that's the only way. Kahit ikaw, alam mong wala ka ng ibang mapagpipilian. Delikado na ang lahat. Bukas ang alis nina Cole at Charlene."

Natigilan ako. Hindi ko gaanong maintindihan pero alam kong boses iyon ni Tita Rio.

"No. No. I don't want this. Fuck!"

"Tayo palang ang nakakaalam na gising na ang Dad mo. Kung sino man sila na nagtatangka sa buhay natin. They're thinking that your Dad is dead at kung magigising man sya ay wala na rin syang kwenta but look? He's okay, makakarecover and Dad mo."

"Why? Why now? I can't. Ayoko!"

May kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko matapos kong marinig ang basag na boses na iyon ni Callie. Sobrang pagkadismaya ang narararamdaman ko sa boses nyang iyon. Hindi ko makita ang mukha nya pero sigurado akong hindi ko gusto kung ano man ang nararamdaman nya at sa kung ano ang nangyayari.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now