CHAPTER: TWENTY ONE (COLD SHOWER)

Start from the beginning
                                    

Pinaupo nila si Thunder at agad kong napansin ang pagkatulala niya.

Problema ng g*gong 'to? Akala mo naman, e ngayon ang unang beses niyang mahalikan.

"Thunder, okay ka lang? Thunder!"

"Thunder, snap out of it!"

"Ano ba? Ang OA niyo masyado. That's only a f*cking kiss. He is fine," agad na saad ko sa kanila. Parang mga tanga, e.

"This is bad. Na-trauma ata si Thunder," biglang saad ng kadarating na si Lance.

"Oh, dude. Inumin mo nang mahimasmasan ka." Inabot niya ang isang baso kay Thunder.

Nanginginig pang kinuha ito ni Thunder ang baso bago nilagok lahat ng laman nito.

"Hoy. Vodka ba 'yan?" mabilis na tanong ko nang mapansin ang kulay ng ininom ni Thunder.

"Ah...yeah I think so," sagot naman ni Lance.

"Sira ka. Alam mo namang isang baso ng alak lang..." bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bumagsak na ang ulo ni Thunder sa mesa.

Sabi na, e.

"Ay, s*it nakalimutan ko."

"Itago niyo si Thunder. Paparating na si Trixie." Nagkagulo na ang tatlo nang makita nilang paparating si Trixie.

"Ialis niyo na lang kaya siya dito kung ayaw niyong makita siya ni Trixie," saad ko.

"Tama. Ikaw na mag-alis sa kanya, King. Ilalayo namin si Trixie dito."

"Ayoko nga. Ano bang-- Hoy!" sigaw ko nang biglang ipinaalalay ni Philip ang tulog na si Thunder.

"I'll just take him." Tumayo naman si Carter at akmang kukunin na si Thunder kaya't hinarang ko ang braso ko.

"Ako na. Kaya ko na 'to," mabilis na saad ko.

At sa 'di maipaliwanag na dahilan. Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad palabas ng party habang nakaalalay kay Thunder.

Nang makarating kami sa bahay ay bahagya ko pang tinapik ang braso niya.

"Gumising ka, hoy. Hanggang kwarto talaga gusto mong dalhin kita? Hoy, gising!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Ibinagsak ko ang katawan niya sa sofa saka iniunat ang braso ko.

Aalis na sana ako kaya lang baka mamaya biglang may gawin 'to.

Nagtungo na lang ako sa kusina tapos ay kumuha ng bimpo at malamig na tubig saka bumalik sa sala.

Binasa ko ang bimpo saka ipinunas sa mukha niya.

"Gumising ka na diyan at doon ka matulog sa kwarto mo," saad ko habang pinupunas ang bimpo sa kanya.

"Hmm..." mahinang ungol niya bago hinawakan ang kamay ko.

I immediately swallowed a lump on my throat before looking at him again.

"B-bitawan mo ang kamay ko, Thunder." Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak niya.

"Hmm...ayaw."

"Isa. Sasapakin kita."

Pero panay ungol lang ang sagot niya. Naupo na lang ako sa sahig katabi ng sofa at hinayaan siyang yakapin ang kamay ko.

I stared at his shutted eyes...down to his nose then to his supple lips. At muli na naman akong napalunok. Bahagya akong lumapit sa kanya saka marahang idinikit ang daliri ko sa labi niya. And oh. It is soft.

From She to He (Completed)Where stories live. Discover now