CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES

Start from the beginning
                                    

Itinaas niya ang kanyang kamay at umiiling-iling habang nakangisi. "Damn, girl! Hands down na ako! I can't beat you." tatawa-tawa nitong sabi. Namula ako.

Coby can't beat me. I should feel happy, right? Coby is good at it , yet I still win. That means I'm better than him.

Ngumiti ako sa kanya. "Magaling ka rin naman."

"But I can't beat you." ngumuso ito. "Saan ka natuto maglaro nyan? Ang galing mo naman ata?"

"Aah. A-ano. . .sa mga kuya ko." Partly true. Nung nandito pa sa Pilipinas ang mga Kuya ko, tambayan nila ang gym at entertainment room pag nasa bahay sila. Naalala ko pa nung time na nag-aagawan sila sa joystick.

But I've learned to master their games nang masolo ko ang Xbox. Minsan kalaban ko si Papa na mahilig magpatalo at pinagbibigyan lang rin ako nung mga panahon na wala na ang mga Kuya ko sa bahay.

The most challenging experience on learning is when you found a kind of opponent who will never let you win. Natuto ako dahil na-challenge ako. Natuto ako dahil sa determinasyon kong matalo ang taong walang palya sa panalo sa tuwing ako ang kalaban niya. Wala akong ibang tinutukoy kundi si Delgado.

We've played a hundred of times sa iba't-ibang laro sa Xbox at katulad ni Coby, ako pa ang nagrequest ng rematch but in the end I'm still no match to him.

Napaisip tuloy ako. If Coby can't beat me and I can't beat Delgado. Kung sakali bang maglaro silang dalawa tulad nito, no match rin kaya si Coby sa kanya?

Teka, ba't nga pala dinawit ko rito si Delgado? Erase. I should focus on Coby dahil siya ang kasama ko ngayon.

"Speaking of your brothers, hindi mo ba sila nami-miss?"

"Syempre, nami-miss pero naiintindihan ko naman. They are achieving their dreams. Saka uuwi naman si Kuya Rex this month. Malapit na. Dito siya magbibirthday." Si Kuya Rex ay ang kapatid ko na nasa New Zealand at isang Landscape Architect. Malapit na itong umuwi.

Tumango-tango siya. "That's good. May kasama ka na ulit. Parang ang lungkot kasi ng bahay niyo. Kayong dalawa lang ni Tito Robi. Kami ni Artemis, hindi pa nagkalayo ng gano'n katagal." naiiling na sabi nito.

"Hmm, close talaga kayo no?"

"Yeah. Kahit may pagka-spoiled brat minsan 'yon, hindi ko kayang iwan. Hinihintay ko ngang magka-boyfriend para hindi yung boyfriend niya na ang sasalo ng kakulitan niya." natawa kaming pareho. Sumandal siya sa sofa. "Pero wala, eh. Baka maunahan ko pa siya."

Napalingon ako sa kanya. Nakapikit siya habang nakasandal ang ulo sa sofa. May ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung para saan iyon.

Dumating si Artemis na may dalang tray. May laman iyon na chicken sandwich at ice tea. Nauwi ulit kami sa kwentuhan ngunit hindi maalis sa isip ko ang kakaibang ngiti ni Coby. Napatingin ako sa wall clock. Almost 12 na pala.

Pagtapos namin kumain at magkwentuhan, nagkayayaan na kaming matulog. Tabi kami ni Artemis sa kama. Si Coby , syempre, hindi siya pwedeng tumabi sa amin kaya do'n siya sa kwarto niya.

"Night, girls!" nag-flying kiss pa 'tong si Coby habang papunta ng kanyang kwarto. Natawa na lang kami ng kanyang kapatid.

Diretso agad kami ni Artemis sa kama. Pinatay niya ang chandelier gamit ang isang maliit na remote at binuksan ang lampshade bago tuluyang humiga sa tabi ko.

"Thank you, Rhea, for staying here tonight." nakangiting wika nito. "I really enjoyed being with you. I'm pretty sure Coby feels the same."

Ngumiti rin ako. "Wala 'yon. Tagal na rin nung huling naki-sleepover ako at laging kina Anne lang."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now