He just boredly nodded.

"Pero wait, yung sa swimming practices mo, inaabot ka ng 9PM, so kailangan ko ding mag-stay?!" di makapaniwala kong pahayag.

"Absolutely."

At walang kagatol-gatol niya akong iniwanan at lumabas sa aming room.

"Yan na nga beshy ang start ng pagiging slave mo kay Papa Hue." Habang tapik-tapik ako sa balikat ni Kath.

Nabanggit ko rin kasi kay Kath kahapon yung sa pagiging "slave" ko umano kay Hue, siya ang una kong pinagsabihan.

"Tsk. Nakakainis naman! Tapos gagawa pa siya ng eksena dito. At ang nakakainis pa kailangan ko siyang hintayin." 

"Calm down. Tara na umupo, andyan na daw si Prof."

"Hey guys! Dito!" Nakita naming pagkaway ni Margot habang papasok ng cafeteria.

May 1 hour vacant kami ni Kath while 2 hours pa vacant ni Margot, kaya nagpasya kaming sabay-sabay na kumain.

"Ano sa inyo? Ako na ang oorder?" pagtatanong sa amin ni Margot.

"Huwag na, ako na lang." Pagprepresinta ko.

"Okay sige. Hintayin ka namin dito."

Kaya nagpasya na akong lumakad papuntang counter, habang papalapit ako bigla kong nakita si Hue na makakasalubong ko pala. Tsk. Malas.

"Buying food?" Biglang harang niya sa dinadaanan ko.

Napataas naman ako ng aking kilay. "Well. Obviously."

"Here.Buy mine." Biglang hagis niya sa akin ng kanyang credit card na buti na lang nasalo ko sabay alis kasama si Krysler.

"Calm down Shreya, calm down." mahina kong usal habang pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili.

Pagpunta sa counter, inuna ko munang bilhin ang mga ibinilin na mga pagkain sa akin nila Margot at Kath, at hinuli ko na lang yung kay Hue tutal hindi ko naman alam gusto noon.

"Uhm, miss." biglang tanong ko dun kay ateng tindera.

"Ano yun?"

"Uhh. Alam mo ba kung anong madalas orderin ni Hue?"

"Hue? Hue Chen?"

"Oo." pagsagot ko dito.

"Paiba iba siya, pero madalas Carbonara ang hilig niyang orderin."

See? Coincidence lang talaga yung sinabi ni Kath na parehas kami ng order ni Hue.

"Sige ate, dalawang carbonara saka dalawang mango fruit juice."

Dahan dahan akong pumunta sa table namin nila Kath dahil halos puno din yung dala kong tray, buti na lang tinulungan ako ng isa sa mga staff ng cafeteria para buhatin din yung isang tray na pagkain namin ni Hue.

"Oh? Bakit ano yan? Ang dami naman couz."

"Kay Hue ito. Inutusan niya ako kanina." Nakasimangot kong sagot.

"Dalhin ko muna itong pagkain niya dun sa table nila." Pero bago yun nilapag ko muna yung pagkain kong carbonara at mango fruit juice.

Pagkarating sa kanilang table, silang dalawa lang ni Krsyler ang nakaupo roon kaya nilapag ko na agad yung tray sa harapan niya. Hindu niya ako agad napansin dahil hawak hawak niya ang kanyang cellphone.

"Oh, eto na po ang pagkain niyo Señorito." I mockingly said to him.

Napatingin siya sa akin habang nakataas ang kanyang kilay at tinapunan niya ng tingin ang pagkain.

"Sit." He commanded.

"Huh?" parang bigla akong nabingi sa sinabi niya.

"Eat this." pagturo niya dun sa tray.

"Bakit naman? Eh binili ko nga yan para sayo."

"I don't feel like eating." He reasoned out.

"What?! Eh nagpabili ka pa kung di ka lang din kakain? Sayang yung pera at pagkain mo." inis kong pahayag.

"Why don't you understand my words? You eat those, end of the conversation." Matalim niyang titig sa akin sabay balik niya sa pagcecellphone.

Ugh! I hate him!

Kaya wala akong nagawa kundi umupo na lang sa tabi niya at inilapit sa akin yung tray.

Ngiti ngiti naman si Krysler habang pinagmamasdan kami ni Hue, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Huminto naman siya sa pag-ngiti at gumawa pa ng sign of surrender sa mga kamay niya.

"After you finished those." pagtuturo niya sa mga kinakain ko.

"You'll come with me in the swimming area."

Bigla naman akong nabulunan sa mga sinabi niya kaya dali-dali kong ininom yung mango fruit juice ko.

"Ha? Ah. Eh may klase pa ako eh." Pagsisinungaling ko dito.

"Don't kid me. You have an hour break."

"You knew my schedule?" gulat kong tanong dito.

"Of course. I should know my slave's whereabouts." He said while smirking.

💕💕💕💕

Love & Devotion: Marking His Territoryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें