Chapter 4

52 2 1
                                    

Carbonara

"So ang siste, ikaw ang dakilang P.A ng dakilang si Hue Chen, couz? Ganun ba?!" Manghang tanong sa akin ni Margot habang naglalakad kami sa hallway papasok sa kanya kanya naming klase.

"Oo parang ganun na nga, ipinamukha niya kasi sa akin kahapon na dapat akong ma-guilty sa ginawang pagsampal ko sa kanya nung isang araw, dahil kesyo no one ever hit him even his parents, ang dialogue niya. Diba ang OA?"

"Wala tayong magagawa couz, if over sensitive yang si Hue, at least nga yan lang pinagawa sayo, isipin mo na lang what worst case scenario ang maari niyang ipagawa sayo diba?"

Natahimik na lang ako sa sinabi niya, ewan ko ba hindi ako makapagbato ng sasabihin ko. Feeling ko tama din siya.

"Hi! Mga beshy's!" Nagulat na lang ako ng bigla kaming akbayan mula sa likuran ni Kath.

"Hi!" tugong pagbati ni Margot dito sabay beso kay Kath.

"Huh? Beshy? Kelan?" takang tanong ko.

"Sira din itong si Shreya.." pagtuturo sa akin ni Kath. "Edi ano pa ba? Edi kahapon?" sabay beso din sa akin.

"Oh diba couz, may newly found bestfriend ka na dito sa campus, classmate mo pa, mapapanatag na din ang kalooban ko. Magaan ding kasama itong si Kath, diba besh?" Natatawang sabi ni Margot.

"Yeah right, beshy." sabay apir dito.

"Oh paano pala yan, dito na way ko. Ingat kayo." pagpapaalam sa amin ni Margot.

"Sige couz, ingat."

"Bye beshy!"

"Hay nako, klase na naman. Buti na lang Humanaties na subject natin. Next week na ulit ang English Lit."

"Ano bang mayroon sa professor na yun at inis na inis ka?" tanong ko sa kanya.

"Last sem kasi binigyan ako nung ng tres. Imagine?! Tres?! English Lit, diba sinong hindi maiinis doon?"

"Siguro may reason siya bakit ka niya binigyan ng ganun?"

"Well, nung last sem kasi 2 weeks din akong nawala dahil namatay ang Lolo ko, so pumunta kami sa province namin dun sa Pampanga. Ang mali ko nga lang dun hindi ko siya nainform."

"Pero sinabi mo naman diba? Noong nakauwi ka na?"

" Yeah. Pero ang sabi niya excuse ko lang daw yun para hindi makapagtake ng Final Exam sa kanya."

"Hay nako! Hayaan mo na nga un! Naiinis lang ako." Paghihimutok ni Kath.

Papasok na kami sa klase namin ng bigla kaming napatigil dalawa.

"Beshy, anong ginagawa ni Hue dito?" bulong saken ni Kath.

"Di ko din alam eh."

Nagpasya na akong lumapit dito.

"May klase ka ng Humanities?"

Dahan dahan siyang tumingin sa akin at bigla siyang tumayo.

Napatingala ako ng tingin sa ginawa niya dahil na rin sa tangkad niya at nasa elevated platform pa ang pwesto niya.

"Hinihintay talaga kita." He boredly answered.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Here. Memorize my schedule." sabay abot sa aking ng isang puting papel.

"Lahat ito?!" Gulat na tanong ko.

"Oo, may reklamo?"

"Kasama din yung sa swimming pratices mo?" dagdag kong tanong dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love & Devotion: Marking His TerritoryWhere stories live. Discover now