Chapter 3

46 3 0
                                    

Jacket

After kaming idismiss ni Sir Lopez, agad agad kong hinila palabas si Kath.

"Ano ba Shreya? Nagmamadali lang?" Pagpipigil nito sa akin.

"Oo! Ayokong magpang-abot pa kami ng Hue na yun!"

"Ano ka ba, girl? Dapat nga proud ka ba di ba? Kasi natapatan mo si Hue, meaning hindi lang lakas ng loob at ganda ang sandata mo, may talino ka din palang ibubuga!" bulaslas nito.

"Uy, ano ka ba Kath! Hinaan mo nga yang boses mo, baka may makarinig sayo."

"Too bad, Hue heard every bits from it."

Gulat kaming napalingon sa likuran ni Kath, at bumungad sa amin si Hue at ang kaibigan nitong si Krysler.

"Diba pare?" pagpapatuloy nitong si Krysler.

Pero tanging poker face lang ang ibinigay niya sa aming tingin at walang sabi sabing nilagpasan kami.

Naiiling namang napasunod sa kanya si Krysler at bigla itong huminto sa akin. He gave me a "You Die" expression using his thumb habang ginuguhit niya sa kanyang leeg, na siyang kinalaki ng mga mata ko, sabay talikod niya sa akin.

"Omg! Shreya, gigisahin ka na ba niya?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kath.

At wala akong ibang naisagot kundi tango.

"Wait, anong nangyari diyan sa pinsan ko?"

Narinig kong tanong ni Margot kay Kath.

At kiniwento ni Kath ang buong pangyayari mula dun sa Calculus class namin hanggang doon sa nangyari nung dismissal.

"Oh no! Malaking gulo nga ito, anong gagawin natin?" pagtatanong ni Margot.

"Well, all we can do is pray." Exaggerated na sagot ni Kath, at sabay pa silang dalawang nag-sign of the cross.

Matalim ko silang tinitigan at sabay din silang nag-peace sign sa akin.

"Alam nyo, hindi kayo nakakatulong." Nakabusangot kong reklamo.

"Paano ba naman kami makakatulong couz, malaking isda ang dinali mo!"

"Dinali ka dyan? Watch your words Margot." inis kong baling sa pinsan ko.

"I mean naman kasi, malaking tao ang nakabangga mo! Paano natin ito malulusutan, iisipin ko palang na baka may gawin siya sayong hindi maganda, kinikilabutan na ako, couz!"

"Ang OA ha? May OSA kaya tayo saka nandyan ang Dean's Office, feel free tayong magsumbong, anytime. Saka tingin ko naman hindi nananakit ng babae si Hue. Ang judgemental ha." Pagpapaliwanag ni Kath.

Sa mga narinig ko mula kay Kath, may tama siya feeling ko naman hindi ako sasaktan ng Hue na yun. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Malay ba natin diba? Saka si Hue Chen yun! H-U-E!" iniisa isang bigkas ng eksaherada kong pinsan.

"Speaking of the devil!" madiin na bulong ni Kath sa aming pwesto ni Margot. Dahil nakaharap siya sa amin at nakikita niya ang mga estudyanteng papasok dito sa cafeteria.

Pinili kong maging busy-busyhan sa kinakain kong carbonara.

Samantalang etong dalawa ay obvious na obvious na tinitignan si Hue.

"OMG! Shreya! Parehas kayo ng food ni Hue! Binili niya din carbonara!" impit na tili ni Kath sa amin ni Margot.

"Maghunos-dili ka nga dyan Kath, nagkataon lang yan." sabi ko.

"Huh? Parang hindi naman, feeling ko sinadya niya. Nakita kong tumingin muna siya sayo bago siya umorder eh."

"Alam mo, imagination lang yan Kath. Imagination." Pagkukumbinsi ko dito.

Love & Devotion: Marking His TerritoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant