Ewan ko ba sa babaeng ito, sala sa lamig at sala sa init ang ugali.

"Kung totoo man yan.." biglang singit ni Margot.

"Is HUEYA is sailing?" dagdag nito.

At nakita kong parehong nanlaki ang kanilang mga matang dalawa at masayang naghawakan ng mga kamay.

"Anong Luya?" takang tanong ko.

"Loka! Hueya! Meaning Hue at Shreya loveteam!" pagpapaliwanag ni Kath.

"Ahh.." napapatango kong sagot. "WHAT?!" inis na baling ko sa kanila.

"Hoy, magsitigil nga kayong dalawa, walang ganon, okay? Saka diba kaaway ko sya. KAAWAY. Kayo pa nga namomoblema kung paano ko siya iiwasan, tapos ngayon gagawa gawa kayo dyan ng loveteam."

"Eh kasi couz, naisip ko din na. What if wag mo siyang kalabanin? What if siya ay iyong ibigin? Edi case solved!" Napapalakpak na mungkahi ng loka loka kong pinsan.

At sinundan pa ito ng eksaheradang pagtango ni Kath.

Tsk. Mukhang nasisiraan na sila ng bait.

"Oh! Watch out, couz!" Napabaling ako sa tinuturo ni Margot ng biglang may matigas na bagay na tumama sa aking balikat kasabay noon ang pagtapon ng mango fruit juice at carbonara sa aking lamesa. At ang pagtalbog ng isang bola. Bola? anong ginagawa ng bola dito sa cafeteria?

Napapikit ako saglit at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng varsity jacket.

"Ayos ka lang? I'm sorry sa nangyari." Napatingin ako sa lalaking biglang humawak sa aking balikat.

Hindi ko maipagkakaila na gwapo ang isang ito, maputi at matangkad.

"Wait! Mukha bang covered court itong cafeteria? Para dito niyo paglaruan iyang bola?" Biglang napatayo si Kath at nakataas ang kilay na binalingan ang lalaking kumakausap sa akin.

"Kaya nga nagso-sorry ako, medyo napalakas ang pag- dribble ng kasama ko, kaya sya natamaan. As their team captain, I am really sorry. Gusto mo dalhin kita sa clinic? Wait. Gamitin mo na pala itong jacket ko at nadumihan na yang damit mo." akmang tatanggalin na niya ang kanyang suot na jacket ng biglang may pumigil dito.

"No need for that. My jacket will do." Bigla akong napabaling ng hubarin ni Hue ang jacket niya na may tatak na Alka Ace Swimming Team- Team Captain. At bigla niya isinuot sa akin.

At walang sabi sabing hinila niya ako palayo sa cafeteria.

"Wait--- Teka-- Hue!" inis na sigaw ko dito.

Bigla siyang napahinto at dahan dahang tumingin sa akin.

"And now we're calling for the first name basis, Shreya?" he said while smirking.

Saglit akong natigilan ng tawagin niya ako sa aking pangalan, naghatid iyon ng kakaibang kuryente sa aking buong sistema.

Pero agad ko ding binawi iyon.

"Saan mo ba ako dadalhin? At basta ka na lang nanghihila. As far as I know, magkaaway tayo diba?"

"Sinong nagsabi sayong magka-away tayo?"

"Huh?"

"You're my, slave." pagbulong niya sa akin ng bawat katagang iyon.

"Wa--wait, what? Me? Slave? Ha! Kailan pa? Bakit mukhang hindi ako nainform tungkol diyan?" biglang tanggal ko sa kamay niyang nakahawak sa aking pala-pulsuhan.

"Now you know already. May reklamo?" masungit niyang paghahamon.

"Oo naman, syempre! Ako to eh, ako gagawin mong slave? Nagpapatawa ka ba?" I mockingly asked him.

"Bakit sa tingin mo ba, natuwa ako sa pagsampal mo sa akin?" seryoso niyang pahayag.

Bigla akong natahimik. Guilt starts to envelop my whole system.

"It's.. it's because you said stupid at me? Sinong hindi magagalit doon?"

"Pero kailangan ba talagang sampalin ako? No one ever hit me! Not even my parents! Kaya kailangang pagbayaran mo ang ginawa mo sa akin."

I took a deep sighed. I must surrender for this, I must say.. I was defeated by him.

💕💕💕💕💕

ILOCKEDMYHEART'S CORNER:

Hi everyone! For the information ng nakakarami ang pronunciation ng Hue ay parang Louie pero Yu-wi ang bigkas.

And welcome sa lahat ng readers and soon to be readers na makakabasa ng story ko. Para sa kaalaman ng nakakarami, I unpublished all my works and started to write a new story.

Feeling ko kasi, it's the time of my life na kailangan ko ng gumawa ng step para sa mga pangarap ko, I want to be a renowned writer, though hindi naman masamang mangarap diba? Wish me luck!

xoxo

Love & Devotion: Marking His TerritoryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum