“Hahaha! Yan kasi, magbayad ka na.” nataawang sabi ni Charlie. Napasimangot ako at binigay na ang bayad sa waiter.

———

“Andito ka lang pala my lucky charm. Akala ko kung nasaan ka na eh.” sabi ko habang hawak ko ang papel sa kamay ko. Nandito na kami sa building at work hour na.

“Employee's!” napalingon agad kami kay Ma'am Era ng tumayo ito sa kanyang cubicle.

“I'm going to check your works individually. And if I'm done checking your works, you can go home!”

Yas! Makaka alis na rin! Tinignan ko ang relo ko at 6PM na. 7:00—6:00 kasi ang work namin and Linggo ang day off namin, great right?

And yass! Pag na check na ang works namin ay—

Wait!

Pang huli ako sa cubicle eh! Edi huli akong aalis?! Noooooo!

“Uy Andrea, mauuna na kami ni Charie ah. Dulo ka pa kasi hahaha.” pinatawanan pa talaga ako ni Mia ah.

“Oo na po. Bukas na lang tayo magkita.” naka ngusong sabi ko kaya natawa siyang bumalik sa pwesto niya.

Napasandal na lang ako sa swivel chair at inantay na lang si Ma'am Era na magpunta sa akin.

ZzzzzzzzZzzzzzzz...

“Ms Zheon.”

“Hmm..”

“Ms Zheon!”

“AY!” napabangon ako sa desk na kinatutulugan ko.

“M-ma'am Era.” nahihiya kong sabi. Napatingin ako sa floor at kami na lang dalawa ang natitira.

“Inantok ka ata sa kaiintay. Hmm, let me see your work.” sabi niya kaya binuhay ko yung PC.

Nakita niya ang gawa ko kaya medyo nagulat siya, “A Paper?” takang tanong ni Ma'am kaya tumango ako.

“Paper po kasi, isa akong klaseng tao katulad ng papel. Pede mo akong gamitin sa lahat ng bagay, isulat o ibuhos mo lahat ng problema mo sa akin. Handa akong magpasulat gumaan lang ang pakiramdam mo. And a side from that Ma'am! Paper is also my favorite thing, diyan ako nakakapag drawing eh, hehe.”

*clap!* *clap!*

“Impressive! Hindi ko alam na may tinatago ka palang talino Ms Zheon.”

Eyy enebe ma'am!

“Now you can go, mukhang inaantok ka na.” natawa ako sa sinabi ni Ma'am at nag bow. Umalis na ito at dumeretso sa cubicle niya. Ako naman ay kinuha lahat ng gamit ko and ready to go na ako! Nag pulbo at spray din ako ng pabango para naman fresh pa rin ahehe!

“Bye Ma'am!” paalam ko pa kay Ma'am bago sumakay ng elevator.

*vibrate!*

Kinuha ko ang phone ko na nasa bag at tinignan ang text.

I want Korean Noodles ate, bring me one.’

Aish! Ito talagang si Allen nagpapabili pa! Si Allen ay nakababata kong kapatid and yes he's a boy.

Paglabas ko ng elevator ay napadaan ako sa parang resto dito din sa building. Grabenish ah, wala na talagang tao! Tapos mga kape at cake's lang pala ang tinda dito. Sa kabilang side naman ay mga pang breakfast, lunch at dinner. Dumeretso ako doon sa coffee shop. Mahilig ako sa kape eh, hehe.

“Good evening. What do you want madame?” wew nemen, madame talaga?

“Hmm..” tumingin ako sa mga kape na nasa taas. “Cappuccino please.”

“Right away madame.”

Habang nag aantay ako ng order ko ay kinuha ko ang bag ko at binuksan, hinahanap ko yung wallet ko para magbayad na ng may marinig akong nagsalita sa tabi ko.

“One Cappuccino.” ang lalim ng boses ah! Hindi ko ito pinansin at  saka nagpatuloy sa paghahanap. Asan na ba yun?

“Here's your order.” napatingin ako sa nilapag at Cappuccino na ito kaya kukunin ko na sana ng—

May kamay na humawak din doon. So, pareho kaming nakahawak ngayon sa cup!

Napatingin ako sa nakahawak at—

Harujusko! Bakit ang gwapo naman nito! Waaaah!

“It's mine, miss.”

“H-huh?” nabalik ang paningin ko sa cup na nakuha niya na.

“A-anong sayo? Akin yan! Ako ang unang um-order nan!” pag rereklamo ko. Ako naman talaga ang nauna diba!

“But it's paid miss.” turo niya pa sa pera na nasa table.

“Oh eh ano naman? Hindi pa naman nakukuha! Akin na yan, ako ang unang um-order nan mister! Matuto kang mag intay!” kukunin ko na sana ang kape ng ilayo niya to sa akin. He smirk.

Omo! Ang gwapo—Andrea!

“Palaban ka ah. Hmm you don't know me, am I right?” tanong niya kaya napa kunot ang noo ko.

“How can I know you eh ngayon lang kita nakita. Bakit? Nagkita na ba tayo? Ah! Oo, ikaw yung nakita kong kumukuha ng kape na dapat ay sa akin! Tama ako? So akin na yan at may bibilhin pa ako!” kukunin ko sana ulit yung kape pero iba ang nangyari, nakuha niya ang kamay ko at walang sabing pinatalikod sa kanya kaya nasa likod ko siya ngayon!

“Hey miss. It's just a coffee, why so serious.” seryoso niyang bulong sa tenga ko.

God! Nasa tenga ko siya!

“B-bitawan mo ako!” agad na umalis ako sa hawak niya.

“B-bahala ka na nga! Nerbyosin ka sana! Che!” agad na umalis ako doon at walang lingon na lumabas sa shop na yun!

Kasura! Porket gwapo niya mauuna na siya? Che!

Nagderetso na lang ako sa may convenient store at bumili ng gusto ni Allen at sumakay na sa taxi para umuwi sa amin.

Hayy, what a day!

———


A/N: Vote and Comment please 💛

Young BossWhere stories live. Discover now