Chapter 30: Dalawang sakit sa ulo.

5.3K 88 4
                                    

ADRIANNA’S POV

JONATHAN!?

Hindi ko alam kung ano na yung mga sumunod na nangyari, bigla nalang akong yumakap sakanya habang umiiyak.

Ganun ba ako kaiyakin para maghanap ng masasandalan?

Alam ko, naramdaman kong nabigla rin si Mr. Engot sa ginawa ko….

Ano to ang lakas ng tibok ng puso ko…

Sa sobrang lakas ay baka maramdaman din niya…

Kakahiya..

But, I just can’t let go, my body wont move an inch…

Naramdaman kong niyakap niya rin ako. Mahigpit na yakap. Nawala yung lamig na nararamdaman ko nang panandalian.

“Gising na!”

Huh? Ano tong boses na naririnig ko?

“HOY! ANG SARAP NG TULOG MO HA! GISING NA!”

 Bigla nalng akong naalimpungatan,

Pa-panaginip lang pala?

Hay salamat! Panaginip lang! akala ko talaga nangyari yung yakap thingy

“hay! Panaginip lang!”

“Huh? Anong pinagsasabi mo?”

Nagulat talaga ako ng nasa harapan ko si…

“JONATHAN?! Anong ginagawa mo dito? Nasaan ako? Bakit tayo nasa iisang kama?! Anong ginawa mo sakin!?” agad kong binalot ang sarili ko ng kumot at tiningnan kung may damit pa ako

At napagalaman kong may damit pa namn ako, basa. Basa pa rin.

“Huh? Nandito ka sa condo ko,”

“CONDO MO?! Bakit mo ako kinidnap!?”

“tinulungan na nga kita! Ikaw pa tong galit? Hindi mob a naaalala yung nangyari kahapon?”

“anong nangyari kahapon?”

Anong pinagsasabi nito?

“kahapon bigla ka nalng nag collapse kaya ayan dito nalang kita dinala, kasi ito ang pinakamalapit, o eto damit! Magbihis ka!” sabay abot sakin yung damit

Aba! Saan niya naman kaya kinuha tong damit na to?

May stock?!

O baka naman sa sobrang dami ng babaeng dinala niya na dito ay na-stock yung mga damit

Hala! Yuck!

Eeewwww!

“kung ano man yang iniisip mo, hindi yan totoo. Kay ate yan,”

“ ahhh..buti naman sa ate mo…HUWAT?! MAY ATE KA!?”

“oo,”

“SERYOSO?”

“bakit ba!?”

“all this time kasi akala ko only child ka lang,”

“magbihis ka nalang nga diyan, dun sa may gilid yung CR,” sabi niya sabay turo at lumabas din lang

May ate pala siya?

How come?

JONATHAN’S POV

Grabe, hindi ko parin makalimutan yung nangyari kagabi. Yung pagyakap niya saakin bago siya mawalan ng malay. Pero, mukhang hindi niya na maalala. Buti namn.

“psst!”  tawag sakin niate

Oo, nasa condo ko din siya nasa may sala. Hindi pa siya nakikita ni Adrianna.

“Ate bakit ba?”

“siya? Siya ba yung fiancé na gustong ipakasal sayo ni dad?” sabi niya sabay inom nung chocolate drink niya.

“oo, pero hindi ko siya papakasalan!”

“ano tong ginagawa mo ngayon? Akala ko ba kayo na ulit ni Maureen?”

“oo nga. Pero anong gusto mong gawin ko dito kay Adrianna, pabayaan sa daaan?”

“relax brother. Kaya nga ako nandito di ba? To help you.”

“thanks for the clothes,”

“actually, I like this girl Adrianna. She’s a total opposite of Maureen,”

“wag mo siyang i-compare kay Maureen, di hamak na mas lamang si Maureen sakanya!tss..”

“seriously? Alam mo naman siguro na mainit ang dugo ko kay Maureen di ba? Hindi ako naniniwala na talagng meant for each other kayo. Actually boto ako kay Adrianna. Kasi andaming nagbago sayo mula nung makilala mo siya,”

“Non-sense!”

“ Ano  ng baalk m okay adrianna?’

“ibabalik sa kanila, natural!”

“HUWAG MO MUNA AKO IBALIK SAMIN!”---adrianna, biglang sumingit

“huh?”

“I don’t think na ready na ako bumalik,”

“okay you can stay here sa condo ni jonats,”---ate

“jonats?”

O_O ito yung mukha ni Adrianna sabay tawa

“jonats?!hahahahahha!”

Ayun pati si ate tumawa na rin

“hello, I’m  tiffany. Ate ni jonats*tawa ulit* ,”

“*tawa din* hello..”

“ate Tiffa na lang,”

“hello ate Tiffa,”

Wow, ayun nagsimula na silang magkwentuhan at talagang nagkakasundo sila kapag asaran sakin ang topic at dahil sa sobrang pagkagusto at pagkaaliw sakanya ni ate ay tumira muna sa condo ko si ate.

Dalawang sakit sa ulo ang iisipin ko.

Tsk!

Nagmukha tuloy akong alipin sa SARILI kong condo.

“alam mo Adrianna, maganda ka sana e..kaso lang hindi ka masyadong nagaayos,”—ate tiffa

“Eh?”

“tara pa-palor at mall tayo?”

“uhm,,,ano kasi e..”

“Ano ka ba, money is not a prob right jonats?*tawa ulit*”

Alam ko na ang mangyayari…….

Magiging alalay ako nito at magiging bangko!

Hay! Buhay nga namn!

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga babae!tsk!

A/N: salamat sa pag read ng chapt. Na to. Sorry kung medyo slow ang update nito medyo busy kasi si author sa school e…salamt sa pag intindi. Love lots. Maybe kapag di na ako masyadong busy magdidirediretso ng update. Salamat!

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Where stories live. Discover now