Chapter 86: Friends?

3.5K 56 2
                                    

 

Good day everyone!!! *_* hello! Dine- dedicate ko po ang chapter na ito kay marypatriz dahil nais ko siyang pasalamatan sa pag suporta niya sa story ko. At hindi niya nakakalimutan mag comment lagi dun sa baba. Salamat sayo, pinapalakas ng mga comments mo ang loob ko na ipagpatuloy pa ang story na ito. Thank you talaga ^_^. Nice to meet you marypatriz *hand shake*

~~~

Sabay na kaming bumaba ng kwarto ni Jonathan dahil sabi nga kanina ni ma’am vina e magkita kita na lang kami sa baba para sa dinner.

Pero, awkward dahil itong si jonathan kanina pa tawa ng tawa dito sa likod ko. Titingin saakin tas bigala na namang tatawa. Iumpog ko kaya to sa pader?! Kahit mahal ko ‘to iuumpog ko ‘to!

Pagkadating namin sa baba tumabi ako sa nireserve na upuan ni music at si engot naman tumabi syempre sa girlfriend niyang labanos. Tss…ang dami ko na yatang bansag dito kay Maureen. Parang ang sama ko tuloy.

Alam mo yung feeling na kahit nakaupo na kami at nagsisikain e panay pa din ang tingin ni engot sakin tas tatawa. AISH!

“anong problema ni jonats? Tawa ng tawa, kanina pa yan e,” tanong ni Music na nakahalata din pala.

“tsss…Baliw na yan,” sabi ko naman. Mamaya ko na lang ikukwento yung sa panty ko. Hoy! Gusto ko lang sabihin na maganda ang mga panty ko! mga bago yun no! at hindi yung mga chipipay na panty na nabibili ng buy one take one! >.<

Kumain kami ng matiwasay. Ang sasarap nung pagkain. Lamon lang ako ng lamon lalo pa’t depressed ako dahil dun sa panty issue. Kainis lang! sa lahat ng pwede niyang hawakan! Tsss

After nung dinner, sinabihan kami ng teacher na pwede kaming mag explore sa beach but be sure to be  back daw pag 10 p.m. Actually kasi, private tong beach resort na ito kaya kami lang ang tao dito bukod dun sa mga staffs na naririto.

“Bestie! Selfie tayo! Retrica bilis!!!” kinaladkad naman ako ni music at nagsimula na kaming mag “selfie” daw. Bale 9 shots yun, yung isa sa mga effects sa retrica.

Syempre di naman ako KJ kaya pose lang ako pose. May mga simpleng smile lang, may wacky. Kung anu ano lang. tapos kinuwento ko din yung sa panty kaya tawa lang kami ng tawa sa sobrang tawa nga e hinahampas hampas niya pa ko.

Naglakad lakad kami ni music sa buhangin tas magpipicture na naman mga ganun. Tapos nakita namin si jonathan at Maureen na naglalakad din tas nagte-take ng pictures.

“Bestie, okay ka lang?” tanong niya

“syempre!” pagsisinungaling ko. Yung totoo? Nasasaktan ako kasi yung taong mahal ko, may mahal ng iba. Yun taong minahal at minamahal ko pa din ngayon, Masaya with someone else. Ang sakit di ba? Na experience niyo na ba yun?

“Alam mo bestie, believe me mahal ka niyan. Magtiwala ka lang sakanya,” sabi ni music

“huh? What do you mean?”

“wala” matipid nitong sagot.

“anu nga??? Something’s fishy,”sinisiko siko ko pa siya. Lately kasi kakaiba tong bestfriend ko e. kung dati kapag uwian e sumasabay samin ni Darren pauwi ngayon hindi na. Pero kapag hindi ko naman kasama si Darren pag uwi e sasabay… tapos ngayon naman kung anu anong pinagsasasabi.

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon