Chapter 58: Path to moving on...daw

4.4K 61 2
                                    

 

 

{ADRIANNA’S POV}

KINAUMAGAHAN….

Hindi ko na alam kung anong pinagsasasabi ko kanina…hindi ko na rin alam kung anong dapat kong maramdaman…bakit ganito? Kung kelan akala ko okay na ang lahat saka naman nangyari ‘to…

Gusto kong maniwala kay Jonathan…pero paano? Nakita ko ang lahat..magkadikit ang mga labi nila, ano pa bang ibig sabihin nun?

Noon palang alam ko na, na hinding-hindi ko mapapalitan si Maureen sa puso ni Jonathan…

Sa mga panahon na ‘to andito lang ako sa kwarto ko, nagmumukmok. Samantalang, si jonathan, nasa ospital. Sinamahan niya si Maureen sa surgery nito.

I feel so helpless…and hurt….

 

*tok*tok*

May kumakatok sa kwarto ko, malamang yung maid..hindi ako tumayo…nakaupo lang ako sa gilid ng silya ko… naka-lock rin yung pinto ko kaya hindi rin siya nakapasok.

“Ma’am, hindi pa ho ba kayo mananaghalian?” tanong nito

Magdamag na din akong walang tulog at hindi pa rin ako kumakain.

“bababa na lang ako,” tugon ko

“hindi ka dapat na mag-stay ng ganito! Kailangan mong maging matatag! Huwag kang magpatalo kay Jonathan!” sabi ko sa sarili ko ang habang tinatapik-tapik pa ang mga pisngi ko habang nakatingin sa salamin…

Oo nga nuh! Siya nga ‘tong walang pake kung nasasaktan ako! Nung nag-away kami kahapon ni hindi niya man lang ako pinuntahan sa kwarto ko para suyuin tapos ngayon nandun siya sa ospital. Ginagawa niya lang kuna anong gusto niyang gawin at parang wala lang sakanya na nag-break kami kahapon!

From now on, I MUST MOVE ON! Maghahanap din ako ng iba!

“Tama! Alam ko na! mag –mo-mall ako!”

Dali-dali akong pumunta sa banyo ko at nagsimula ng mag shower. After ko mag shower nagbihis ako ng maganda—nag dress ako.  nag make-up din ako at itinali ang buhok ko.Ready na kong maghanap ng bagong prospect! And I’m on my way to moving on!

 

*kriiiing*kriiiing*

 

*UNKNOWN number calling*

 

“sino naman ‘to?”

Hindi ko muna sinagot yung telepono ko dahil hindi ko naman kilala kung sino.

*kriiiing*kriiiing*

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon