CHAPTER 31

6K 101 8
                                    

******

Harleyne Quinzel's POV

Free time namin lahat kaya lahat ng estudyante ay nasa labas ng room,Nasa cafeteria, Nasa Gym..at yung iba naman ginawa nang bahay ang room nila at ginawa nila inusog nila ang mga upuan at naglatag ng puting tela tsaka na sila humiga at ginawang unan ang mga bag

At yung iba talaga may mga maliliit na unan sa locker nila at pinagtiisan nila

At habang kami nandito sa garden at nakaupo dito sa mga bench ..Pinagdikit dikit kasi namin ang mga upuan

At ang inoobserbahan namin ay kasama si Clark at parang may plinaplano yata dahil may hawak na ballpen at papel si Disserie at akala mo secretary ni Clark

Madami kaming ginagawa as in-_- Yung nagcecellphone lang yung iba sa mga kabarkada mo tas ikaw nganga at patingin tingin lang sa inoobserbahan namen ..Charot lang! Nasa tabi ko ngayon ang libro ko at binabasa ko ang next lesson

Ang nakikita ko ngayon ay ang ngiti nila sa isa't isa pero parang may meaning ang mga iyon ..Pasimple ko silang kinuhanan ng litrato at agad ko naman ding naitago ng kunyaring nag aayos ako ng bag ko

Bigla silang tumayo at umalis..Bastos yon ah! Di nagpapaalam! Tinext ko si Cassidy na sundan namin sila Disserie kung san man sila pupunta

Nagsitayuan narin sila at nagpaalam naman kami sa barkada ni Clark na may bibilhin kami sa labas kaya agad kaming sumakay sa kanya kanyang kotse at sinundan ang kotse ni Clark

****
Sa mall lang pala sila pupunta eh! Pero bakit nga ba sa mall? Baka mag dedate??! Yieee❤

"Sa tingin nyo ano yung hawak ni Disserie?" Tanong ni Solheil

"Aba malay naten!" Sabay ikot ng mata ni Krishna na nag pipicture lang naman sa dalawa habang naka akbay si Clark kay Disserie

"O ayon! Pumasok sila Sa Blue Magic" Sabi ko at unti unti kaming lumapit hanggang sa nakita namen na nasa loob na talaga sila ay agad kaming sumunod sa kanila.Ang hirap maging spy!

"Bat sila bumili ng teddy bear na hanggang tao ang size?" Umatras kami dahil paalis na agad sila mukang nakapagpareserve sila sa FB a! High tech na talaga ngayon! Sunod silang pumasok sa Pure Gold kaya pumasok din kami don at kumuha narin kami ng cart para bumili ng ibat ibang pagkain kahit hindi pa naman kailangan.Basta! Kung ano nalang ang mabili jan basta mabantayan lang tong dalawang to!

Dumeretso sila sa Chocolate Department at don sila kumuha ng kumuha ng maraming chocolate kaya nanlaki ang mata ko dahil pinupuno talaga nila yung cart

Magkadiabetes si Disserie nyan! Ang dami pa nyang stock sa bahay! Gusto ko sanang isigaw yon kaso baka mamaya masira pa ang plano namen e.

Pagkatapos nilang magbayad ay lumabas naren sila tsaka naman pumunta ng Jewelry Shop at hinintay nalang namen sila sa Labas dahil alam naman namen na mabilis lang silang matapos don kaya.Oh tingnan mo! Tapos na agad sila

Sumunod naman kami sakanila pero papunta na sila ng parking lot eh kaya siguro uuwi na sila kaya di pa kami umuwi at pumunta sa Krispy Kreme at bumili ng isang box non tsaka na kami umuwi.

******

(Kinabukasan)

Day #2. Observation

Francine Disserie's POV

Maaga kaming pumasok ni Clark at ng barkada nya dahil mag dedecorate pa kami sa Gym dahil sa surprise nya kay Maddison

Ginagawa kong malaking paheart shape ang mga pink and red rose na petals sa floor at pinalibutan ko sa loob ng mga pinamili naming chocolates.Ang dami nga eh 4 na plastic bag ng chocolates e

Ang swerte swerte nya.. Kung tinatanong nyo kung nasan si Clark nasa likod sya at nagbibihis para sa surprise+Date nila ni Maddison

Inupo ko sa floor ang malaking teddy bear

Inayos naman ng barkada ni Clark ang libo libong pulang lobo dito

May mga arrows pa nga kung san nilelead si Maddison kung nasan si Clark..Nakakakilig diba-_-

Namatay na ang ilaw at may naramdaman akong humila saken papunta sa gilid kaya hinayaan ko nalang..Maya maya may narinig na kong nagtititili tili kaya alam kong nandyan na sya at nakapiring na ayon sa plano namen para hindi nya agad makita kung ano ang paandar namen

Narinig ko na ang tunog ng stilletos nya kaya alam kong sinusundan nya na yung mga arrows na nakadikit sa sahig

Nang narinig kong tumigil na ang tunog ng stilletos nya ay tumutok sakanya ang ilaw at nakita mong nanlaki ang mata nya dahil sa nakalagay sa sahig..Parang hindi sya makapaniwala na hanggang ngayon mahal na mahal parin sya ng taong mahal nya at ng taong......Mahal ko

Matagal ko nang narealize na mahal ko na talaga si Clark at hindi na yon mababago.

Lumapit sakanya si Clark at may binulong sakanya kaya napangiti sya.Hindi yung plastik..Hindi yung malanding ngiti kundi yung totoong ngiti

Tumango sya at niyakap si Clark kaya niyakap rin ni Clark si Maddison..Umiiyak ngayon si Maddison.Siguro tears of joy kaya sya ganyan kung siguro pelikula lang to nakokornihan na ko kasi diba? Eto naman lagi ang nangyayari ..Hindi mo inaakala na dati mo lang napapanood hindi mo aakalain na magkakatotoo ngayon

Masakit. Sobrang sakit pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi naman ako ang nagpapasaya sa taong mahal ko kundi ang ibang tao. Makita ko lang na masaya sya kay Maddison magiging masaya narin ako .Yung ngiti nyang hindi ko pa nakikita  ....

Hindi ko na kayang makita ang mga nangyayari ngayon kaya dahan dahan akong tumalikod at naglakad ng walang ingay para hindi nila marinig ang pag alis ko.May mga luha na kasing tumutulo galing sa mga mata ko kaya kailangan ko narin talagang umalis pinahid ko ang mga luhang pumatak sa aking mata tsaka pinagpatuloy ang paglalakad..Para umalis na.....At lumayo sa kanila.Malaki akong sagabal kung eeksena pa ko

"Disserie! Someone wants to talk to you" nilingon ko si Clark at nginuso nya si Maddison na nakayuko ngayon

Baket?

Lumapit saken si Maddison habang nakangiti.Naistatwa ako dahil totoong ngiti ang pinapakita nya ngayon

Inabot nya ang kamay ko at tumingin saken

"Disserie.Thank you ha! Hindi ko akalain kung sino pa ang taong akala kong umaagaw sa taong mahal ko e yun pa pala ang tutulong saken kung pano kami magkabalikan ng boyfriend ko.From now on i will be your besty na.Promise! Bestfriends?" Maddison

"B-bestfriends"

"Yieee! Thank you osige bye muna ah magdedate pa kami ni boyfie..Bye mwuah!" Sabi nya at nagflying kiss pa sya

Okay...What was that? Is that for real?


The Sassy Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon