CHAPTER 6

6K 157 3
                                    

Francine Disserie's POV

Nandito ako sa Rooftop at nagpapahangin habang kumakain ng Graham Balls

Gandang ganda talaga ako sa langit feeling ko kasi pa tumitingin ako dito para akong lumilipad...

Pinicturan ko yung langit...

Umupo ako sa isang bench dito at doon nagpatugtog ng "A Thousand Years" habang tumutugtog ito hindi ko maiwasang hindi mapasabay sa pagkanta

Nakakagaan kase ng pakiramdam yung tugtog na to..Eto din yung isa sa pinakagusto kong tugtog tsaka yung tugtog ni Ed Sheeran

Halos lahat na yata kabisado ko na yung kanta nya ehh

Music Lover din kase ako simula palang nung bata ako...
Dati pangarap ko maging artista pero napag isip isipan ko na mahirap magtago kasi lagi akong masisiksik hahaha ^_^

Naisip ko bigla si Maddison baket kaya sya ganon?

Sabagay baka nainis sa sinabi ng kaibigan nya..

Pero..She looks familliar..Aishh! Baka may kamuka lang sya..Tama Disserie May kamuka lang sya..

Nakakastress din kase pag nag iisip ka ng nakalimutan mo na

Napalingon ako sa may pintuan kaya maisipan ko na lilibutin ko muna tong University...

Niligpit ko na yung kinainan ko at nilagay yung tupperware at cellphone ko sa bag ko

Sinabit ko na yung bag ko sa balikat ko at bumaba na..

Una kong pinuntahan ang Library..

Mabuti nalang may mga signs sa taas na makikita mo kung san papunta ang Library

Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko..Omyghad! Andaming libro..Parang pang amerika yung library dito dahil ang daming bookshelf at may bookshelf pa na nakakabit sa wall at kailangan pang akyatin gamit ang hagdan

Iniwan ko muna ang bag ko sa isang pabilog na mesa na katabi lang ng bintana at tumingin muna ng librong mababasa Ancient Books at Discovery favorite ko din kase mag basa ng  ganto..

Habang nagbabasa ako sinalpak ko ang earphones ko at nagpatugtog ng worship song na minash up ni Caleb+Kelsey..

Habang nagbabasa ako hindi ko maiwasang maisip yung nangyari kanina samin ni Clark..Napilitan pa tuloy akong ibigay sakanya yung Yellow Pad..Kainis kase sya eh😔

Siguro pag natyempuhan nya na mainit talaga ang ulo ko maingungudngod ko sakanya yung papel na yun..😂

Tas yung feeling na parang nagagalit kana nga kukulitin kapa sarap nya lang igapos sa puno eh..

Pero guys..Aaminin ko na Gwapo nga sya kaso ang KULIT eh..qiqil nya si Ako

*🔔Kring-Kring-Kring🔔*

Narinig ko na yung bell at hudyat na break na namin kaya niligpit ko na yung libro at iniwan sa gilid

Inayos ko na ang bag ko at dinala na ito tsaka lumabas na ng library...

Nakita ko naman yung mga kaibigan ko na may worried face at papalapit saken..

"Guys? What's with the Face?" Tanong ko sakanila at nagkatinginan silang apat

"Anong "What's with the Face?" Pinagsasabi mo jan...Nag aalala kami sayo sabi ni Mr.David eh nasa clinic ka daw pero nung pumunta kami dun wala ka dun" Sabi ni Harley

"Nakakainis kase yang Clark na yan eh kinukulit ako sa klase kaya lumabas nalang ako" Pagpapaliwanag ko sakanila at bigla namang lumiwanag ang mga muka ng mga kaibigan ko

The Sassy Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon