Chapter 1

130 1 1
                                    

This is it, pansit!

Nangiti si Lee sa naisip habang binabalot ang pansit na pinaluto niya kay Yaya Bising. Ala-singko pa lang ng madaling araw ay gising na silang mag-yaya. Siya, dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari nang nagdaang gabi. Si Yaya naman, para magluto. Dadalhin niya ang ipinalutong pansit sa kabilang bahay kung saan nakatira ang BFF for life ng Daddy niya, si Tito Samuel. Siguradong gising na ito, nasa balkon at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Ang anak nito na kababata niya, si Kuya Sal, ang talagang sadya niya. Dahilan lang ang pagdadala doon ng pansit na alam niyang paborito ng tito niya.

Sa sobrang close friends ng pamilya nila ay hindi na talaga niya kailangan ng alibi para pumunta sa bahay ng mga Torres. Parang extension na nga ng bahay nila ang bahay ng mga ito. Pwede pa nga niya sabihin na nandoon siya ng ganoon ka-aga para makisalo sa almusal ng mga ito. Madalas naman siya nakikain doon lalo na kung wala ang Mommy at Daddy niya tulad ngayon. Nagbabakasyon sa Camiguin ang mga magulang niya para sa kanilang wedding anniversary.

Pero ok na din na meron siyang dala na makakain. Baka kasi hindi pa nakakabalik galing ng palengke ang asawa ni Tito Sam. Minsan isang linggo lang mamalengke si Tita Vidia at kalimitan ay inaabot ito ng ilang oras. Lahat naman kasi ng suki nitong tindera ay tsinitsika.

"Yaya, kain ka na ha. Doon na ako kina Kuya magbi-breakfast.", bilin niya sa katulong bago siya lumabas ng pintuan sa kusina. Dumaan siya sa may laundry area nila at lumabas sa may maliit na gate sa gilid nito. Lusutan iyon papunta sa laundry area ng mga Torres. Umikot sya papunta sa harap ng bahay.

Hindi siya nagkamali at nandoon nga ang Tito Sam niya, nagbabasa ng Inquirer habang nagkakape.

"Good morning po Tito!" bati ni Lee. Binaba ng matanda ang diyaryo at nginitian siya. Itiinaas niya ang hawak na plastic container. "Nagluto si Yaya Bising ng pansit."

"Ay salamat! Masarap isabay yan dito sa kape ko." Inabot nito ang plastic container at inilahad muli ang kamay para makapag-mano siya. "Ang aga mo ata nagising? Nami-miss mo na ba Mommy at Daddy mo?"

Natawa si Lee. 23 na siya pero kung kausapin siya nito ay parang 7 years old pa din siya.

"Tito naman. Nami-miss ko sila pero ok na din yun magkaroon kami ng sariling naming mga "ME" time."

Ang Tito Sam naman niya ang natawa. "Kumain ka na ba? Halika at sabay na tayo mag-almusal. Baka bukas pa dumating ang Tita Vidia mo."

Malutong ang tawa ni Lee. Halata ang pagkayamot nito sa asawa. "Kumain na po ako. Si Kuya Sal po?"

"Ayun. Nagsi-swimming pa sa higaan." Tumayo ito at tumuloy sa kusina. Sumunod naman si Lee.

Bahagya siyang sumilip sa may hagdan. Pinakikiramdaman kung gising na ang Kuya niya sa itaas.

"Uhm, Tito, ok lang po ba kung gisingin ko na si Kuya Sal?" Busy na ito sa pagkain ng dala niya.

"Sige nga at nang may makasabay ako dito." sang-ayon nito.

Liliparin na sana ni Lee pa-akyat ang hagdan pero pinilit niyang maglakad ng normal. Kalma lang, bulong niya sa sarili. Magiging kakatwa sa Tito niya kung parang nagmamadali siya puntahan ang Kuya niya.

Pag-akyat ng hagdan ay lumiko siya sa kanan kung nasaan ang kuwarto ng pakay niya. Walang kaabog-abog na binuksan niya ang pinto at nakita agad ang natutulog na bulto nito. Walang suot pang-itaas at malakas na naghihilik. May kumot na nakabalot sa may ibabang bahagi ng katawan nito pero ewan bakit nakalitaw ang mga paa ng kuya niya. May mga DVD ng Japanese Anime na nagkalat sa sahig. Hindi na naalis ang pagkahilig ng kuya niya sa mga iyon mula pagkabata.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Sep 01, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Yummy ChummyKde žijí příběhy. Začni objevovat