Code Numbers Association

31 1 0
                                        

Rain POV

"Okay... i guess the real adventure starts here"

I rolled my eyes ng marinig ang sunod sunod na mura ni Lan. He's cussing for freaking's sake dahil sa frustration. Sinubukan niya kasing manlaban kanina but I stopped him at sinabihan siyang sumurender na lang kami. And that hurt his pride so bad dahil kinakaladkad siya ng isa sa mga naka-cloak ngayon habang nakaposas ang mga kamay sa likod at nakatutok ang baril sa ulo.

Ugh. Couldn't they do better than this? Seriously?! Nakikigaya lang sa pelikula kung pano maghandle ng hostage?

But then again, I just went with the flow at kahit badtrip na rin si Lan, hindi rin siya makaangal dahil alam kong gets naman na nila kung bakit mas kailangan namin sumuko.

I have the feeling na kabilang sa Code Numbers ang mga to at kung sakali man, sa Head Quarters nila kami dadalhin which is sa Code Numbers Association. I just thought na mas madaling paraan to para makapunta at makapasok kami don since medyo naliligaw na rin kami kanina at nakakalito ang direction sa compass. All we have to do is to act na naligaw lang kami dito and nothing more.

Mukhang wala naman silang balak na saktan kami. May tinutok lang silang kwintas sa amin—-

"Hindi umilaw ang kwintas" banggit ng lalaking may tatak na number XVIII (18) sa kanyang baril

"Neither my bracelet. So what should we do then number 18?"

I frowned. I don't get them, para saan ang mga accessories na yan? Is't for detecting something? But what is that something...

Tho it was like I painted a clearer picture dahil sa narealize ko. These persons with their cloaks could be the code numbers lalo na't numbers pa ang tawag nila sa isa't isa. Just great.

"Let's just bring them to four. He knows what to do. After all, we can't just kill them all of a sudden. "

— and that's why kampante rin ako na hindi nila kami basta gagalawin.

I tilted my head to see the person walking behind me. He's taller than me and I can't quite see his face because of the cloak. I glanced to his gun instead and saw XXII. So he's 22 then. It's odd calling people with numbers.

"Hey, do you have a name?" - I asked. I wasn't surprise nang tapunan lang niya ako ng tingin at tumingin ulit sa daan.

Ohhh. Rude ain't you Mr. 22? Oh well, I turned my head to check on Snow na nakayuko lang at nakapout ang bibig. Kinuha kasi ang camera niya at hindi siya pinayagang mag video. Well actually lahat ng gamit namin nasa kanila. But that was in favor of us dahil di na namin kailangan buhatin ang mga mabibigat naming hiking bags. Wala namang kahina  hinala sa mga gamit namin.

Yong mapa lang at compass ang hindi nila pwedeng makitang nasa amin. Which I trust Lan na natago na niya ito kung saan man na hindi nila mahahagilap. Seriously, he's good at those things. Pwede na nga siyang mag graduate ng Bachelor of Stealing Major in Hiding.

I snapped out of my thought when we suddenly stopped walking. Well that was quick. Akala ko ba mga 1km pa lalakarin namin. I looked at Lan and Snow. They seem confused as well.

I saw number 18 walked ahead at don ko napansin ang malalago, makakapal at matatayog na halaman at damo sa harap namin. Much to our surprise ng hawiin niya ito at tumambad sa amin ang malapad na pader. Hindi ko makita kung gano ito kataas dahil masyadong maraming puno ang nakaharang dito but I'm sure that it's not that tall tho.

He pushed and pull 5 bricks which somewhat created a pattern that I assumed to be like a pass code or something.

Biglang may bumukas sa pader at nakita namin ang hagdan pababa. Madilim. Now I get it kung bakit di ganon ka taas ang pader. There's a tunnel to their underground quarter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CODE GENERATIONWhere stories live. Discover now