20

42 3 0
                                    

One week later...


"Amelia, magpo-photocopy ka?"

Ngumiti ako. "Opo."

Ngumiti din siya ng malapad sa akin. "Pasabay."

"Amelia! Pa-photocopy nga rin nito! Thanks!"

"Ako rin!"

Kinuha ko ang mga inaabot nila. "A-Ah, osige..."

"Amelia, eto, padispose nga rin nito. Confidential document ito eh. Salamat!"

Tumango ako. "Okay, Ma'am."

"Pasabay naman, Amelia! Salamat!"

Kinuha ko gamit ang isang kamay ko ang basurang papel na nasa kamay niya. Pinilit kong ngumiti kahit na gusto kong ngumiwi. Tinignan ko muli ang paperbag ng isang fast food restaurant.

I sighed. Hayaan na. Trabaho ko naman ito.

Inuna kong iphotocopy ang document na inutos sa akin ni Ma'am Gina. Nasira ang photocopy machine sa office namin ni Ma'am Gina kata kailangan ko pa tuloy bumaba ng ilang floor para makigamit ng photocopy machine. Nakakagulat din na may nakakakilala sa akin sa floor na to kahit na hindi pa ako nakakatungtong dito. Madalas ay nasa office lang ako kasama ni Ma'am Gina at bumaba lang sa lobby tuwing lunch at uuwi na, kaya nakakapagtaka. Sikat ba ko? Mukhang hindi naman.

Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko ay binalik ko agad sa kanila ang mga pinaphotocopy nila.

"Thank you, Amelia! Ang sipag mo talagang PA! Bagay na bagay sayo." wika ng isang babae na hindi ko kilala pagkatapos ay tumawa sila.

Kahit nagtataka ako sa biglaang pagtawa nila ay tumango nalang ako at lumabas sa office nila.

Pagkaakyat ay inubos ko nalang ang oras ko hanggang sa dumating ang oras ng lunch.

"Amelia, wag ka na magpadeliver ng lunch ni Sir. May private appointment siya ngayon." ani Ma'am Gina.

Sakto namang lumabas ng opisina si Sir Daniel habang inaayos ang butones ng coat nito. Tumango ito sa amin saglit at dire-diretsong pumasok sa express elevator.

Napabuntong hininga ako. These past few days napapansin kong bumalik ulit sa umpisa yung pakikitungo niya sa akin, hindi katulad noong nasa Cebu kami. Simula nang matanggap niya yung phone call na 'yun noong Lunes, naging distant siya at naging cold siya sa akin. Hindi ko alam kung sa akin lang o pati kay Ma'am Gina. Pagkauwi sa mansyon, didiretso siya sa library at hindi na muli lalabas para saluhan ako sa hapunan o di kaya'y magpapahatid ng kape sa akin katulad ng nakagawian. Kay Aling Inday na siya madalas nagpapahatid ng dinner niya sa library. Kapag naman may utos siya dito sa opisina, si Ma'am Gina ang tinatawag niya, pagkatapos ay si Ma'am Gina ang magsasabi ng utos niya sa akin. Ang gulo diba? Hindi ko rin maintindihan eh. Parang iniiwasan niya ako.

Hindi ko naman magawang ilihis sa isip ko ang lahat ng ginagawa niya dahil sa nangyari noong nasa Cebu kami. Yung mga lakad namin na parang hindi ko siya boss. Yung mga kwentuhan namin na parang normal ko siyang kaibigan. Ang daming nangyari noon pero bakit parang wala nalang yun sa kaniya?

Siguro Amelia, wala nga lang iyon sa kaniya. PA ka lang eh.

Umiling ako.

"Amelia, sasabay ako sa asawa ako mag-lunch. Kaya mo ba kumain sa labas mag-isa?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman po."

"Sumama ka nalang kila Brenda. Sasabihan ko sila." ani Ma'am Gina. Ngumiti lang ako.

Bumaba na kami ni Ma'am Gina sa lobby gamit ang elevator ni Sir Daniel. Pagkalavas sa elevator ay nakasalubong namin sila Brenda na galing sa ibabang floor.

Say LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon