18

35 4 0
                                    

Humikab ako habang hinihintay ang boss ko na bumaba galing sa bundok. Nakapark ang Hiace sa di kalayuang entrance at nakasandal ako dito habang inaabangan ang grupo nila Sir.

Humikab ulit ako. I realize na dapat umiidlip nalang ako instead of waiting outside.

Almost 3 na ng madaling araw ako nakatulog. Kung hindi lang dahil sa mga gamot na ininom ko, sa tingin ko, hindi talaga ako makakatulog ng gabing yun.

I sighed heavily. Look what my boss did to my body. Hindi tama to. I should sleep more and think less about him. Hindi pwedeng ganito ako palagi kapag napapalapit ako sa kaniya or nagkakaroon kami ng skin contact. Maybe it's normal for him! I think I should make it normal for me, too. The hugs, kisses and some intense conversations. Siguro normal na yun sa kaniya...

But, what can I do? Kahit na ilang beses kong sabihan at utusan ang utak ko na 'act normal', walang nangyayari, dahil yung puso ko na mismo ang nagwawala.

Naka-move on na ko sa kiss, eh. Pinilit kong alisin yun sa utak ko ng ilang araw, and I've had enough sleepless nights because of that. Ngayon, nadagdagan nanaman ng rason kung bakit hindi nanaman ako makakatulog ng ilang gabi.

And it's because of Daniel Violenzio-Alonzo.

Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang almost lunch time na. They should be here already. Sakto naman nakarinig ako ng malakas ng tawanan mula sa entrance. Nakita ko ang mga business man na kasama ni Sir Daniel na pagakyat kanina na nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Sila rin yung mga nasa auction party kagabi. Maya maya pa’y nakita ko ang boss ko na nakangiting nakikipagkuwentuhan rin sa kapwa niyang business tycoon. May hawak itong bottled water. Napatingin siya sa gawi ko. Nawala ang atensyon niya sa kakuwentuhan niya at tumitig sa akin habang naglalakad silang lahat patungo sa pwesto namin ni manong. Nakasuot ito ng Fly Emirates na pang-football na shirt at nakashorts. May backpack din itong dala.

Humalukipkip ako. Hinihintay ang pagdating nila sa van. Tumigil pa kasi sila sa isang kotse para magpaalam sa isang kasamahan nila na hindi makakasama sa lunch namin.

Nanatili ang tingin niya sa akin kahit na may kausap siya. Napapalihis lang ang tingin niya kapag tinatapik siya sa braso pero bumabalik agad ang tingin sa gawi ko. Why are his stares like that? Binabantayan niya ba ako? No way. Hindi ako bata.

Sa wakas ay nakalapit na sila.

"Good Afternoon, Sir."

Binuksan ni manong ang van at pumasok silang mga kalalakihan habang tumatawa. Dumiretso naman ako sa front seat katabi ang driver. Napapahikab pa ako habang nasa biyahe kami. God, magsisiyesta ako mamaya pagkauwi. Kulang na kulang parin tulog ko.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" wika ni Sir Daniel sa likod. Nilingon ko siya.

"Medyo, sir." sagot ko.

"Why?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Sasabihin ko ba sa kaniya kaya hindi ako agad nakatulog kagabi dahil sa ginawa niya?!

"W-Wala, sir. Siguro, hindi lang ako sanay sa hotel..." palusot ko. Hindi na naman siya sumagot.

Nakarating na kami sa House of Lechon. Crowded ang lugar dahil na siguro sa lunch time na. Buti nalang nakapagpareserve ako ahead of time.

Tumungo agad kami sa table namin. Tumabi sa akin si Sir Daniel kaya napatingin ako dito. Naputol lang nang umorder na ang mga kalalakihan.

"What do you want?" Sir Daniel habang nakatingin sa menu.

"Dun nalang ho ako sa lechon, sir." sagot ko.

"Any drinks you like?"

"Uhm, iced tea and warm water, Sir."

Say LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon