Chapter 2 -Pole Dancer

Start from the beginning
                                    

Age: "30"

Sex: "3 times a day (Hahaha!)"

Nationality: "American and Chinese"

Zodiac sign: "Leo"

Chinese Zodiac: "Water Rat"

Hobbies: "Clubbing and women"

What type of a woman do you prefer: "I want her to have an angelic face."

Favorite position: "The shoulder holder"

Hindi ko na tinuloy basahin ang facts about Ares Timothy Li, ang bastos eh! Nilaktawan ko ang facts about him at tinuloy ang pagbabasa sa sumunod na paragraph. Ayon sa article na sinabi mismo ni Ares Timothy Li sa interviewer...

"Isa lang ang naging serious relationship ko in my entire life and that was when I was still in college, the rest are just for fun. I'm a party animal and a night creature. I love women and what they can give me. Well, this is me so it's up to them if they'll associate themselves to me or not. It's not my lost anyways." -ares timothy

Sa next page ay may mga pictures ni Ares Timothy Li of different hairstyles and different outfits mula sa business suits hanggang sa casual to shirtless and almost naked na picture na nakahiga siya sa ibabaw ng kama. May mga pictures rin doon ng mga na-link na babae sa kanya, at marami ang mga na-link sa kanya. May mga artista, models, socialites, politicians. Tss, playboy!

Mayaman, gwapo at successful ang lalaking ito kaya hindi na nakakagulat kung bakit marami ang nahuhumaling dito.

'O eh di ikaw na ang diyos!' sinara ko na ang magazine at tumayo na. Pumasok ako sa kwarto at humiga. Matutulog na muna ako nang makabawi ako sa puyat.

Maghapon akong natulog, ang sarap sa pakiramdam ng magising ako dahil ramdam kong nabawi ko ang ilan gabi na puyat at pagod ako. Pagtingin ko sa wallclock ng kwarto ay bumangon na ako at gumayak na. Alas sais ang pasok ko kaya naligo na ako matapos kong ihanda ang susuotin ko. Matapos makapagbihis ay bumili ako ng lutong ulam sa labas para sa gabihan ni Veronica, may kanin naman na natira ko nang tanghalian kaya ulam na lang ang binili ko. Makalipas ang bente minutos ay nasa club na ako. Inabutan ko pang nag-aabang sa labas ng employee's passage ang mga kasamahan ko, 5:30 ng hapon kasi nagbubukas ang club. Nang makapasok na kami ay dumeretso na kami sa dressing/locker room, hiwalay ang sa mga babaeng employees sa mga lalaki. Binilisan ko ang pagpalit ng uniform dahil sa baba ang duty ko ngayon at maraming dapat na ayusin pa doon kasi mas marami ang tables. Sabado ngayon kaya may performance ako mamaya, 10pm at alas-dose ng madaling araw. Wala pang alas-siyete ay marami ng customers sa loob, sweldo day kasi ngayon kaya mapera ang mga tao. Nag-assist ako ng mga orders sa mga tables na hawak ko at pagtungtong ng 9:30 ay hinabilin ko na muna ang pwesto ko sa waiters na nasa ground floor rin saka pumasok sa dressing room para magpalit ng outfit. Ngayon gabi ay all-black ang suot ko. Plain black na may glitters na tassle sa bra at panty, tassle na parang sa baton ng majorette na nagsisilbing design sa suot ko. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at bahagya itong kinulot sa dulo, kinapalan ko rin ang make up ko para hindi ako maputla sa stage kapag natapatan ng spotlights. Nasanay na ako sa ganito, maning-mani na sa'kin ang pag-perform ko sa stage. Humarap ako sa salamin at naglagay ng dangling earrings, bracelet na manipis na ang chain ay karugtong ng singsing. Matapos ay sinuot ko na ang metallic black kong 5 inches ankle high peep toe shoes. Sa dalawa't kalahating taon kong nagpo-pole dance ay nasanay na akong magsuot na matataas na takong na sapatos, isa ito sa pinagka-gastusan ko noon na bilhin dahil alam kong kailangan ko ang mga ito. Nang tumahimik ang labas ay hudyat na yun na magsisimula na ako sa isa ko pang trabaho. Lumabas na ako sa isa pang pinto ng dressing/locker room namin na ang tutumbukin ay ang likod ng stage.

'Let us all welcome, Club Zero's very own sex siren! The enchanted and captivating... HAZEL!!' anunsyo ni Mitch na cashier at emcee namin. Nagpalakpakan ang mga customers at pumailalim ang intro ng kanta ni Beyonce na Drunk In Love. Hindi pa ako nagsisimula sa routine ko, kumapit pa lang ako sa pole ay naghiyawan na ang mga tao sa loob ng Club Zero. Sinimulan ko na ang routine ko. Ngiti na may pagka-sensual ang ginagawa ko everytime na humihinto ako. Matapos ang dalawang kanta ay nag-vow na ako sa harapan at ngumiti ng malapad. Naghiyawan ang mga kalalakihan and they start putting some paper bills sa red jar na nakalagay sa unahang bahagi ng stage. Ito ang nagsisilbing tip ko kada akyat ko sa stage na ito. Pumasok na ako sa likod ng stage at huminga ng malalim tapos ay naglakad na ako pabalik sa dressing room. Nandoon na ang manager namin na si Ms. Patricia dala-dala ang red jar, nakangiti siya sa akin.

High & Untouchable Gods Society -ARES TIMOTHY LI (GOD OF WAR)Where stories live. Discover now