Chapter 2 -Pole Dancer

20.8K 244 2
                                    

High & Untouchable Gods Society
Ares Timothy Li
GOD OF WAR
written by: Blackrose

C-2 (Pole Dancer)

--------,-'--,-'-{@

Hazel Lane

'Ate, bayaran na ng tuition fee. Prelim na kasi, malapit ng mag-exam.' kasalukuyan akong nagluluto ng almusal namin ni Veronica. Nasa mesa na siya at nagtitimpla ng kape, naka-uniform narin siya.

'Magkano nga ang babayaran?' hinalo ko ang sopas na agahan namin at tanghalian ko. Sarado kasi ang canteen ni Ninang kaya wala kaming libre ulam ngayon araw.

'9,338 Ate. Ganon rin ang payment ng Midterm at Finals.' nilapag ko na ang bowl na may laman na sopas.

'Bukas ka na magbayad, mamaya pa lang ibibigay ang sweldo.' humigop ako ng kape.

'Okay, sige.'

'Bilisan mo na para hindi ka mahuli sa klase mo.' tumayo ako at nagpunta sa kwarto namin. Kumuha ako ng 150 pesos sa pitaka ko at muling lumabas. 'O, baon mo. Huwag mo naman tipirin ang sarili mo Veronica, ang payat mo na.'

'Nag-iipon kasi ako Ate.' napasulyap ako sa kanya at nahinto sa ere ang tasang hawak ko.

'Para saan ang iniipon mo?'

'In case of emergency natin.'

'Naku! Tigilan mo yang kaka-in case of emergency mo! Huwag mo ng gawin yun, ako ng bahala sa atin!'

'Palagi na lang kasi na ikaw Ate.' sumubo na siya ng sopas.

'Aba natural! Ako ang may trabaho! Kaya mag-aral kang mabuti para makapagtapos ka at makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Pagkatapos mo ay ako naman ang mag-aaral ng kolehiyo.'

'Promise Ate! 2 years na lang naman eh! Mabilis na yun!'

'Baka naman nagpapaligaw ka na at nakikipaglandian na! Diyos ko po Veronica! Isipin mo ang mga pangarap natin bago ang mga lalaking yan! Huwag na huwag ka munang magbo-boyfriend please!'

'Hindi naman maiiwasan yun Ate. Maganda kaya ang lahi natin.'

'So meaning ay may boyfriend ka na! Ganon ba Veronica?!'

'Wala Ate! I'm just saying na hindi maiiwasan yun.'

'Eh bakit naman ako?!' nagtaas ako ng kilay sa kanya.

'Madre ka kasi Ate! Madreng pole dancer at empleyado ng club! Hahaha!'

'Naku! Ang dami mong alam! Basta mag-aral kang maigi at kapag nakapagtapos ka na ay saka ka mag-boyfriend! Bilisan mo na diyan at matutulog pa ako!'

Nang makaalis na si Veronica ay tumambay muna ako sa kusina at nagbasa ng magazine na naiwan kagabi ng isang customer sa isang mesa na pwesto ko. THE MAN MAGAZINE. Pabalat palang ay halata ng mamahalin ang magazine na ito. Tinignan ko ang unahan at likod kung may presyo pero wala akong nakita. Binasa ko ang cover. Ares Timothy Li... Ammunition Magnate... God of War. Gwapo ang nasa cover, mukhang badboy pero in fairness ay picture pa lang ay malakas na ang sex appeal ng lalaking singkit. Tinitigan ko ang mukha niya sa paglipat ko ng unang pahina kung saan ay whole body niya ang nakalagay. Binasa ko ang caption.

"Naughtiest member of the High and Untouchable Gods Society"

Tinuloy ko ang pagbabasa. Ayon sa article, si Ares Timothy Li ay isang businessman na nag-specialize sa mga baril at mga kagamitan sa gera. Ang kumpanya nito na Li Empire ay located dito sa Pilipinas saka sa Beijing China at sa iba pang bansa.

Facts about Ares Timothy:

Full and legal name: "Ares Timothy Flint Li"

Birthday: "August 7, 1987"

High & Untouchable Gods Society -ARES TIMOTHY LI (GOD OF WAR)Where stories live. Discover now