"Wala, palabas lang." sabi niya pero bigla siyang sumukob sa payong ko at sabay kaming naglakad. "How about you? Bakit ka mag-isa?"

 "Ano kasi..." sabi ko. "Napahiwalay ako sa friends ko. Dami kasing dumaan. 'Yan tuloy."

"Oh, weird. Ako rin, napahiwalay sa mga kaibigan ko. So I was gonna catch them at Dapitan." sabi ni Trick. 

"Bakit ka natakbo? Wala kang payong no?" I said, bemused. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to.

"Nakalimutan ko eh. Ui, cool!" sabi niyang natatawa tapos na-fascinate pa siya sa design ng umbrella ko. I bet nakatulog lang talaga 'to nung nagreminders and prof nila na magdala parati ng payong kasi madalas umulan dito. 

For a few beats, we remained silent. Kahit naman madaldal or nagkukwentuhan, comfortable kami sa isa't-isa. Kaya nga magbestfriend kami eh. Ang plot twist? Nagustuhan ko siya. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit? I just woke up one day and realized that I loved him.

 

~*~ 

Unang week pa lang pansin ko na. Antukin si Trick. As in sobra. One moment, kausap ko siya tapos mamaya, paglingon ko ay tulog na pala. But still, he topped the class. I don't know how he does it really. He must be born smart. It quirked my interest. And as you know, he still has it. The only time na hindi siya inaantok is kapag Filipino time. Pinapatabi niya ako sa kanya para teamwork kami sa quiz eh. 

"Psst. Bakit nga ulit naglagay ng buwis ang mga prayle para sa lupa na 'di naman kanila?" tanong ko.

"Kasi gago sila." simple niyang sagot.

Tae neto. Ang loko talaga kahit kailan. Buti na lang narinig nung kaibigan ko na nakaupo sa likod 'yung tanong tapos binulong niya sa 'kin ang tamang sagot. Sinamaan kami ng tingin ni Trick. Baliw. Ayaw kasi magshare eh.

~*~

 "Wait kamusta nga pala course mo?"he asked

"Course ko? Ayun. So hectic. I kind of hate it." sabi ko jokingly. "Eh ikaw? How's your course?"

"Okay lang. Five years kami then pwede akong magtrabaho sa ibang bansa. Hahanapin ko si Rick Riordan tapos magpapa-autograph ako. Be jealous, Nana! Be very jealous!"

"Tae ka talaga, Trick!" sabi ko. Pareho kasi kami ng favorite author. "Eh five years course mo. Four lang akin. Mauuna akong mag-abroad sa 'yo."

"Ehh. Bawal. Di ka pwede mag-abroad ng wala ako." sabi niya. 

"At bakit?" mataray kong tanong.

"Basta." He winked. "O, andito na tayo sa building mo. Bye bye!"

And just like the rain, he was gone.

~*~

One day nung english class namin, bigla siyang kinamusta ng teacher. And she asked a really intriguing question. 

"Mag-aaral ka ba sa States, Trick?" 

Nagulat ako dun. He never mentioned anything about moving away. Although I know na may family problems nga siya kaya I'd understand if he'd run away. But, I don't know. He's my best friend. Is it okay for me to want him to stay? 

In The Rain (One Shot)Where stories live. Discover now