In The Rain

3.3K 85 42
                                    

by Happenstances


Strange things happen in the rain.
It's funny thinking about it. Habang naglalakad ako sa isang tabi at nakapayong, napagmasdan ko ang mga dumadaan. So many people, under the dark sky. Each with their own stories.

There was this girl na basang-basa na, yet mas pinapayungan pa 'yung sketchbook niya. Another boy was running after her and it looked like he was going to offer his jacket. A group of friends walked by without umbrellas tapos masaya silang naliligo sa ulan. And then there was a couple, sharing an umbrella and holding hands even though basa na sila.

"Alam mo, dito sa university natin, mafi-feel mo ang pagka-single mo kapag umulan." I complained as we decided to start heading back to our building. "Ang daming couples na nagsheshare ng payong. Kailangan ba mang-inggit?"

"Inggit ka lang eh." sabi ni Yuu. "Punta tayo mamaya sa Engg. building. Hanap tayo ng papayungan."

"Ano 'yun, basta tayo manghihila ng gwapo?" Natatawa kong sabi. "Creepy!"

"Kung ayaw mo nun, kumuha ka ng pogi tapos bayaran mo ng bente para payungan ka. Edi solve hahaha" sabi ni Jenn.

"Grabe 'tong dalawang 'to!" singit ni Pie. "Kung ano-anong evil plan na basta maka-damoves lang eh."

Naputol ang tawanan namin nung may dumaan na tatlong couples na nagsheshare ng payong. Nauuna sina Pie, Yuu at Jenn sa 'kin tapos 'di ako makasunod kasi ang daming dumaan na mag-jowa. It's as if pinapamukha sa 'kin na single ako ah? Huhu. 

"Hala, asan na mga 'yun?" tanong ko sa sarili ko. Na-seperate ata kami. Mukhang lumiko sila somewhere pero I can't tell kung saan na sila napunta eh. Oh well, siguro naman magtetext ang mga yun.

So I sat down in a corner and watched people pass by. I love the rain. I love the sound of people's feet hitting puddles. I love the cold hands and the warm hugs. I love the rush of the wind and the scattering of raindrops. But I feel lonely when I think of these things and realize na mag-isa lang ako. Pero sabi ko nga, strange things happen. And then, he came along.

 ~*~

'Nung fourth year high school ako, I met a boy. Have you ever had that someone who just clicked with you? 'Yung taong parang nababasa ang utak mo. 'Yung kaibigan na parang soulmate mo sa past life. 'Yung friend na kalog pero matalino at antukin pero makulit. 'Yung hinding hindi ka iiwan at lagi kang babantayan.'Yung nakasalamin pero medyo badboy. 'Yung titingnan ng masama lahat ng mag-aaya sa 'yong sumayaw sa prom. He's that guy.

~*~

Without thinking, napasigaw ako ng "Trick!" at mas lalong nakakagulat nung napatigil ang lalaking yun at agad na bumaling sa 'kin.

"Nana!" He has a special nickname for me kahit na Hannah naman talaga ang real name ko. Pero quits lang dahil nickname ko lang din sa kanya ang Trick kasi Patrick. Gets?"What the hell, you're fat na!" 

"What?!" I looked at my slender body. "Asan ang fats diyan? Atsaka, where are you going?"



Tumatakbo kasi siya papuntang Dapitan exit ng school namin, kung saan kami pumasok kanina ng mga ka-block ko. Siguro maghahanap siya ng kainan or something. Lunch break time kasi ngayon. Ang galing lang, nag-cross paths kami.

In The Rain (One Shot)Where stories live. Discover now