The Rocker's Slave Extra: The real deal

Start from the beginning
                                    

                “Ikinahihiya mo ba ako? Ito... itong relasyon na ito?”

                “Of course not!” Mabilis na kaila nito. “Babe, you know how much I want to shout it to the world. That I’m in love with no one else but you. But then, baka ikasira ito ng banda... ng samahan ng bawat isa sa atin... baka lang hindi nila matanggap ang relasyon nating dalawa.”

                He can’t help but pout. “Mukha namang hindi, eh. Sa tingin ko matatanggap naman nila. Si Jeremy, hindi ba’t palagi naman niya tayong tinutukso... Isa pa, nagawa ngang umamin ni Martin na in love siya sa panget nilang maid, bakit hindi natin magawa?”

                He kissed his temple gently. “Okay, ganito, matanggal lang ‘yang topak mo, sasabihin na natin sa kanila.”

                Napatingala siya. Di hamak kasing mas matangkad ito sa kaniya. Tumango ito. Sa tuwa’y kumapit siya sa leeg nito’t binigyan ito ng isang long passionate kiss.

                “Whoah!” Pantastikong anito matapos ang halik.

                He grinned triumphtly. “Isa pa nga,” kniabig nito ang batok niya’t muling sinakop ng buong-buo ang kaniyang bibig.

                Naramdaman niya ang pagpupumilit ng dila nitong galugarin ang kaniyang bibig. He opened his mouth willingly, meeting his tongue on the way. Nag-espadahan sila ng dila habang ang kamay nito’y paulit-ulit sa dahang-dahang paghagod sa kaniyang likod. Hanggang sa ipasok na nito sa loob ng kaniyang shirt ang malikot na kamay. Nang matumbok nito ang nais ay agad nito iyong hinaplos ng may panggigigil bagaman banayad pa rin.

                A long moan escaped his lips in between their kisses.

                Halos mag-iisang taon na rin simula  ng tuluyan silang magkaunawaan na higit pa sa mag-kaibigan o magkababatang mag-kapatid ang nadarama nila para sa isa’t isa. Hindi niya ini-expect na magko-confess ito na ikinatuwa niya dahil nga sa nauna na siyang nakadama ng kakaiba para rito. Subalit lihim na lihim nga ang kanilang relasyon at ingat na ingat silang walang makaalam. Ngayon nga lang nangyaring naghalikan sila ng alam nilang may posibilidad na may makahuli sa kanila.

                Ang mga labi ni Shin ay nasa leeg na niya’t sinisipsip iyon ng may marinig silang pagtikhim. Nalingunan nila si Jeremy na nanlalaki ang matang nakatayo sa kitchen doorway. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Tila lahat ng antok nito sa katawan ay nawala ng maabutan sila sa isang mainit na tagpo.

                “Kayo talaga? For real?” Hindi makapaniwalang anito.

                Alinlangan siyang napangiti, still flushed from what Shin had been doing. Ginagap ng huli ang kamay niya’t hinarap nilang dalawa si Jeremy.

                “Oo!”

                “Kailan pa?”

                “Mag-iisang taon na. Sana maintindihan niyo ni Martin.”

                Mabilis na napatango si Jeremy, “Oo naman! Hindi ito makakasira sa samahan ng banda, pare.”

                Nakahinga siya ng maluwag. One down, one more to go. Si Martin na lang ang dapat nilang pagpaliwanagan.

                “Thanks, pare!” Nag-high five ang dalawa. Bumaling si Jeremy sa kaniya.

                “Er... thanks!” Ilang pa rin pero maluwang na ang ngiti niya.

                “Sinasabi ko na nga ba, eh. Matagal na talaga akong may hinala. Well, anyway, maganda nga ‘yang umamin na kayaon tatlo sa lagay ng mga puso ninyo. Sino bang susunod na aamin?”

                “Ikaw!” Panabay na anila ni Shin.

                “Ako? Ako talaga?” Itinuro pa nito ang sarili. “Magdyowa nga kayo...”

                Tatawa-tawang magka-holding hands silang lumabas ng kitchen ng kasintahan.

                “Hoy, wala akong aaminin! Hindi pa ako na-iinlab at wala akong balak...” narinig pa nilang pahabol ni Jeremy bago ipinid pasara ni Shin ang pinto sa kwarto nito.

                Malakas siyang natawa na naputol nang itulak siya ng lalaki sa malaki nitong kama.

                “Now, where were we?” Mabilis siyang dinaganan nito bago pa siya nakabangon na impit niyang ikinatili. Ngunit wala naman siyang balak pumalag... magpapapapak pa siya rito buong araw kung iyon ang nais nito.

The Rocker's Slave [Slow Update]Where stories live. Discover now