A day with The Metallic

524 10 7
                                    

NAKAHINGA siya ng maluwang nang marinig niya ang pagpinid ng main door ng Penthouse. Bakit ba naman kasi Baking lang ang pinag-aralan niya noon? Sana pati pagluluto ng iba’t ibang cuisine ay pinag-aralan na rin niya para ‘di siya namroblema ng ganoon kanina.

                Hindi pa man humuhupa ang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay napalundag siya sa kinatatayuan ng tumunog ang kaniyang cellphone—na courtesy of Vesta.

                “Hello, Attorney?” noong una ay alangan pa siyang kontakin ang abogado, subalit dala ng pangungumbinsi ni Vesta ay kinontak niya rin ito. He was so relieve to find her still alive. It was also because of him na nakakuha siya ng pera sa account niya, right under the sneaky noses of the villains.

                “Hija, ‘wag ka sanang magagalit sa naging aksyon ko. Pasensya na kung hindi muna kita kinonsulta…”

                “Attorney, hindi ko maintindihan… Anong ibig mong sabihin?” the old man keeps on talking to her in riddles simula ng ipaalam niya ritong buhay siya—minus the fact that she’s living with two famous personality as their maid. No doubt he will not agree to that. Somehow, tumayo na rin itong pangalawang magulang niya.

                “Kinuha ko ang serbisyo ng isang sikat na detective agency para mapadali ang pagkalap natin ng ebidensya. Para kasing hindi tayo uusad kung aasa lang tayo sa asawa ni Cynthia.” Bakas ang paghingi ng paumanhin sa boses nito.

                She breathed out a sigh of relief. Akala niya ay kung anong balita na. “That’s okay, Attorney. Naiintindihan kong masyado na akong nakaka-hassle sa inyo.”

                “No… no, hija, don’t think that way. Maluwang sa loob ko ang pagtulong sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasayang buhay ka. I was so worried na kumalat ang balitang nawawala ka, imagine my horror…”

                “Attorney, can I ask you a question?”

                “Sige, hija.”

                “Bakit po wala man lang kayong reluctance na tulungan ako? Kahit na alam niyong pwede kayong madamay sa gulo… mapahamak…”

                He sighed. “Saka ko na siguro sasabihin, hija. For now ay pagbutihin mo ang pagtatago. You should always take care…”

                Nabasa niya ang concern sa boses nito. And she was happy to know na may tatlong taong handa siyang suportahan. “Thanks, Attorney…”

                “Paano, I’ll be hanging up?”

                “Sige po…”

HINDI niya maalis sa isip ang curiosity tungkol sa pagkatao ng katulong. Kung noon ay iwinaksi na niya sa isip ang tungkol sa theory niyang ito ang kaniyang Star. Ngayon ay desidido siyang alamin iyon.

                Kaya naman as first step ay isasama niya ito sa pictorial ng banda para sa isang Teen Magazine kung saan sila ang Cover for the month of December. Kailangan hindi ito mawala sa kaniyang paningin. Maski mannerism at lahat-lahat dito’y handa niyang obserbahan.

                “Magbihis ka!” he coldly commanded.

                “Po?” gulat siyang nilingon nito mula sa paghuhugas ng plato. He groaned when he saw a foamy bubble on her cheeks. Gustong gusto niyang lumapit at punasan iyon subalit nagtimpi siya. He stiffened when the thought of his finger brushing in her fair cheeks swirl in mind.

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon