The Rocker's Slave Extra: The real deal

396 7 4
                                    

AUTHOR’s NOTE: Ito na naman po, isang extra extrang chapter na tiyak ko namang ikatutuwa ng ilan lalo na ng mga yaoi lovers out there... Mga bakla, para sa iyo itetch! Oha...

Shin and Mino moment: The truth behind their relationship

Are they gays?

Let’s all find out...

PAGKA-ALIS ni Martin ay agad na niligpit ni Mino ang naging kalat ng tatlong kabanda ng mag-inuman ang mga ito. It was one hell of a night. Lalo pa’t namamaga pa rin ang matang sinuntok ng kanilang bokalista na sadyag ipinanganak yatang mainitin ang ulo. He had met his parents at parehas na malamig ang ulo ng dalawa pagdating sa mga certain issues or problems. Kaya naman nagtataka siya kung kanino nakuha ng binata ang ugaling maikli ang pisi ng pasensya.

                Tarantado talaga, iiling-iling si Mino ng maalala ang pag-aamok nila Martin at Shin. Pero may tarantado si Shin para sa kaniya dahil pinatulan pa nito ang lasing na lalaki.

                Devastated na nga, ginatungan na.

                Sa kabilang banda, dahil yata doon ay napadali ang pag-amin nito sa namumuong pagkagusto sa ex-maid ng mga itong si Fe.

                Napabalikwas siya mula sa pagkakayuko ng twagin siya ni Shin na kalalabas lamang ng kwarto nito. Pupungas pungas pa ito.

                “Mino-babe, come here!” Ibinuka nito ang braso.

                Napaismid siya. Nagpapalambing na naman ito. Ganoon naman ito, kapag silang dalawa lang ay malakas ang loob ilabas ang ka-sweetan. Kapag nandyan na ang ibanag kabanda ay balik ito sa pagtrato sa kaniya na parang kapatid lamang.

                Hell, kahit hindi siya umiimik ay nasasaktan siya. Dangan nga lamang at hindi niya magawang isiwalat dahil baka ikagalit nito ang bagay na ‘yun. Kaya kapag tinutukso silang dalawa ni Jeremy ay siya ang agad na umaapela.

                Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga kalat.

                “Minnnn...!” Mas nilakasan nito ang pagtawag. Nagbingi-bingihan siya’t tinungo ang kusina upang doon isalansan ang mga niligpit.

                Hindi niya namalayang nakasunod pala ito sa kaniya. Agad pumulupot ang braso nito sa kaniyang baywang. “May sumpong ba ang baby ko?” Hinalik-halikan nito ang batok niya.

                Hindi niya naiwasan ang kiliti na gumapang sa kaniyang sistema. Pumikit siya’t pinigil ang sarili at pumiksi mula sa pagkakayapos nito. Tinungo niya ang coffee maker para abalahin ang sarili. Wala pa rin siyang imik.

                Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Ano bang ginawa ko?” Kunot na kunot ang noo nito ng lingunin niya.

                Sinalubong niya ang tingin nito. Bago pa man niya mapigilan ang sarili ay naibulalas na niya ang sama ng loob na nadarama. “Bakit kasi hindi pa natin sabihin sa kanila?” Asik niya.

                Lumapit ito’t hinaplos ang nangingitim na pasa niya. “Masakit pa rin ba?” Alalang-alala ito ng nagdaang gabi. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

                “Oo, medyo!” Pabalang na tinabig niya ang kamay nito. “Sagutin mong tanong ko!”

                Muli itong bumntong-hininga. “Alam mo kung bakit hindi pwede...”

The Rocker's Slave [Slow Update]Where stories live. Discover now