Escape

374 2 0
                                    

GAMIT ang laylayan ng suot na t-shirt ay pinunasan niya ang luhang patuloy na naglalandas sa kaniyang pisnge. Tila bukal ang kaniyang mga mata na sa tuwing maalala ang pagpapamukhasa kaniya ng binata ay sumusungaw roon ang luha.

                 “What are you doing?” mulagat na tanong ni Vesta sa nabungarang eksena sa kaniyang kwarto. Hindi siya umimik bagkos ay ipinagpatuloy ang pagiimpake ng kaniyang iilang gamit. Ang isang damit na hawak n asana ay ipapasok sa loob ng maliit na maleta ay marahas na inagaw nito sa kaniya. “Come on, you should not do this. Kapag umalis ka rito, saan ka pupunta? Paano kung matagpuan ka ng step-father mo? What if… if… if that time comes this disguise wouldn’t be enough to hide you from those beasts?” Sunod-sunod na tanong ng dalagang artista sa kaniya.

                Pahimad na napaupo siya sa malambot na kama, tila pagod na pagod. Her mind is saying that she should stay, continue the disguise, and let Martin hurt her feelings—for her safety’s sake. Pero tumututol doon ang puso niya. For Heaven’s sake, sa piling ng Devil na iyon ay in danger ang puso niya. In danger to be broken once she cannot take all the things he will do or say to her.

                “Ayoko… I don’t want to leave but I have to or else… or else I might end up going crazy,” napasinghot siya. Nakakaunawang hinaplos ni Vesta ang kaniyang buhok.

                “Please, kahit for me lang, Darling!”

                “I’m sorry for causing you too much trouble but I guess I really have to leave,” matigas na pahag niya. She got to have the courage to say no para naman kahit paano ay magaw niyang lisanin ang lugar na iyon.

                Hindi nakahuma si Vesta sa tonong ginamit niya. Sinamantala niya iyon upang makalabas ng kwartong iyon. Dire-diretso siyang lumabas ng Penthouse tungo sa elevator. Subalit aga din siyang naharang ng pinsan ni Martin na sa maikling panahon ay itinuring na rin niyang kaibigan.

                “You can’t really leave. You are my responsibility!”

                “No! Kailanman ay hindi mo ako nagging responsibilidad, Vesta.” Mariin niyang tanggi kasabay ng sunod-sunod na pag-iling, as if emphasizing what she had said.

                “Yes, you are! The moment you confessed to me that you’re Martin’s Star, you had become my responsibility. Hindi ko maatim makitang muling parang walang buhay ang pinsan ko. Noong mawala ka… Noong panahong akala niya ay iniwan mo siyang talaga— masakit iyon para sa akin. It also broke me into pieces. Kapag tuluyan kang napahamak, hindi ko alam kung makakaya pa niyang muli,” nagsukatan sila ng tingin. Nanghahamon ang mga tingin nito. Siya’y inaarok ang mensaheng laman ng bawat katagang binibigkas nito.

                And yes, she’s so damn right. Maging siya ay hindi maatim na makitang muling miserable ang kaniyang Rocker boy. It’s a good thing na ngayo’y nagcocope ito sa pamamagitan ng musika. Subalit, paano sa susunod? Paano kung pati musikang magsasalba rito sa depresyon ay tuluyan na rin nitong talikdan.

                Kusang nabitiwan ng kaniyang kamay ang bitbit na maliit na maleta. Saka tila nanghihinang damausdos siya paupo sa carpeted hallway ng condo.

                “Y-you’re right!” Kapag-kuwan ay aniya.

                Lumebel sa kaniya ang aktres. “So, ‘wag ka ng umalis ha,” alo nito.

                Subalit sa gulat nito’y sunod-sunod siyang muling napailing. “B-but I really have to get away from him. Hindi ko siya nais na makasama sa ganitong katayuan. Ang puso ko’y hindi lamang sa kasinungalingan nalulugmok ngunit pati na rin sa pagkamuhi. Ayokong umabot sa panahong mawalan ako ng pag-ibig para sa kaniya.”

                Ito naman ang napailing.

                “You don’t trust your heart?” She asked for confirmation.

                “Have you ever felt this way before, Vesta?” Balik-tanong niya.

                Natigilan ito. “I-I h-have never… Teka, why are you asking me that?”

                “You haven’t? Then, you do not know how does my heart feel… how miserable it feels that the one person you love loathed you to the point na pati pagka-edukado niya ay nakakalimutan niya malait ka lamang,” ilang segundo ring halos walang masabi ang batang aktres.

                “Okay, point taken, but are you really willing to take the risk and sacrifice your life?”

                “Yes!” walang gatol na aniya.

                “Okay,” napabuntong hininga ito ng tatlong beses. “Aalis ka pero hindi ka lalaboy sa kung saan-saan,” kapag-kuwan ay basag nito sa katahimikan.

                “Where am I going, then?”

                “Sa bahay ng mga magulang ni Martin sa Bulacan,” bumalik ang sigla’t kislap sa mga mata nito. It must have been a brilliant idea for her. Subalit hindi kaya kaagad din siyang matunton doon ng Rocker boy? “Oh, I know what you’re thinking of. Hindi in good terms si Martin sa kaniyang father so don’t expect him to suddenly appear on their front porch any time soon,” mabilis na kontra nito sa sana’y pagtutol niya.

                “Would they agree?”

                “Don’t worry leave it all to me…”

                She somehow felt relieve after all the reassurance. Ah, she hopes she’s doing the right decision. 

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon