chapter 19

435 7 4
                                    

Chapter 19

Isang buong lingo after ng party ay naging abala ang lahat.ang buong grupo ay busy sa kanya kanyang work at businesses. Kaya napagkasunduan nila na ipagpaliban na muna ang kanilang outing. Si slater at tin naman ay lalo pang naging malapit sa isa’t isa sapagkat madalas silang lumabas pero pure business ang mga lakad nila. Halos wala silang free time to unwind. Papasok sila sa work ng 8 am at lagi silang napapaovertime sa dami ng deadlines nila sa office. Busy man pero enjoy silang dalawa kasi kasama nila ang isa’t isa. Mas nakikilala nila ang isa’t isa habang lumilipas ang araw. Kahit laging stress at pagod si slater ay nakukuha naman ni tin na pawiin ang mga ito. Araw araw ay tagatimpla sya ng kape  ni slater at lagi itong may naka attouched na quote for the day. Si slater naman bilang ganti sa kape ay binibilhan nya araw araw si tin ng iba’t-ibang food. 3 weeks na silang magkakilala at super laki na ng development sa kanilang working relationship..sa kanilang friendship.

Isang araw ay first sweldo na ni tin. nagulat sya sa laki ng sahod nya. Sabi sa kanya ay isinama na raw dito ang commission nya sa pagclose nya ng deal with other company. Laking tuwa ni tin dito kaya naman imbis na kumain sila ni slater sa isang fast food chain ay inimbitahan ni tin si slater na magdinner sa bahay nila at ipagluluto daw nya ito ng especialty nya na kare kare. Ng araw na iyon ay 5pm nag out na sila at dumiretso sa grocery. Namili si tin at tumuloy na sila sa bahay nito. Habang nagluluto si tin ay pinapanood lang naman sya ni slater. Tumanggi kasi si tin ng inalok ni slater na tumulong sa pagluluto. Matapos ang mahigit isang oras na pagluluto ay finally ready na ang dinner. Labis na nagustuhan ni slater ang kare kare ni tin. wala itong halong bola. Napalaki ang kain nilang pareho kaya after dinner ay lumabas sila at pumunta sa isang coffee shop. This time naman ay si slater ang nagbayad. Saglit lang sila doon at umuwi na rin.

Para sa dalawa ay sinasamantala nila ang bawat araw na magkasama sila. Alam na nila sa isa’t-isa ang kanilang  tunay na nararamdaman pero pinili nila pareho na itago muna ito. Para kay slater mas gusto p nyang lumalim ang friendship nila ni tin. ready na syang pumasok muli sa isang relasyon at this time gusto nya na ito na ang maging last..oo sa tingin nya si tin na ang gusto nyang maging last gf kaya naman gusto nyang maging maayos ang lahat..perfect timing lang ang kanyang hinihintay..basta sa ngayon masaya sya with tin at mahal na nya ito..

Para kay tin habang natagal ay nakilala na nya ang totoong slater. Oo mahal na nya ang binata kahit alam niyang mali..bawal!! mahal na nya ang binata kahit anong pigil pa ang gawin nya sa sarili. Mahal na nya ang binata kahit alam niyang mahirap at masasaktan lamang sya. Buong linggo ay natawag si wendy sa kanya at inaapura siya sa plano. Si tin naman ay nakokonsensya sa tuwing mag kausap sila ni wendy kasi puro kasinungalingan ang nirereport nya kay wendy…kesyo busy daw sila, na out of town si slater kaya hindi sila nagkikita..na baka matagalan ang plano nila…

Lingid sa kaalaman nila slater at tin ay napag uusapan na sila sa office na pinangungunahan ni eva..napansin nila ang malaking pagbabago kay slater..kung mabait man ito dati eh mas lalo itong naging mabait..napansin rin nila ang masayang aura sa mukha ni slater..parang in love! Gayon din, napansin nila si tin na lalong gumaganda..laging masaya lalo na kapag magkasama sila ni slater..napansin nila na mukhang in love din ang aura ng dalaga..pansin ng buong company ang sweetness at closeness ng dalawa . ang lahat ay boto at masaya para sa tinatakbo ng samahan ni slater at tin..happy sila lalo na for slater dahil matagal tagal na rin itong mukhang malungkot mula sa bigo at huli nitong relasyon…with cassey!!!

Friday ng hapon, sa office, ay nagpaalam si slater kay tin na wala sya the whole weekend dahil may business trip ito sa davao. Niyaya ni slater si tin if gusto nitong sumama pero tumanggi ang dalaga dahil marami pa raw itong aayusin at gusto rin niyang magpahinga. Sobra ang panghihinayang ni tin sa pagtanggi..

Tin’s POV : kung alam mo lang janjan kung gaano ko kagusto ang makasama ka sa buong weekend kaso mas mabuti na muna ang umiwas sa iyo. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Mahal na mahal na kita. Baka kung sasama ako sayo sa weekend eh hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na tuluyang mahulog at bumigay sayo..

Kasalana Ko Ba? (Slater & Tin Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon