chapter 21

290 5 0
                                    

Slater's POV: what a beautiful monday to start the week...(kinuha ang picture frame na kung saan ay nakalagay ang picture nila ni tin na kinunan right after na maging official gf at bf sila)..good morning my pretty baby...see you later!

ibinalita agad agad ni slater sa mga magulang ang tungkol sa kanila ni tin at super happy ang mga ito. sinabihan ng mga magulang si slater na dalhin sa bahay ang gf for formal introduction daw..

maaga din naman nagising si tin ..kahit puyat eh blooming pa rin ito dahil in love nga siya..

Tin's POV: good morning slater (sabay tingin sa picture frame na may picture nila ni slater)...i don't want to fool you..i don't want to hurt you at sana paniwalaan mo ako na totoo ang nararamdaman ko sayo..as soon as possible i will make things right...just trust me my baby..just trust me..

kumalat na sa opisina ang relasyon nila slater at tin..halos lahat ay natuwa pero may ilan rin na hindi nagustuhan ang balita marahil ay inggit o selos ang dahilan ng mga ito..whatever that is..slater and tin ....they don't really care at all...ang importante sa kanila ay masaya sila at in love!!

napuno ng tuksuhan ang araw ng Monday..actually nagpaorder pa si slater ng food for everybody bilang celebration ng mga achievements ng company at syempre pa ng bagong relasyon nila ni tin..pero kahit naglevel up na ang relationship ni slater at tin ay hindi pa rin nagbago ang working relationship nila na kung saan ay hinangaan talaga ng marami..lalo na ang mga magulang ni slater..napagkasunduan nila slater at magulang nya na iinvite si tin sa isang family dinner ng mga Cruz sa darating na byernes na kung saan ang buong angkan ng Cruz ay naroroon..sa una ay nag alinlangan pa si tin dahil nahihiya daw sya pero after ipaliwanag ni slater kay tin na it will be the best time para makilala ni tin ang family nya at makilala ng family nya ang gf nya..(proud bf ang peg), eh pumayag na rin si tin kaya naman isang araw after ng office hours ay dumiretso ang couple sa mall upang bumili ng susuotin ni tin sa family dinner..ang family dinner kasi ay hindi basta dinner lang..mini family reunion na rin ito ng Cruz Family na gaganapin sa isang private and first class restaurant kaya naman dapat talagang paghandaan ito ni tin..

Thursday night eh niyaya ni tin si jessica na magsleep over sa apartment nya..

tin: jess, anong gagawin ko?

jessica: sa dinner tomorrow o kay slater at wendy?

tin: both

jessica: for tomorrow's dinner. well..just be yourself..be confident enough to face them..girl, u are very pretty and smart kaya you don't have to be shy ok...at isa pa kasama mo si slater doon kaya for sure hindi ka noon pababayaan...

tin: yeah, i trust him...eh how about kay wendy?

jessica: friend, honestly, do you love slater?

tin: of course! 

jessica: how much?

tin; what do you mean by that?

jessica; hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya? are you willing to fight for him?

tin: mahal ko si slater..sya ang first love ko..never pa akong naka encounter ng mga love problems pero ang alam ko at sigurado ako ay ayoko syang mawala sa akin..ayoko syang masaktan..

jessica: yun naman pala eh wait...willing ka ba mawala ang best friend mo?

hindi nakasagot si tin..

jessica: problema nga yan...alam mo tin, mahirap talaga yan pinasok mo eh pero in every problem may solusyon db?

tin; so ano na gagawin ko?

jessica: tell slater the truth..unuhan mo na bago pa ikaw ang maunahan ni wendy..at least kapag ikaw ang nagsabi at nag nagexplain kay slater ng lahat about sa plan habang maaga pa eh baka maunawaan ka niya at baka patawarin ka niya agad...kasi ang dating noon ay hindi mo talaga intensyon o gusto na saktan sya pero.. kapag si wendy ang naunang pumiyok kay slater...naku friend patay tayo doon kasi ang dating noon kay slater ay talagang plano mong iwan at saktan sya..at baka kamuhian ka nya forever...

tin: so when is the right time para magconfess kay slater?

jessica: maybe after ng trip natin sa boracay para maenjoy naman natin ung bora db?

tin: omg jess...salamat sa iyo ha...big help ka talaga...

jessica: tin if ever need mo ng back up sa pagtatapat sa kanya eh i am willing to help you ha...basta be strong and hold on ka lang sa love...

tin: hirap naman pag inlove...complicated..

jessica: hoy not at all times naman...pero tin a.s.a.p. din need mo kausapin si wendy na mag back out ka na sa plan para d na sya umasa pa..at malay mo kapag nagconfess ka na kay wendy eh baka lumambot na ang puso noon at maging happy na kasi ang bestfriend niya ay in love na for the first time..

tin; do you think posibleng mangyari yun?

jessica; oo naman..ako kasi hindi ako mapagtanim ng galit eh..importante sakin ay masaya ang mga tao sa paligid ko at if happy sila eh happy na rin ako for them..well kung sabagay hindi ko pa kilala si wendy ng lubusan at hindi natin hawak ang puso at isip nya...eh nakuha nga niya na makipagbreak sa bf nya db? tsk tsk tsk...basta tin ipaliwanag mong mabuti kay wendy ang lahat ha at pls huwag ka ng magpapadala sa galit nya...if galit sya kay slater so be it pero huwag kang sasang ayon sa kanyang muli...d ko sinasabi na piliin mo si slater over wendy..sakin lang eh doon ka pumanig sa tama at sa sinisigaw ng puso at isip mo..huwag kang magpapadala sa sulsol ng iba..huwag kang magpapagamit sa iba...yes maybe maraming naitulong si wendy sa yo..may utang ka pero pwede mo siyang bayaran sa ibang way..tutal pera ang utang mo sa kanya eh di pera din ang ibayad mo..don't worry if ever na singilin ka niya agad agad eh i am willing to buy your house and lot from her tapos ibibigay ko agad agad sa iyo..basta promise me na ipaglalaban mo ang tama..im not saying na awayin mo si wendy pero as much as possible panindigan mo kung ano ang tama ok?

napayakap na lang si tin kay jessica after niya marinig ang mga katagang iyon..iyak sya ng iyak at hindi sya makapaniwala kung gaano kabait ang taong kaharap nya na halos isang buwan pa lang niya nakilala kumpara kay wendy na halos 6 na taon na niyang kasama..

tin; thank you so much jessica...

jessica; ur welcome..anyway nacontact mo na ba si carlo?

tin; yup...

jessica: so anong nangyari sa usapan nyo?

tin: sinabi ko na sa kanya na bf ko na si slater at mahal ko ng totoo ang bf ko tapos he asked me if alam na ni wendy ang tungkol doon, sabi ko hindi pa..

jessica: then?

tin: sabi nya better daw if hindi ko muna kontakin si wendy,,hayaan ko na lng daw na si wendy ang kumontak sakin at if tatanungin daw ako ni wendy about kay slater eh ang isagot ko daw ay wala pa rin improvement...habang nagdedeny daw ako kay wendy eh dapat daw eh plantsahin ko na ung gusot kay slater...para if ever man daw na magchange plan si wendy at biglang manggulo sa amin eh at least daw ay maliwanag na ang lahat kay slater...

jessica: see? pareho kami ng iniisip ni carlo...ang problema na lang natin ay hindi natin alam kung anong iniisip ni wendy...

tin: yun na nga eh..baka nga magduda na yun eh..

jessica; ah basta right after ng bora trip natin eh sasabihin na natin kay slater ang lahat lahat ok! if kailangan tayong tatlo nila carlo ang kumausap kay slater eh gagawin natin basta maliwanagan ang pag iisip nya...sa ngayon tulog na muna tayo at may work pa tyo bukas at need mo ng bueaty rest dahil may dinner party ka pa tomorrow night with your in laws...yihiiii...

tin: sira ka talaga...o sya sige nyt nyt!

Kasalana Ko Ba? (Slater & Tin Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon