Chapter 2

803 3 9
                                    

Nagdecide si Slater na dito na lang magkolehiyo sa Pinas. Kahit naninibago eh pinilit pa rin ni Cassey na maging malapit kay Slater.

Cassey:  Hi Slater! Kamusta ka na? nagbago ka na!

Slater:  Oh it’s you…Cassey right?

Cassey:  Grabe ka naman di mo na ako kilala? Oo ako to so musta na ikaw?

Slater:  im fine. medyo awkward ung feeling pero sooner or later masasanay ulit ako. So ikaw may bf ka na ba?

Cassey: wala pa. never pa ako nagka bf. Balita ko may gf ka na raw sa states?

Slater: well, sa states I’m taken but here, I’m single…do you want to apply?

Cassey: apply for what?

Slater: to be my gf!

Cassey: huh? (natulala)

Slater : joke! Hindi ka na mabiro! Change topic tayo…san ka magcollege?

Cassey: dito lang sa cebu. Si wendy sa manila sya magcollege.

Slater: really? So sabay na tyo mag-enroll ha. How’s wendy?

Cassey: she is fine. nasa bahay sya ngayon. Gusto mo ba sa bahay ka na lang maglunch?

Slater: ok sure!

Sa bahay ng mga Santos….

Mrs. Santos: good to see you slater.

Slater: same here tita. Oh, you’re wendy right?

Wendy: yeah. Hi slater!

At kumain na nga ang pamilyang Santos kasama si Slater…napasarap din ang kwentuhan nila at maya maya pa ay nagpaalam na si Slater.

Sa kwarto nina Wendy at Cassey…

Wendy: ate Cassey, akala ko ba ayaw mo na kay slater?

Cassey: hay naku sabi naman niya sa states may gf sya pero now na nasa pinas siya, single dw sya.

Wendy: ano? Aba eh d lang pala amboy ang peg ni slater eh…playboy pa! ate ha mag-iingat ka diyan baka paiyakin ka niyan.

Cassey: wends, ang tagal kong hinintay ang time na to. Dko na palalampasin ito. Gagawin ko ang lahat para mainlove siya sakin. Lulunukin ko na pride ko. Ganon ko siya kamahal sis!

Wendy: sige ate. Bahala ka basta masaya ka pero tandaan mo walang pwedeng makasakit sayo at ako ang makakalaban nila.

Muli na ngang bumalik ang closeness nina slater at cassey lalo na ng nagsimula ang klase.

Slater: akala ko ba HRM kukunin mo? Bakit engineering na?

Cassey: huh? Ano kasi naisip ko mas indemand ang engineers nowadays kaysa sa mga hrm graduates.

Naging magkaklase ang dalawa at halos 24/7 sila magkasama.

Samantala…

Walang choice si Tin kundi ang magworking student . Dahil sa katalinuhan nito, nakakuha siya ng scholarship. Nagtatrabaho siya sa isang fast food chain mula lunes-biyernes at tuwing sabado at lingo naman ay rumaraket siya sa kung ano pwede pagkakitaan. Madalas natanggap siya ng labada. Siya ay nakakuha ng scholarship sa isang pribadong paaralan at doon ay nakilala niya si Wendy Santos. Pareho sila ng kinukuhang kurso…BS Management. Dahil sa magkaklase sila, halos 24/7 din ay magkasama sila at tinuring nila ang isa’t-isa bilang bestfriends. Alam lahat ni wendy ang buong pagkatao ni tin kaya naman ganon na lamang ang pagkahanga nito sa kaibigan.

Naging malaking tulong si tin kay wendy when it comes to academic matters. Si wendy naman ay malaki ang naitutulong  kay tin when it comes to financial matter. Give and take ang peg ng dalawa.

Madalang ng umuwi si wendy sa cebu dahil super nag-eenjoy siya sa buhay sa manila lalo na kapag kasama ang best friend niya na si tin. 2nd year college siya ng nagkaroon ng first bf at ito ay si carlo. Schoolmates ni carlo si tin at wendy pero ang kinukuha niyang course ay architecture. Dahil sa best friend ni wendy si tin, sinubukan niya na iset ng blind date si tin pero mukahang wala talaga sa isip ni tin ang makipag boyfriend.

Carlo: ano na tin? Kelan ka ba ulit free para ihanap ka ulit naming ng date.

Tin: hindi ko nga kailangan ng bf. Ang kailangan ko ay pera pera pera para makuha ko na titulo ng bahay at lupa kay tita deniesse. 3 yrs na lang at deadline nako.

Wendy: bakit kasi ayaw mo pang tanggapin yung inaalok kong tulong sayo.

Tin: sobra sobra na binibigay mo sakin. Laki na nga ng utang ko sayo at d ko nakakalimutan yun kaya naman ayoko naman abusuhin ang kabaitan mo sa akin. Nagtatrabaho ako at nag-iipon para sa ipinangako ko sa mga magulang ko na babawiin ko ang bahay namin.

Wendy: ikaw bahala pero tandaan mo na lagi lang ako nandito bestfriend ha.

Tin: salamat wendy. Darating din ang time na makakabawi ako sayo. Kahit anong sabihin mo gagawin ko para lang masuklian lahat ng tulong mo sa kin.

Sa cebu…

Sa loob ng dalawang taon simula ng bumalik ng pinas si slater at habang patuloy ang closeness nila ni Cassey ay umiral pa rin ang pagiging playboy nito. Ngayon na 2nd yr college na siya ay nakaka talong gf na siya at lahat ay mga schoolmates nila ni cassey. Sa sobrang pagmamahal ni cassey kay slater, kahit lubhang nasasaktan ay hindi pa rin niya iniwan ang binata.

Kasalana Ko Ba? (Slater & Tin Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon