💕 NOBODY'S BETTER 26 💕

Start from the beginning
                                        

"Anong gusto mong pagkain. Meron kaming Ramen noodles na gawa mo. Nang Shanghai tapos burger at fries. Meron din kaming juice dito. Ano gusto mo?" Tanong ko sabay turo ng mga tinda namin na naka display sa harap ng shop namin.

"Ikaw." Bulong niya pero hindi ko narinig.

"Ano?"

"Ahh sabi ko yong ramen noodles na lang." Tumango na lang ako sa sinabi niya pero iniisip ko pa rin yong binulong niya. Ano kaya yon?

"Thirty pesos lang." Wika ko sabay bigay sa kanya yong order niya.

"Wala bang discount since ako naman ang nagluto." Natatawang biro niya. Natawa naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman eh pero business is a business so it's a no. Charr!

"Sige na. Libre na 'yan!" Sagot ko. Nag kabuhay naman 'yong mukha niya.

"Talaga?"

"Oo! O siya kain ka na dyan at magbibinta pa ko." Kunwaring tugon ko pero deep inside kinikilig ako sa presence niya. Takte! Ang landi ko hohoho~ Akmang babalik na ko sa loob ng bigla niyang hinila yong kamay ko dahilan para mapa upo ako sa upuan katabi niya.

"Dito ka muna, saluhan mo muna ako dito." Wika niya sabay puppy eyes. Napalunok na lang ako ng laway ko pagkatapos ay tumango na lang. Hindi ko kasi mahindihan siya kasi ang kyot kyot ng mokong na to. Nakakainis!

"Ummm, anae." Napa balik ako sa realidad ng bigla siyang nagsalita. Kanina pa pala ako naka tulala sa kanya, hindi ko man lang namalayan. Nakakahiya! 😭

"Ano yon?" Tanong ko. Ngumiti siya at nakita ko na naman ang heart shape lips niya. Napakagat labi ako. Ano ba tong nararamdaman? Huhuhu!

"Ito pala para sa'yo." Sagot niya sabay lahad sa akin ng malaking paper bag. Kinuha ko naman to sa kanya at agad na binuksan.

"Wahhhh! Ang kyot! Salamat Kelso!" Masayang sabi ko sabay kuha ng item nasa loob ng paper bag. Isang rillukuma cushion lang naman ang binigay niya.

"Buti naman at nagustuhan mo."

"Oo naman. Rillukuma kaya ang isa sa favorite kong cartoon character," wika ko sabay tingin sa kanya na may ngiti sa labi. "Paano mo pala nalaman na gusto ko ang mga rillukuma katulad nito?" Nagtataka kong tanong.

Isang maliit lang na ngiti ang ibinigay niya. "Napansin ko kasi sa kwarto mo na may mga rillukuma kang mga stuffed toys so I assumed na you like them."

"Thank you." Yon na lang ang nasabi ko dahil nawala lahat ng mga vocabulary ko. Noong unang binigay niya, favorite kong flowers na Baby's breath tapos ngayon itong rillukuma. Ano kayang susunod?

"Basta anae tatandaan mo na I love you so much at gagawin ko ang lahat para mabawi ko yong isang taong pagiging manhid ko. Gusto kong mas higitan pa yong pagmamahal na ibinuhos mo sa lalaking katulad ko. At masaya ako dahil binigyan mo ko ulit ng chance na itama ang mga mali ko. Thank you."

Napaluha ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala yong nakaraan. Iyong ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Iyong pagiging baliw ko sa kanya. Iyong paghanga ko dahil sa galing niya sa pag sasayaw maging ang kasiyahan at mga sakit na binigay niya. Pero ngayon, nagbabago na ang lahat. Hindi na katulad ng dati na ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa kasi ngayon, pati siya.

"Kelso," bigla siyang napatingin sa akin dahilan para ngumiti ako sa kanya. Isang ngiting ina assure siya na siya lang ang mamahalin ko. "Alam ko first time mo lang maririnig to sa akin pero ano... Um, I'm deeply in love with everything about you. So please can you forget everything you did to me before kasi napatawad na kita eh! At masaya na kong malaman na mahal mo ko. That's enough for me so please can we forget the past and live the present?"

Isang mainit na yakap at walang katapusang 'Thank you' ang narinig ko sa kanya. Ramdam ko din na parang nababasa ang damit ko dahil siguro umiiyak siya ngayon pero masaya ako dahil nailabas ko na yong gusto kong sabihin sa kanya na itinago ko sa pinaka ilalim ng puso ko.

Alam ko namang mahal na mahal ko pa din siya hanggang ngayon, nag mamatigas lang talaga ako dahil alam ko noon na hindi niya ko mamahalin pero heto, ramdam ko yong mabilis na tibok ng puso niya at alam ko ang pangalan ko ang sinisigaw non at vice versa.

Masaya na ko kung hanggang dito pa lang kami sa ligawan portion pero alam ko malapit ko ng ibigay ang matamis na oo. Siguro ilang kembot na lang hahaha!

"Thank you! Thank you talaga anae!"

"Ano ba! Tama na nga tong drama natin! Kanina pa masamang nakatingin sa atin si ajumma oh~" sagot ko sabay nguso kay Rose na nakatingin sa amin.

"Bayaan mo siya anae, inggit siya dahil kayakap kita!" Isang mahinang batok naman ang binigay ko sa kanya habang tawa lang siya ng tawa.

Hays Kelso! Why I'm so fcking in love with you?

❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now