💕 NOBODY'S BETTER 26 💕

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ano, ulam." Wika ni Momo. Nagulat kaming dalawa ni ajumma Rose.

"Ulam lang? Walang meryenda o something na madaling ibenta like desserts?" Tanong ulit niya.

"Meron. Ano ... Um, ice candy tsaka mga tusok tusok like fish ball at kikiam tapos wala na." Napa ngiwi na lang si ajumma.

"Ahhh kaya pala kaunti lang ang bumibili sa inyo." Sabi niya habang ako'y tango lang ng tango dito sa isang tabi.

"Ha? Bakit naman?" Naka kunot noong tanong ni Momo.

"Kasi naman yang mga tinitinda niya, basic na siya. I mean kaunti lang talaga ang bibili kasi halos lahat ng tao kumakain niyan," wika niya sabay iling iling. "Okay lang siguro 'yong sa ice candy kasi madalang na lang ang nagtitinda pero yong mga ulam, sa palagay mo bibili sila sa inyo eh may cafeteria naman tayo sa school eh!"

Siniko siko ko ng palihim si Rose dahil sa sinabi niya. Alam ko may point siya pero ang harsh naman ng pagkakasabi niya.

"Eh bakit kayo! Sa palagay ko lagi naman kumakain ang mga tao ng Shanghai, ng burger at fries pero bakit ang bilis maubos ng tinda niyo!" Naiinis na sagot niya. Sasabat na sana si ajumma Rose nang pinigilan ko siya.

"Ummm besseu pag pasensyahan mo na tong si ajumma Rose ah! May saltik eh pero," hinawakan ko ang kamay niya tapos dahan dahan kong hinamas hamas to para kumalma siya. "May point siya na baka hindi masyadong napakyaw yong tinda niyo dahil common na siya pero may point ka din na common na din yong tinda namin pero ito lang ang masasabi ko. Mag isip pa kayo ng iba niyo pang pwedeng itinda bukod sa tinda niyo ngayon. May apat na araw pa naman eh tsaka umpisa pa lang to! Malay mo sa susunod mas madami na kayong customer kaya tahan na okay?" Wika ko habang patuloy pa rin sa paghimas sa kamay niya. Sana makatulong yong sinabi ko.

"Salamat besseu. Sige punta na ko sa pwesto ko para masabi ko sa mga kagroupo ko yong mga sinabi mo." Napa tingin naman ako sa kanya. Ilang minuto lang din ay nag paalam na siya sa amin.

"Ikaw ah! Dapat hindi mo ginaganon yong BeShyWapssZ ko kundi patay ka sa akin!" Kunwaring tugon ko kay Rose.

"Sorry na!" Wika niya lang sabay taas ng kamay niya. Nag roll eyes lang ako ng maliit pagkatapos ay bumili ako ng sampung pisong juice kay Kelvin. Nahigh blood ako eh!

❌❌❌

"Keisha! Keisha!" Isang pagod na pagod na ajumma Rose ang bumungad sa akin. Kakalabas ko lang kasi sa cr dahil ihing ihi ako kanina at nakita ko na lang tong si ajumma Rose na naghihintay sa akin.

"Ah bakit?" Nag aalalang tanong ko.

"Halika dali! May naghahanap sa'yo!" Napakunot noo ako. Sino namang naghahanap sa akin eh sa pag kakaalam ko, wala namang taong gusto akong makita.

"Sino?"

"Basta! Punta na lang tayo don sa pwesto natin kanina para makita mo!" Aniya sabay hila sa akin at ako'y walang nagawa kundi magpahila na lang.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kelso pagkadating na pagkadating namin dito sa pwesto namin.

"Hinahanap ka." Bulong ni ajumma Rose dahilan para iglare ko siya. At ang loko tumahimik. Hahaha!

"Ahhh ano kasi ummm," wika nito sabay kamot ng batok. Bakit kaya ang kyot kyot ng mokong na to?

"Kasi?"

"Kasi gusto kong kumain dito sa inyo. Oo tama! Hehe!" Nahihiyang tugon nito. Tumango na lang ako sa sinabi niya at pumunta sa loob ng pwesto namin.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon