"Hayaan nyo ng umiyak yan,mapapagod din yan!"Walang ganang sagot ko!

Nagpupuyos pa rin ang loob ko!

"Tahan na baby ha. Malapit na tayong dumating,maliligo tayo sa swimming pool gusto mo yon?"

Bahagya ng mahina ang iyak nito,naputol kasi ang tulog niya kaya nagwawala.

"Swim?"Tanong nito.

Tumango naman si Xander.

"Yah,swim tayo,do you know how to swim?"

Umiling siya.. Ang arte ng batang to!

"Hindi siya marunong lumangoy,hindi ko siya hinahayaang maligo madali siyang madapuan ng sipon!"Pabidang wika ko,feeling concern na ina.
Pwe!
Inaasa ko lang naman sa yaya ang pag-aalaga sa batang yan!

Kainis kung di lang ako gipit!
Kailangan ko si Xander para makabangon ako,nalulugi na ang mga business na iniwan sa akin ng parents ko. The only way para makaangat ako ulit ay ang kayamanan niya.

Ayokong maghirap!
Kaya kailangang gumana ang plano ko!

"Ok lang yan,sipon lang naman. Madali lang yang gamutin. Ang mahalaga maging masaya itong anak ko!"

Hindi na lang ako sumagot! Kailangan kong makagawa ng bagay  na magagamit para iblackmail siya.
O di kaya para masira sila ng babaeng to.

"Where here!"Malakas na sigaw ni Xander.

Humanda ka Samaya kailangan mo ng mawala sa landas ko.

Kailangan!

#Samaya

Ang Oa naman yata ni Wrixie,nakaheels sa beach?

Napailing na lang ako,kahit ang totoo naiinis na ako dito halata namang ibinibilad na niya kay Xander ang katawan niya.

Samantalang ako heto naka-one piece bathing suit lang ako pero kita ang likod,at mababa ang neckline,samantalang ang bruha,hmmmp,nakatwo piece talaga,halos makita na ang kaluluwa niya!

Nalingat lang ako sandali para na siyang sawa na nakapulupot kay Xander.

"Ehem!"Malakas na tikham ko mula sa likod!

Agad namang napalingon si Xander,bakas sa mukha niya ang paghingi ng tawad.

Alam ko wala siyang kasalanan kasalanan ng babaeng malandi na ito na pinaglihi sa higad!
Sobrang kati!

"Pwede wag mong hawakan ang halimaw ko! May anak ka na dapat bantayan! Yon na lang kaya ang atupagin mo!"Mataray na wika ko,mainit ang ulo ko,naiinis ako kasi ang sexy ng suot niya. Kaso diko naman kayang magsuot ng ganyan.

Nagdadabog akong umupo sa tabi ni Xander ng umalis na ang bitch.

Ramdam ko ang paghawak niya sa baywang ko,"Sinong may sabi sayong pwede kang magsuot ng ganyan?"Mainit na bulong nito sa may punong tainga ko. Shit nag-iinit ako sa simpleng pagkakadikit lang ng mga balat namin.

"What?"Nawala ako sa focus kasi naman ee panay na ang haplos niya sa likod ko.

"Sabi ko sinong may sabi sayo na pwede kang magsuot nito!Gusto mo bang magkulong na lang tayo sa kwarto!"Wala na nag-iinit na talaga ako,ang landi niya.

"Bakit,nasa beach naman tayo ee!"

Napapikit na lang ako ng maramdaman kong inamoy-amoy na niya ang leeg ko!

"Halimaw ko naman ee!"Sabi ko sabay iwas sa kanya."Ang daming tao!"

"Bakit ka kasi nagsuot ng ganyan!"

"Nasa beach nga tayo diba? Tingnan mo yong suot ni Wrixie!"

Hindi siya tumingin sa kinaroroonan ni Wrixie,"I dont care about Wrixie! Ikaw ang mahalaga sa akin! Akin lang ang mga to,ayokong makita ng iba."Nagmamaktol na wika niya na parang bata.

"Anong gusto mong soutin ko? Pajama?"

Matamis siyang ngumiti!
Saka tumango!

"What baliw ka ba?"Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yong damit na mataas,ang gusto kong isuot mo!?"

"Baliw ka na! Paano ako maliligo?"

"Hindi ka maliligo!"

"Ano?"

Grabe ang ganda ng lugar tapos bawal akong maligo!

'Mamaya na tayo maligo,ipapasara natin ang bahaging ito ng beach!"

"Tigilan mo nga ako dyan sa kalandian mo!"

"Baby ko,magpalit ka na ng ibang damit! Ito isuot mo"

Napailing na lang ako saka kinuha ang polo na inabot niya. Iwan ko ba sa lalaking to!
Napaka Oa beach kaya to.
Nababagay naman ang suot ko sa lugar!

"Ok na ba?"Tanong ko sa kanya ng masuot ko na ang polo niya. Tiningnan niya muna ako mula hanggang paa!"Ok na?"

Umiling siya."Still kailangan mo pa ding magbihis!"Final na wika niya. Napasimangot na talaga ako sa ka Oa-han niya.

"Halimaw ko naman,hayaan mo na tong suot ko. Total suot ko na naman itong Polo mo."

Marahan niya akong hinila saka pinaupo sa lap niya."I love you Baby ko."Mahinang bulong niya. Ramdam ko din ang pagyakap niya sa baywang ko.

"Mahal na mahal din kita Halimaw ko."

"Thank you for loving me,Baby ko. Akala ko kasi kamamatayan ko na ang pagiging walang puso ko! Akala ko hindi na ako babalik sa dati."

Humarap ako sa kanya saka marahang hinaplos ang mukha niya."Salamat,Halimaw ko. Kahit alam mong may past na ako sa iba,tinanggap mo pa rin ako. Thank you din,Halimaw ko."😍

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon