chapter23

9.5K 186 0
                                    

Chapter23

#thruth

#Samaya

"Ang sama mo Halimaw ko,tinakot mo ako!"Nanggigigil na wika ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya na bahagya ng namumula.

"Tama na Baby ko,ang sakit. Sorry na!"Parang batang wika niya.

"Sorry,sorry ka dyan! Kainis ka!"Nagmamaktol pa din na wika ko.

"Sorry na baby ko."Sabi niya sa akin sabay yakap sa baywang ko."Baby ko,bat bigla kang nahilig sa buko?"Tanong niya sa akin sabay himas sa tiyan ko. Natigilan ako sa ginawa niya.

Iniisip niya kaya na buntis ako?
Posible kaya parehas kaming unprotected sa tuwing may nangyayari sa amin.

Napatingin  ako sa kanya,hindi ko din kasi alam,hindi ko nga matandaan ang huling period ko,paano irregular ang period ko,walang matinong petsa kung darating.

Napailing ako,"Hindi ko alam,Halimaw ko,basta bigla ko lang siyang naisip na kainin."

"Buntis ka na yata Baby ko!"Pormal na wika niya pero halata sa boses niya ang excitement. Paano kung hindi pala ako buntis? Pano kung nagcrave lang ako sa pagkain ganito din kasi ako kapag malapit na ang period ko.
Pano na?
Pano kung hindi ako buntis?
Sigurado madidisappoint siya.

"Halimaw ko,hindi ako buntis,ganito din kasi ako kapag malapit na ang period ko. Bigla-bigla ko na lang gustong kumain ng kahit ano."Mahinang paliwanag ko sa kanya,ayaw ko kasing umasa siya tapos hindi naman pala ako buntis.

Dinig ko ang malalim na paghinga niya sabay yakap sa beywang ko. Yong mukha niya nakabaon sa may puson ko."Sana magkakababy na tayo,Baby ko. Matagal ko ng gustong magkaroon ng anak. Dati pa,gusto ko kasing iparamdam sa kanya ang pagmamahal na buong buhay kong pinanabikan."

Bahagya kong hinaplos ang buhok niya,habang nakikinig sa kanya."Anak kasi ako sa labas,Baby ko,kami ni Quani,ang pamilya ni Xerxes ang legal na family ni Daddy,maaga ding namatay ang Nanay namin kaya kinuha kami ni Daddy at pinatira sa kanila,kasama ng legal family niya. Well dahil sa anak sa labas,hindi naging magaan ang pakiramdam ko,feeling ko kasi sampid lang kami ni Quani kahit mabait naman sa amin si Tita Laura,Nanay ni Xerxes,syempre iba pa din pag tunay mong Nanay. Araw-araw wala na akong ginawa kundi patunayan kay Daddy na karapat-dapat din akong mahalin,hindi kasi kami lumaki sa kanya kaya medyo malayo ang loob niya sa amin ni Quani. Malungkot ang naging kabataan ko,masyadong mahigpit si Daddy,gusto niya siya palagi ang nasusunod,hindi kinaya ni Quani ang pagmamanipula sa amin ni Daddy kaya nagdecide siyang maglayas. Ako ito si duwag nanatili ako sa poder ni Daddy kasama si Xerxes,hinayaan ko siyang kontrolin ang buhay ko. Tinuruan niya akong maging matapang,yong walang kinatatakutan. Pero hindi naging madali ang lahat,hindi naman kami pinalaki ng Nanay namin na ganon,kaya nanibago ako. Kalaunan,nakasanayan ko na din. Kailangan kong maging masama,dahil sa tuwing nakakagawa ako ng kasamaan doon ko lang nararamdaman na nagiging proud si Daddy sa akin. Kapag may kalaban siya na pinapatumba ko,napapasaya ko siya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi dadanasin ng mga magiging anak ko ang dinanas ko. Mamahalin ko sila ng walang kailangang patunayan. Mamahalin ko sila at hindi ko kokontrolin ang mga buhay nila. Higit sa lahat ibibigay ko ang kalayaan sa kanila na hindi ko naranasan noon,gusto ko magkaroon sila ng normal na buhay."

Nalungkot ako sa mga narinig na sinabi niya."Kabaliktaran tayo,Halimaw ko,masaya kasi ang pamilyang pinagmulan ko yon nga lang maaga nila akong iniwan."Napasinghot-singhot ako ng maalala ang mga nangyari,miss na miss ko na sila."Miss na miss ko na kasi sila,sana nandito lang sila."

"Hey,Baby ko,hindi kita makilala kong nandito pa sila. Hindi ka madadala sa akin ni Cade para ipambayad utang kong nandito pa ang mga magulang mo. Must be destiny,Baby ko."

Naiiyak na lang ako dahil sa sinabi niya."Nandito na ako Baby ko,wag ka ng malungkot. Gagawin nating masaya ang pamilya na bubuin natin. Magbabago na ako ng tuluyan para sayo at sa mga magiging anak natin."

Nanubig ang mga mata ko sa narinig na sinabi niya."Mahal kita,Halimaw ko."

"Hey,ayaw ko sabing umiiyak ka ee,"Matigas na wika niya.

Pinahid niya ang luha na dumaloy sa pisngi ko."Tama na,Baby ko,tama na,magiging masaya na tayo."

"Oo magiging masaya tayo,Halimaw ko,papalitan natin ng masayang alaala ang pangit mong nakaraan,Halimaw ko. Gagawa tayo ng panibagong alaala."

"Love you,Baby ko."Mahinang bulong niya sabay yakap sa akin.

#Samaya

Boring wala akong magawa,ilang araw na din ang lumipas mula ng magpropose sa akin si Xander. Wala siya may inasikaso,kaya naisipan kong mamasyal mabuti na lang pinayagan ako kaso may kasamang dalawang bodyguard.
Ang Halimaw ko talaga,napakacaring.

"Wag nyo na akong samahan sa loob,baka gusto niyong kumain?"Alok ko sa kanila. Bigla kasi akong nagutom na ewan.

"Dito lang po kami Maam,busog pa po kami,salamat na lang po."

"Sige kayong bahala."Nakangiting wika ko sabay pasok na sa loob. Gutom talaga ako.

Umupo na ako saka nag-order.

"Sam?"

Nag-angat ako ng tingin para makita si Cade.

"Cade?"Mahinang wika ko. Nilingon ko muna ang mga kasama kong bodyguard,hindi naman yata sila nakatingin."Anong ginagawa mo dito?"Ilang months ko na din siyang di nakikita at wala na din akong balita sa kanya.

"Pwedeng umupo?"

Tumango ako bilang sagot.

"Kumusta ka na Sam? Mukhang maayos ka na."Ewan pero may lungkot akong narinig sa boses niya.

"Ok lang ako,naging mabait na sa akin si Xander. Masaya akong makitang maayos ka na din,akala ko,magiging lumpo ka pagkatapos ng ginawa sayo ni Xander."

"Sorry  Sam,sorry kung kailangan kong magsinungaling sayo. Sorry kong naging duwag akong ipaglaban ka!"

Natahimik ako sa sinabi niya. "Magsinungaling? Anong ibig mong sabihin?"

"Nagsinungaling kasi ako ng sinabi kong hindi kita Mahal,Sam,Mahal na mahal kita. Pero dahil sa pananakit sa akin ni Xander napilitan akong saktan ka. Tinakot niya akong puputulan ng mga daliri,kapag naging matigas ako. Sinabi niya rin na papatayin niya ako,at di ka niya titigilang saktan hanggat di ako susunod sa gusto niya. Sorry,Sammy,sorry,!"

Nakatanga akong nakatingin sa kanya."Minahal mo talaga ako?"

"Oo,Sammy,mahal naman talaga kita ee. Wala lang talaga akong choice kaya dinala kita kay Xander,pero maniwala ka,mahal na mahal kita."

"Kaya mo sinabi na hindi mo na ako mahal dahil pinagbantaan ka niya?"Nanikip ang dibdib ko dahil sa nalaman paano niya nagawa sa akin to. Paano niya nagawang kontrolin din ang buhay ko!

"Oo,Sammy,lahat ng sinabi ko sayo,puro kasinungalingan. Mahal kita,Sammy,kaso wala na akong ibang magagawa para sa ating dalawa,mas makakabuti yon kaysa patuloy ka niyang saktan. Hindi ko kakayanin yon,Sammy."

Naiyak ako,dahil sa mga nalaman akala ko kasi niloloko lang ako ni Cade,yon pala may ginawa na naman si Xander.

#Xander

"Boss,sorry po,ano pong gagawin namin kausap ni Maam Samaya si Cade."Napanting ang tainga ko sa narinig na sinabi ng tauhan ko.

"Nakipagkita siya kay Cade? Akala ko ba mamasyal lang siya!"Biglang nag-init ang ulo ko! Damn it!
Nagagalit ako!

"Hindi po,Boss. Aksidente lang po ang pagkikita nila."

Damn it!
Bakit kailangan pa nilang magkita!
Ok na ang lahat!

"Sige bantayan nyo si Samaya,papunta na ako dyan! Saan kayo ngayon!"Matapos sabihin sa akin ang exact location ay nagmamadali na akong umalis.

"Sir,may meeting po kayo."Sabi ng secretary ko.

"Cancel mo lahat ng mga appointment ko ngayon may mahalaga akong aasikasuhin!"Yon lang at nagmamadali na akong umalis. Wala ng mas mahalaga sa akin ngayon kundi si Samaya. Hindi ako makakapayag na may sisira sa maganda na naming pagsasama. Kung kailangan ako mismo ang papatay  sa Cade na yon,gagawin ko!😡

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now