"Im sorry Baby kung sumubra na ako,kung nacontrol ko na pala kayo. Ginawa ko lang naman yon dahil ayaw kong mawala ka sa akin."

Inismiran niya lang ako!"Umuwi na tayo,Baby!"Matigas na wika ko.

"Ayoko na! Tigilan na natin to,akala ko nagbago ka na!"

"Nagbago na ako! Nagbago ako para sayo! Look sorry kung nasaktan ka sa ginawa kong paghiwalay sa inyo ni Cade! Gusto ko lang masiguro na hindi ka na mawawala pa sa akin."

"Seriously Cade? Tinanggap mo ang pera?"Galit na galit na tanong niya kay Cade.

"Wala akong choice,Sam!"

"Pareho lang kayong dalawa! Pinaglalaruan nyo lang ako! Mga wala kayong puso!"Naiiyak na wika niya,mabilis siyang tumayo saka nagmamadaling umalis!

"Baby!'Malakas na tawag ko sa kanya kaso di siya nakinig!"Hindi pa tayo tapos Cade! Magbabayad ka sa pagsira sa amin ni Samaya,ihanda mo na ang sarili mo!"Nangangalaiting wika ko sa kanya,saka nagmamadaling kong sinundan si Samaya.

#Samaya

Alam ko masakit malaman ang katotohan,pero diko alam na ganito pala kasakit. Akala ko sapat ang pagmamahal ko kay Xander para tanggapin siya. Pero hindi pala,hindi ko matanggap ang ginawa niyang pagmamanipula sa akin at kay Cade.

"Baby,wait"Andiyan na siya bat ba ang bilis niya akong mahabol akala ko malayo na ako.

Mas binilisan ko ang paglalakad,ayaw kong maabutan niya ako.

"Maam Samaya!"Shit! Nawalan na ako ng pag-asa na makaalis,pano pa ako makakalayo kong nasa harap ko na ang dalawang tauhan ni Xander."Wag na po kayong magtangka Maam!"

Lumingon ako para makitang ang lapit na niya sa akin.

"Baby? Iiwan mo ako?"

Nanlilisik ang aking mga matang tinapunan siya ng tingin."Hindi ko na kayang makasama ka? Ayaw ko na! Baliw ka na para gawin yon!"

"Alam ko kabaliwan yon! Pero intindihin mo na ginawa ko lang yon dahil mahal kita!,Ayaw kong mawala ka sa akin!"

Natouch ako sa sinabi niya pero hindi pa din yon tama!

"Hindi naging tama kahit kailan ang ginawa mo,kahit maganda ang naging dahilan mo!"

"Baby,sorry na please alam ko di ko na maibabalik pa ang mga ginawa ko,pero pwede pa naman akong magbago diba?"Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao na dumadaanan.

Hindi ko na siya sinagot,basta naglakad na ako,ayokong gumawa ng eksena dito!


"Baby!"Malakas na tawag niya. Kitang-kita ko ang pagbubulungan ng mga babae sa paligid.
Halatang nagpapansin sila kay Xander!

"Please,wag mo kong iwan,Baby,mahal na mahal kita!"Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi niya. Talagang pinagsigawan niya talaga,mas lalo tuloy nakuha ang atensyon ng mga tao."Mahal kita Samaya,hindi ko kayang mawala ka,please forgive me."

Dinig ko na ang hiyawan sa paligid,ano ba naman tong si Xander gumawa pa ng eksena di na nahiya.

Humarap ako sa kanya,pinandilatan ko siya ng mata para tumigil na sa kasisigaw. Nakakahiya kaya.

"I will not stop,shouting until sinabi mong pinatatawad mo na ako! I love you very much Baby,please,forgive me!"

Lintek di ba siya lalapit para hindi na niya kailangang iparinig sa mga tao ang kacornyhan ng Halimaw na to.
Di na siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya na halos nadinig na ng mga tao.

"Hindi ako mahihiya,Baby ko,hindi ako mahihiyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ka kahalaga sa akin. I may not be perfect,madami akong nagawang mali sa buhay ko in the past. I just want you to know,na ikaw lang ang tamang nangyari sa buhay ko ngayon. Masaya na akong kasama ka,Baby ko. Please forgive me,please,be with me. Wag mo akong iiwan,Baby ko. Hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin kapag iniwan mo pa ako!"

"Ayie ang sweet mo po Kuya!"Dinig na dinig kong tili ng ilamg grupo ng mga babae na nakasaksi sa ginawa ni Xander."Patawarin mo na siya,Ate gurl! Baka magsisi ka sa huli!"


Namula ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Xander,ang lalaking to. Panay sigaw na ng mga audience namin.
Biglang nagslomo ang paligid ng maglakad na siya papalapit sa akin.

Parang tumalon ang puso ko,ang lakas ng tibok nito.

"I love you,Baby ko,please patawarin mo na ako!"😍

Gosh,ano bang isasagot ko?😂

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now