"You look gorgeous,Wrix!"Puri niya sa akin na nagpataba sa puso ko. I know it,may feelings pa siya sa akin kahit papano. Hindi ko alam kong seryoso na siya doon sa babae niya pero handa na akong ipaglaban siya this time!

Ipaglaban ng patayan!😈

"So hows life,Hon? Tingin ko mas lalo kang naging gwapo."

"Hindi ka pa din nagbabago Wrix,mahilig ka pa ding mambola."Sabi niya sabay tawa ng malakas.

Napailing na lang ako,"Ako mahilig mambola? Hmmp,ikaw nga ee,mahilig mangako lagi namang napapako. Ow sorry."

"Ok lang,I understand. Alam ko na napakadami kong maling nagawa sayo noon. Kaya nagdecide ka na lang na iwan ako. Again Im sorry,Im really sorry."

Umusod ako palapit sa kanya saka ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya,"Wala na yon,ok na sa akin yon. Basta ba this time magtitino ka na?"

Natahimik siya sa sinabi ko,"Wrix,"

"What di ka  pa rin ready? Babaero ka parin? Nandito na ako,Hon,ituloy na natin ang naudlot nating kasal. Please,wag mo na akong saktan this time,Hon. Hindi ko na kakayanin."

Rinig ko ang lalim ng paghinga niya,pero di siya nagsasalita."Tuloy na natin ang kasal natin Hon,sabi ko naman sayo,mag-iisip lang ako diba,hihinga lang ako sandali. Wag mong sabihing may pumalit na agad sa akin?"Naiiyak kunwari na wika ko,pero ang totoo drama ko lang yon.

"Hey,dont cry,kararating mo lang ee. Hush,tama na,pag-uusapan natin yan. Wag ka ng iiyak ha?"

Tumatango-tango ako,hmmp,kailangan lang pala ng konting drama,mukhang may puso na siya ngayon. Nadadala na agad siya sa drama ko na hindi naman effective dati.

"Youve change a lot,Hon."Papuri ko sa kanya.

"Talaga?'Seryosong wika niya.

"Yeah,I think bumait ka?"Walang gatol na wika ko,kasi yon naman ang totoo.

"Hindi naman siguro."Napailing na wika niya.

"Pero mas gusto ko ang bagong Xander,mabait na sweet pa."

"Bakit sweet din naman ako dati a."Nakangiting reklamo niya.

Bahagya ko siyang inirapan"Hindi ka kaya sweet dati,wala ka ngang ibang ginawa kundi ang paiyakin ako dahil sa pagiging babaero mo."Nakangiwing wika ko.

Bahagya niyang hinaplos ang nakalugay kong buhok."I know and Im sorry. Dont worry I'll make it up to you."

Natuwa ako sa narinig na sinabi niya kaso nandoon pa rin yong kaba ko. Paano yong isang babae niya,mukhang seryoso pa naman siya doon.
At sa tingin ko ang babaeng yon ang dahilan ng paglambot niya. I mean pagbabago niya.
Nabago siya ng di niya man lang napansin.
Pambihira gusto ko siyang tanungin about doon sa babae pero natatakot ako.

"Tahimik ka ata?"Puna niya sa pananahimik ko.

"Huh? Ah,ee,wala to,medyo napagod lang sa byahe ko. But Im happy kasi kasama na din kita sa wakas."

"Ako din masaya ako at bumalik ka na."

Bat ganon,bat parang may kulang. Parang malungkot siya na iwan.

#Quani

Pagabi na,nandito lang ako sa sala nakatunganga,paminsan-minsan sinisilip ko si Sam,wala pa ding nagbago umiiyak pa din siya.

"Sam?"Mahinang tawag ko sa kanya sabay lapag sa dala kung tray sa bedside table na nandoon."You need to eat."Wika ko ulit sa kanya,kaso nakatingin lang siya sa akin."Kain ka na,o."Sabi ko sabay subo sa kanya kaso iniiwas niya lang ang ulo niya sa kabilang direksyon."Sam kain ka na,kanina ka pa di kumakain."

"Busog ako,wala akong gana!"Madiing wika niya.

"No,kakain ka!"Matigas na wika ko."Gusto mong makaganti?"

"Makaganti?"Takang tanong niya.

"Yeah,galitin natin si Kuya."

Walang gana lang siyang tumingin sa akin."As if he care. Wala na nga siyang pakialam sa akin diba? So paano pa siya magagalit!"

"Hey just trust me!"

"Bahala ka!"Sabi niyang parang natalo sa usapan.

"Magbihis ka ng sexy tapos,selfie-selfie tayo."

Kunot-noo siyang nakatingin sa akin."Nang-iinis ka ba talaga ha? Nasasaktan na nga ako diba tapos magseselfie pa talaga tayo!"Nagdadabog na wika niya.

"Hey ipapadala natin kay Kuya,dapat ipakita natin na di ka apektado sa mga nangyayari,iinisin natin siya."

"Hindi siya maiinis! Walang patutunguhan yang sinasabi mo!"

"Just trust me! Maaapektuhan siya."

"Ayoko!"Matigas na tanggi niya.

"Sam? Susuko ka na lang ba agad ng di lumalaban?"

"Sige na nga!"

"Yan sige na paganda ka na,wag mong ipakita kay Kuya yang pagiging miserable mo. Ipakita mo yong Sam,na nalasing sa bar dati."

Sinamaan niya ako ng tingin."Kailangan pa talagang ipaalala mo yon?"

"Diba dahil doon naging possessive na si Kuya sayo,so ipakita mo ang bitchy side mo na kaya mong mabuhay kahit wala siya."

"Hindi ko kaya,normal ako!"

"So inom na muna tayo?"

"Gago ka talaga!"Naaasar na wika niya sabay tapon sa akin ng unan.

"Basta,inisin natin si Kuya,yon lang yon!"

Sana pumayag siya.😂

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now