Julian
After a week of vacation sa aming resort sa batangas bumalik na ako dito sa aming Mansiyon sa Laguna. Nalaman narin ng Mendez Family na inindiyan ko ang supposedly engagement dinner namin. Ang weird lang may ganun sila pero di ko pa naman alam kung kanino ako maeengage. Hay... minsan napapaisip ko nalang na...
"ang ganda mo talaga Julian kasi dalawa ang fiancé mo pero ang malas mo rin kasi wala ka nang ibang pagpipilian" sabi ko sa sarili ko while doing my painting. When I'm stressed I paint. When I'm happy I paint. Ang emosyon ko nabubuhos ko sa pagpipinta. Dito ako laging tumatambay sa Art Room ko kasi maaliwalas at kitang kita ang nature sa labas ng veranda. Its just give me peace of mind. Knowing I can do what I love the most. Painting narin ang naging therapy ko para maka cope up sa pagkawala ng parents ko.
"Julian iha meron kang bisita" mahinang usal ni Yaya Miding habang nakasilip sa may pintuan ng Art Room.
"Ahm... sino naman po yaya? Si Tita Lucia po ba?" Tanong ko naman.
"Si future husband mo daw iha" sabay ngiti na parang kinikilig. Si yaya talaga tanda tanda na eh nag pbb teens pa.
"Hay... mukhang alam ko na po kung sino. Sige po yaya papalit lang ako ng damit tapos bababa na po ako. Pasabi paantay. Pahatiran narin po siya ng meryenda."
"Sige iha bilisan mo ah wag mo pagantayin ang asawa mo... hihihi"
Bigla naman ako nangiwi sa narinig ko. Asawa? Sino si Troy? No way! Over my gorgeous bodeyyy!!!
Nagpalit na ako ng damit tamang halter top at shorts ang suot ko. Medyo nagayos narin ako kasi puro pintura ang mukha ko. Habang pababa naanticipate ko na ang mukha na sasalubong sakin. Geapong mukha na naka smirk. Pero laking gulat ko na iba ang nakita ko.
"Mike? Anong ginagawa mo dito? Napadalaw ka." Masayang bati ko sabay yakap sa kanya.
As if di ko alam diba malamang magpapalakas. But seeing his face make me calmer. Mas kalmado ako kapag si Mike ang kaharap ko kesa kay Troy. Gwapo din si Mike. Kung si Troy maangas ang dating at saksakan ang taas ng confidence. Itong si Mike naman may maamong mukha. Yung tipong gentleman ang datingan. Yung lalaki na pwedeng pwede mo ipakilala sa parents mo, ganern!
"Hi Julian! Bumisita ako para makita ka at makausap narin. Ahm... I have something for you pala." Sabay labas ng isang gift box na mukhang lalagyan ng jewelry. Wag niya sabihing he will ask my hand already ah. Ganun kabilis Mike?hmp!
"Ano ito?" Pabebe kong tanong.
"See for yourself. Sana magustuhan mo. I planned to give it to you nung birthday mo sana as a gift kaso di ka naman sumipot sa dinner. Kung alam ko lang sinamahan sana kita mag celebrate sa resort niyo." Sabi niya with a killer smile.
Oh oh! Dont smile at me like that. Kainis! Ang pogi lang. asar! I open it in front of him. Im so excited to see whats inside.
"Wow! Mike ikaw ang pumili nito? Sobrang thank you!" I hug him ulit. Okey tsansing na Julian.
Its a gold necklace with a heart pendant. Tamang tama lang sakin. Parang sinukat talaga. Its a first for me na makatanggap ng regalo na jewelry mula sa lalaki. And Im so touched.
"Nagustuhan mo ba?" Pagaalinlangang tanong ni Mike
"Oo naman ano kaba! First time ko maka received ng ganito. Salamat!" Nakangiting kung banggit habang tinititigan ang pendant.
" isuot ko sayo ok lang ba?"
"Sure, please"
Tumalikod ako sa kanya para masuot niya sakin ang necklace. At habang sinusuot niya ito di ko naman mapigilan na kiligin. My gosh Julian ang ovaries mo malapit na sumabog!bwahahaha
"I personally chose this one just for you Julian. Ganun ka kaimportante sakin." Saad nito habang kinakabit niya ang lock ng necklace.
"Thanks Mike. It means a lot. Iingatan ko to. " sabi ko pagka harap sa kanya. Todo ngiti ako dahil sa kilig. Bakit ganun? Kay Mike kinikilig ako pero kay Troy nababanas lang ako. Hhmmmm siguro mas madali na makapili ngayon kung sino ang dapat ko maging fiancé.
"Ah Julian, may gusto sana akong sabihin sayo." Sabi niya habang nakaupo kami sa sala namin. Malaki ang mansyon namin. Sa sobrang laki pwede pa nga maghabulan gahasa ng di napapansin ng mga kasambahay. Hihihi
"Ano yun? Tungkol ba ito sa testament?"
"Yup about dun. Im sure napaliwanag na sayo ni Troy ang testament na ginawa ng mom namin. Sa totoo lang tutol ako. Kasi nagmukhang mana lang talaga ang habol naming magkapatid. Ayoko makipag kumpitensiya sa kapatid ko Julian pag dating sa pera. At sa tingin ko din siya ang nararapat na mamahala ng company namin dahil mas may alam siya compared sakin. But it doesnt mean na hindi na kita ipupursue Julian. Kasi ang totoo matagal na akong may gusto sayo" sabi niya habang namumula ang tenga.
"Hindi mana ang habol ko Julian. Ikaw ang gusto ko habulin."
Boom! Ovaries exploded!!!!
"Aah hehehe... wala ako masabi Mike." Ok ang awkward lang ng moment.
"Ok lang yan alam ko nagugulat ka. Pero kasi kung si Troy ang mapipili mo siya ang magiging asawa mo. Ang gusto ko sana Julian ako nalang piliin mo at ibibigay ko kay Troy ang mana at company if he really wants it."
"You... you can do that?" Nauutal kong tanong.
"Yes I can do anything. I dont mind the company. Hindi ko forte ang business. Mas gusto ko mag create ng mini studio for arts. Mahilig kasi ako dun if you may ask." Napansin ko din na may kakaibang ngiti ito sa labi habang sinasabi niya ito sakin.
"Really??? Wow! Same here!!! Nakita mo ba yang painting sa likod mo?" Sabay turo sa painting na nature ang theme. Agad naman siyang lumingon at pinaka titigan ang painting.
"Ako may gawa niyan. I consider myself as a painter pero di pa ganun kagaling. Im happy we're on the same field." Sabay ngiti ng malaki sa kanya.
We do have something in common. He is not after the mana. He's pogi and he's after me. Grabe!!! Kinikilig ako!!! Ano ba Julian mas madali nalanb ito sayo. Ko ting panahon pa at makakapili kana. Naku siya na talaga. As in siya na! Sorry Troy may napili na ako.
Authors Note:
Team Troy???
Team Mike???
Hhhmmmm....
