Chapter 11 (Ending)

17.7K 390 24
                                    

CHAPTER ELEVEN

"LET me be the one to break it up so you won't have to make excuses. We don't need to find a set of where. Someone wins and someone loses. We just have to say our love was true but has now become a lie. So I'm telling you I love you one last time and goodbye. "

"Dammit! Will you stop singing Allen. Parang galing sa hukay ang boses mo." Sita ni Phillip sa katabing si Allen. Pumipiyok na nga ang boses nito kuntodo pa rin ang birit nito.

Hindi naman ito lasing. Nakaisang bote palang ito ng beer. Pinapunta niya ang tatlong kaibigan niya sa bahay niya ng gabing iyon. Hayun sila. Nakaupo sa sofa sa kanyang sala. Isa-isang tinawagan niya ang mga ito at inanyayahang uminom. Wala si Renjie dahil abala ito at ang asawa sa honeymoon ng mga ito sa France.

Matalim ang mga matang tinignan siya ni Allen. "Sabi ni Nessah, gumanda na raw ang boses ko."

"Sinungaling si Nessah kung ganon," inis na sabi niya rito.

"Hindi marunong magsinungaling ang mahal ko." Akmang babanat itong muli ng kanta ng batuhin niya ito ng wala nang laman na lata ng beer. Natatawang sinalo lang nito iyon.

Si Ben naman ang binalingan niya. "Ikaw naman Ben-tot. Itigil mo yang pag-video mo sa akin kung ayaw mong sirain kong 'yang cellphone mo." Inis na sabi niya kay Ben. Kanina pa siya nito kinukuhanan ng video. Gumagana na naman ang pagka-ala-reporter nito.

Lalo lang nitong inilapit sa mukha niya ang cellphone nito. "Kinukuhanan ko lang ang miserable mong anyo para may souvenir kami ngayong araw. Para ma-upload ko rin sa account ng PPA at nang makisampatya ang mga babae sayo," humalakhak pa ito na lalong ikinais niya.

"Hayaan mo na 'yan Ben. Ako na lang ang kunan mo ng video. Mas maraming girls ang titili sa dimples ko," mayabang namang sabi ni Josh.

"Pwede ba manahimik kayong tatlo?" saway niya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo Phi? At bakit bigla-bigla ka na lang nag-anyayang uminom?" takang tanong ni Josh sa kanya.

"Hindi ba obvious? Siyempre brokenhearted siya." Si Ben ang sumagot sa kanya.

Pumalatak si Josh. "Ipagtititirik ka na ba namin ng kandila?"

Gusto niyang batukan ang mga kaibigan niya sa pinagsasabi ng mga ito. Hindi na niya alam ang gagawin. Mahal na mahal niya si Zanny. Ito lang ang tanging babaeng minahal niya. Na sa sobrang pagmamahal niya rito ay nasasaktan siya.

Unang pagkikita pa lamang nila ay alam ng kanyang puso na espesyal ang nadama ng puso niya para rito. Hanggang sa isang araw ay natuklasan na lamang niyang mahal na mahal na niya ito. Idinadaan niya sa pang-aasar ang lahat dahil ayaw niyang mahalata nito ang atraksyong nararamdaman niya. Pero ang totoo noon ay lihim niyang sinusulyapan ito kapag hindi ito nakatingin. Dahil alam niya sa kanyang sarili na may mahal itong iba noon.

Akala niya ay sasaya na siya mula nang maghiwalay ang nobyo nito at maging malapit sila sa isa't-isa. He knew very well that Zanny is still broken and hurt. And those things encourage him to come in Zanny's life to make her forget her heartaches. Nais niyang siya ang mag-alis ng sakit at galit sa puso nito. Gusto niyang palitan ng bagong saya ang nararamdaman ng puso nito. Totoo ang lahat ng ipinakita niya.

Nagawa niya ang nais dahil nakasama niya si Zanny. Ipinaramdam niya rito ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng pagpapakita rito ng kanyang mga gawa. Whenever she smiled at him, his heart almost melted with so much happiness. Na wala siyang ibang nais gawin sa buhay kundi ang makita itong ngumiti.

Let Me Be Your Only One (COMPLETED)Where stories live. Discover now