Chapter 3

12.3K 213 4
                                    

CHAPTER THREE

NAPASIMANGOT si Zan ng walang-babalang umupo si Phillip sa salon chair ng hair and make-up salon sa loob ng lugar kung saan idaraos ang fashion week. Kakatapos lang niyang ayusan ng buhok ang apat na kaibigan nito. Ito ang huling aayusan niya para sa malaking event sa araw na iyon. Ang mga modelo ng TMA ang napiling magsuot at magrampa ng mga damit ng isang kilalang fashion designer.

"Bilisan mo na ayusan mo na ako," pukaw nito sa kanya.

"Pwede ba maghintay ka. Kung makautos ka wagas," inis na balik niya rito.

Tumawa ito, "Ano bang nagawa ko sayo at ang sungit-sungit mo sa akin?"

"Nagtanong ka pa. Hindi ba obvious na naiinis ako sayo dahil iniinis mo ako," nanlalaking mga matang sabi niya rito. Nakita niya ang reaksiyon nito sa malaking salamin sa harapan nila. Pigil nito ang tawa na lalong ikinainis niya. Bilang ganti ay hinigpitan niya ang pagkakatali sa leeg nito ng kinabit niyang salon cape para hindi marumihan ang damit nito.

Narinig niyang umubo ito, "Ano ba aayusan mo ba ako o sasakalin?"

Tumingin siya sa salamin. Nakatingin din ito sa kanya. "Pasensya na, napalakas lang," kunwa'y hindi niya sinasadya ang nagawa.

Sumimangot ito. Inumpisahan na niyang ayusan ito. Walang mangyayari kung makikipag-bangayan siya sa lalaking ito. Nakakainis talaga. Baka mapagalitan pa siya kapag hindi niya naayos ang buhok nito. Marami pa namang mga babaeng tumitili sa limang sikat na supermodels. Kaya kailangan niyang gampanan ang trabaho ng isang mahusay na hair stylist.

Kinuha niya ang hairspray at nilagyan ang buhok nito at sinuklay iyon ng kanyang kamay. In fairness, asset talaga nito ang natural na kulay brown na buhok. Kung sirain kaya niya ang buhok nito para makaganti siya sa mga pang-aasar nito sa kanya? Pero hindi naman niya kayang gawin iyon.

Wala nang masyadong ayos ang kailangan rito dahil natural na maganda ang buhok nito. Pero hindi niya sasabihin rito iyon dahil sigurado siyang lalaki ang ulo ng bruho.

"Oo nga pala. Pinapagawa ko na 'yung motorsiklo ko. Ngayon ay kailangan mong magbayad sa akin sa pagpapagawa niyon. Malaki din ang nagasgas sa motor ko."

Natigilan siya sa ginagawa at dumako ang tingin niya sa salamin. Seryoso rin ang mukha nito habang sinasabi iyon. "What?" kunot-noong tanong niya. "Hinding-hindi ako magbabayad sayo. Ikaw ang dapat magbayad sa akin dahil sa kapabayaan mo."

"Okay. Hindi na kita sisingilin sa isang kondisyon," bale-walang sabi nito.

"Anong kondisyon?" takang tanong niya.

"Simple lang, magtrabaho ka sa akin ng isang araw kapalit ng lahat ng nagastos ko sa pagpapagawa ng motorsiklo ko."

Dahil sa sinabi nito ay umusok ang bumbunan niya. Hindi niya napigilan ang sarili at sadyang nilakasan niya ang paghawak sa buhok nito. Sinabunutan niya ito. Tignan lang niya kung hindi ito matigil sa kadaldalan nito.

"Aray!" malakas na daing nito na dahilan kung bakit napatingin sa kanila ang iba pang mga taong naroroon. "Dahan-dahan naman Zanny," kunwa'y nakikiusap na sabi nito sa kanya at hinarap ang mga taong nakatingin sa kanila. "Pasensya na po kayo, nagagandahan lang siya sa buhok ko," tumawatawang sabi nito at tila bale-walang ipinagpatuloy ng mga tao ang naudlot na Gawain.

Lalo lamang siyang nanggigil. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Ang pangit-pangit ng buhok mo. At hinding-hindi ako nagagandahan sa buhok mo."

Let Me Be Your Only One (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora