Chapter 8

10.8K 193 2
                                    

CHAPTER EIGHT

"HALIKA na sa loob. Naghihintay na sina mama sa atin."

Napaawang ang bibig niya sa sinabing iyon ni Phillip. Parang gusto na niyang kumaripas ng takbo sa kabang bigla niyang naramdaman.

Sinundo siya nito kanina sa apartment niya at inanyayahang mamasyal.Wala naman siyang ginagawa dahil day off niya sa trabaho kaya pumayag na siya. Isa pa gusto rin niya ang ideyang iyon. Napakalaki ng pinagbago ng samahan nila ni Phillip. Kapag kasama niya ito ay muling sumasaya ang puso niya. Tuluyan nang naalis ang galit sa puso niya. Sa maikling panahon ay nakalimutan niya ang sakit ng unang kabiguan. Aaminin niyang si Phillip ang dahilan niyon. Pero magkaibigan lang sila nito at hindi niya maaaring bigyan ng kahulugan ang anumang ipinapakita nito sa kanya.

"Nandito ang mga magulang mo at hindi mo man lang sinabi sa akin? Pambihira naman Phillip oh! Nakakainis ka talaga!" bulalas niya.

Sa pagkakalam niya ay nasa ibang bansa ang mga magulang nito. Ikinwento nito sa kanya ang tungkol sa buhay nito at sa pamilya nito. Napakasaya niya ng ikwento nito sa kanya ang buhay nito. Siya man ay ikinwento ang lahat-lahat sa buhay niya. Kilala na nila ang isa't-isa. Ang sabi pa nito ay malapit ng umuwi ang mga magulang nito para magbakasyon. Hindi naman niya akalaing nandito na pala sa bansa ang mga ito.

"Kadarating lang nila kahapon galing Madrid. Halika na, ipapakilala kita sa kanila." Hinila pa nito ang kamay niya.

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ayoko," mariing tugon niya. "Ang sabi mo sa akin mamamasyal tayo. Isa pa, kinakabahan ako." Hindi na niya naitago ang saloobin. Baka hindi siya magustuhan ng mga magulang nito. At tsaka, magkaibigan lang sila ni Phillip. May kaibigan bang ipinapakilala ang kaibigang babae sa mga magulang?

"Alam ko namang hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo. Hindi mo kailangang kabahan, ipapakilala lang naman kita," nagkibit-balikat pa ito.

Tinignan niya ito ng mataman. "Bakit mo ako ipapakilala sa kanila?" Naisatinig niya.

"Dahil gusto ko. Gusto kong makilala nila ang nag-iisang babaeng nakakapagtiyaga sa akin." Kinindatan pa siya nito.

Si Phillip ang sagot sa tanong niyang may kaibigan bang ipinapakilala ang kaibigang babae sa mga magulang. Ano bang aasahan niyang sagot? Masyado lang siyang assuming.

"Ano pa bang magagawa ko andito na tayo. Alam mo ikaw ang pinaka-nanakakainis na taong nakilala ko." Iiling-iling na sabi niya.

"Bakit? Ano na naman bang ginawa ko?" takang tanong nito.

"Nagtanong ka pa," sikmat niya rito. "Kinakabahan ako, siyempre. Makikilala ko lang naman ang mga magulang ng sikat na modelong si John Phillip de Raven. Siguro kung ibang babae lang andito sa kalagayan ko, hinimatay na iyon dahil sayo." Ano na lang ang sasabihin niya sa mga magulang nito? Nakaramdam rin siya ng takot na hindi niya maintindihan.

Tinignan niya ito. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Naramdaman niyang hinaplos nito ang kanyang buhok. Kinabig pa siya nito at isinandal sa dibdib nito. Kakaibang suyo ang naramdaman ng puso niya sa ginawa nito. Sa tuwing yayakapin siya nito ay gumagaan ang pakiramdam niya. Andoon na naman ang mga katanungan sa isip niya. Hindi ba alam ng lalaking ito na unti-unting umaasa ang puso niya?

"Just be yourself, the Zanny I know. Nandito naman ako. Mabait sina mama at papa. Magugustuhan ka nila." It was like an assurance from him.

Huminga siya ng malalim at kumalas rito. "Sige na nga payag na ako. Ikaw kasi e," paninisi niya rito. "Bigla mo na lang akong dinala rito."

Let Me Be Your Only One (COMPLETED)Where stories live. Discover now