"tse! umayos ka nga! sa susunod mag-drive ka ng tama lang" 

"yes star, lahat ng sasabihin mo ay susundin ko" ang magkamali ay pipingutin ko..... Joke lang. 

"ok, bye"

"good night, sweet dreams and sleep well" ngunit may kulang.... well, ano bang aasa---

"i love you star" halos mabingi na ako sa pagtibok ng puso ko, kung may sakit nga lang siguro ako sa puso ay malamang kanina pa ako pinaglalamayan. 

Pagkagising ko kinabukasan ay halos ipikit ko ulit ang mata ko, i want to sleep for five minutes more. Kasalanan ko ba kung hindi agad ako nakatulog dahil sa mga salitang binitawan ni azrael? Dahil sa kakulangan ko sa tulog ay halos gumapang na ako papunta sa cr at agad agad na nagbuhos ng tubig para mabuhayan man lang ako, para magising ang diwa ko. Pagkasuot ko ng uniform ko ay agad akong naglagay ng concealer sa ilalim ng mata ko para hindi mahalata ang eyebags ko, tinali ko na din ang upper portion ng buhok ko at sinuot ang salamin ko at agad na bumaba para umalis na ng bahay. Mukhang panget ang mood ko magdamag ah .

"anong meron at mukhang bad mood ka?" 

"kulang lang sa tulog brad, haist" napatingin naman siya saakin ng napabuntong hininga ako, sana naman gumanda ang mood ko ngayong araw. 

"tapos di ka kumain no? gusto mo bang ibili muna kita ng jollibee?" kahit tapos ng sumikat ang araw ay parang nagkaroon ulit ng panibagong araw na sumikat dahil sa sinabi ni kuya alex, he really knows how to lift my mood. 

"ok sige" nakangiting pahayag ko at agad na tinignan ang phone ko para makitang alas nuebe pa naman ng umaga at meron pa akong isang oras para pumunta sa klase, itetake out nalang namin ang nabiling pagkain mamaya. 

Pagkabili namin ng pagkain ko ay agad na akong inihatid ni kuya alex sa school, pagkababa ko palang ay nakangiti na ako, mukhang hindi naman panget ang araw ko ngayon. Pagkadating ko sa room ay naupo agad ako sa upuan sa tabi ni kloe, sina eba at ang dalawa ko pang kaibigan ay hindi magkakatabi at wala na akong mauupuan sa tabi nila kaya hindi na ako nagpumilit pa. Sa panaka-nakang tingin ko kay eba ay napansin ko ang pagkaputla niya, may nangyari ba? pansin ko din ang pagkabalisa niya kaya naman nung natapos ang pangalawang subject namin at time na para magbreak-time ay di na ako nagdalawang isip na lumapit sakanya,

"eba, may nangyari ba? bakit namumutla ka ata?" kaagad kong tinignan kung may lagnat siya pero hindi naman siya mainit, wala ding problema sa pulso niya.

"i need to tell you something aurelia" halos dumugo na ang labi niya sa kakakagat nun kaya tumango nalang ako at humanda sa sasabihin niya, she leaned forward and tell me something i wish i didn't know. 

"we had s*x aurelia, hindi ko alam kung magkakaroon ng bunga, i am afraid if my parents would know about it" kung kanina siya lang ang namutla, ngayon ay parehas na kaming dalawa. I am shocked at hearing those words from her. Hindi kami inosente pero we are against pre-marital s*x. 

"kahapon lang ba naganap or what?" 

"we had it yesterday, hindi naman agad makikita kung positive o hindi diba?" napabaling ako ng tingin sa dalawa kong kaibigan na nakaupo lang doon sa mga upuan nila kanina, as if they're waiting for us to talk about eba's current state.

"wala pa naman yan as for now eba, hindi ba gumamit ng kapote si pareng damon?" ngayon naman ay para siyang kamatis na bagong pitas sa pagkapula. Animo'y pininturahan ng pula ang mga pisngi nito sa sobrang pagkapula.

"aurelia! don't be too vulgar!"

"bulgar na ba yun para sayo? i didn't tell it exactly ano ba?!" nagtawanan naman kami at nakita kong tumayo na yung dalawa pa naming kaibigan mula sa kanilang kinauupuan at agad na din kaming tumayo ni eba para sabay sabay bumaba sa cafeteria. 

Pagka-upo namin ay agad kong inilabas ang 2 piece chicken with rice, exta large fries at coke float, buti nga ay mainit pa ang chicken at ang fries samantalang ang ice cream na nasa float ay tuluyang humalo na sa coke at ang yelo ay natunaw na para buong buo ang maiinom ko, they ordered stir-fried chicken for them and mango smoothie for their drinks. 

"uy pahingi naman kami ng fries, pretty please" nagpapa-cute na sabi ni kara kaya naman binigyan ko siya ng isang piraso. Hingin mo na lahat wag lang ang fries ko, wag lang ang mga paborito kong pagkain.

"hay naku kara, di ka na nasanay diyaan kay aurelia" nagtawanan naman silang lahat pero in the end ay inalok ko rin sila pero di naman sila masyadong kumuha. 

As we're eating, napansin namin ang pagtingin tingin nila ng palihim kay eba, what's wrong with them? Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko at alam kong pansin din nila yun, ano ba talaga ang nangyayari? And tamang tama ang pagdating ni jess na hingal na hingal pa. 

"guys you need  to see this!" napatingin kami sa poster na hawak hawak niya at lahat kami ay sabay sabay na nalalaglag ang panga namin. We looked at eba who is utterly shocked. Nasa poster ang picture nila ni damon na papasok sa hotel, at merong nakasulat doon na, 'the slut nurse with our damon montefalco' at meron pang 'akala mo kung sinong inosente pero hindi naman pala' .

"eba we tried to tear all those posters apart pero pati sa social media ay merong nakakalat na pics!" nakita ko ang post na sinasabi ni kara sa social media dahil binuksan ni kara at jen ang kanila and naging tampulan na ng harsh comments si eba. 

"thank you jess for telling us, kami na ang bahala" ngumiti siya at itinap muna ang balikat ni eba bago umalis, napatingin naman kami kay eba na ngayon ay nakayuko na. 

"eba, irereport namin to sa dean---"

"no, okay na. Totoo naman e" napailing nalang ako at napatingin sa ibang taong naroroon na kung tumingin kay eba ay akala mo sobrang linis nila. 

"eba!" napatingin kaming lahat kay damon na ngayon ay nakalapit na kay eba at kinakaladkad papunta sa parking lot. Nagkatinginan nalang kaming tatlo at ipinagpatuloy ang pagkain. 

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa kasunod na klase namin kung saan pagkatapos nun ay uwian na. Habang nakikinig kami sa klase ay tsaka naman bumuhos ang ulan, hindi pa naman rainy season pero bakit ulan na ng ulan? 

"okay, ipapasa niyo na bukas lahat ng project niyo sa third floor faculty, kay miss De Villa niyo i-abot, that's all" pagkalabas ng professor namin ay agad kaming lumabas ng room at nagpunta sa tapat ng university kung saan merong nakahilerang street foods. 

"aurelia bili muna tayo ng milktea bilis na" nagpahila naman ako kay jen papasok at gusto ko nalang tumakbo ng nakita ko ang magpipinsan na nakaupo sa mesa at mukhang hinihintay din ang mga order nila. Azrael's eyes are tormenting my soul. Kinapitan ko agad si kara dahil pakiramdam ko ay tutumba nalang ako dito dahil sa intense ng titig ni azrael. 

"eba, saan ka ba nagpunta?! kanina ka pa namin tinatawagan ah?" hinila ako papunta sa kinauupuan nila dahil nandun si eba sa tabi ni damon. 

"sorry, pinag-usapan lang namin yung tungkol doon sa poster" tumango kami at nakita ko ang pagkindat saakin ni azi kaya inirapan ko nalang siya at pumunta na ako sa counter para makapag-order, inorder ko na din yung dalawa kong kaibigan na naengganyo sa pagkwekwentuhan sa mga crush nilang montefalco. Hindi ko namalayang nasa likod na pala si azrael kaya naman nung nakuha ko ang orders ko ay siya na ang bumuhat nun sa kinalalagyan nila.

  

My WomanizerWhere stories live. Discover now