"salamat sa paghatid!" binuksan ko agad ang pintuan at dali daling tumakbo papalayo sa kotse niya, pagkadating ko sa bahay ay halos manlaki ang mata ko nung natagpuan si cherry na hawak ang buhok ni mama kaya dali dali akong lumapit at itinulak siya palayo na siyang dahilan kung bakit siya bumagsak sa lapag. 

"and what the heck are you doing here? baka gusto mong totohanin ko ang pag-ikot ng maluluwang na turnilyo diyaan sa utak mo?!" niyakap ako ni mama sa bewang at ilang beses inulit ang katagang wag ng patulan pero hindi ko gagawin yun. 

"umalis ka na sa property namin! or else ipapalapa kita sa mga asong gala rito!" nagkukumahog naman siyang tumayo at sumakay sa camry na nasa labas naka park. 

"ma are you okay? bakit ikaw lang mag-isa dito?" kaagad kong inayos ang medyo nagulo niyang buhok, at pinaupo siya doon sa maliit na upuang gawa sa kahoy. 

"anak okay lang ako, eh ang tito at tita mo ay ipinakuha na ang papeles sa mayor, na dapat itong bahay ay atin na, na kahit may bumili sa malaking halaga ay walang silbi" tumango tango naman ako, once na makuha namin ang papeles ay talagang isusupalpal ko sa mukha ng babaeng yun para tumigil na siya sa pamilya namin. 

"o e kamusta naman pala ang project niyo nak?" 

"natapos naman po namin agad" 

"o siya, ikaw ba'y kuamin na?"

"opo naman ma"

"o sige, una na muna ako doon sa kwarto at titignan ko ang kita natin ah" tumango ako at nagpahinga saglit sa couch. Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kanina, indirectly saying i love you to azrael through a song. 

Dahil sa hindi naman ako makakapagpahinga agad ay pumunta muna ako ng kusina at uminom ng tubig, pagkatapos kong maubos ang isang baso ay siya namang saktong pagtunog ng phone ko at nakita kong tumatawag si azrael.

"hello?" hindi ko pa man naririnig ang boses niya ay halos manghina na ang tuhod ko, paano pa pag narinig ko ang boses niya? yung boses niyang kayang kaya akong palambutin, kayang kayang pasukin ang puso ko. The only man who can tame me.  

"star nasa bahay na ako" 

"that's good.... baka naman humarurot ka sa daan?"

"well, that's how it go---"

"what if nadisgrasya ka azrael?! don't you know na maraming nag-aalala sayo?!" halos maputol na ata ang ugat ko sa leeg dahil sa pagsigaw ko sakanya, marami pa naman ngayon ang nadidisgrasya dahil sa bilis nilang magpatakbo, pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya sumasagot kaya nagsimulang rumagasa ang kaba sa dibdib ko, what if may nangyari sakanya?

"azrael are you still there? sinasabi ko na e, may nangyar---"

"isa ka ba doon aurelia? isa ka ba sa mga nag-aalala saakin?" tanong niyang marahan na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. My palms are sweating and i know it's not because of nervousness anymore, hindi naman kasi ako uminom ng kape!

"a-and what if my answer is yes?" tila tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagpintig nito, jusmiyo naman oo. i kennat. kulang nalang aminin ko din sakanya ang nararamdaman ko!

narinig ko naman ang pagngisi niya sa kabilang linya, ngisi na kalaunan ay naging halakhak na, na may kasamang pagmumura. Eto nanaman siya sa pagmumura niya.

"azr---"

"I'm not cursing you star, is it.... finally, I'm starting to have a place in your heart?" hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang hawak hawak kong baso kaya natapon ang laman nito sa mesa, buti nalang pala at plastik ang nakuha ko. 

My WomanizerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu