Chapter VII: Black and White part

142 1 0
                                    

Gabi na ng natapos kami sa bahay ampunan. Kaya niyaya ko syang magdinner. Syempre san pa ba kami magdi-dinner, e di sa Coffee shop. Pero hindi kape at tinapay ang ipapakain ko sa kanya. Nung dumating kami dun, nakapatay ang mga ilaw, galing talaga ni Ting. Naaayon ito sa plano ko.Candle light dinner. Inshort, maaga kong pinasara ang coffee shop para lang sa kanya.Nagtataka si Chacha kaya sabi nya,

"Anung ginagawa natin dito Ned?"

"Magdi-dinner" samile ulit sa kanya bago buksan ang pinto ng shop.Pag bukas ng pinto, kitang kita ang isang table na may dalawang upuan. Dim light, at tangging candle light lang sa lamesa ang namumukod tangging mas maliwanag.Maraming rose petals ang nakakalat sa sahig. At ang mga crews ko, nasa gilid lang. Nagmukhang restaurant na five star ang coffee shop. Ang galing talaga ng team ko.

Tinignan ko ang mukha nya, gulat na gulat sya at parang medyo naiiyak. Tinapik ko sya

"Uy, ok ka lang ba cha?"

Tumingin sya sakin na naluluha pero nakangiti.

"Huy! para kang sira jan.Bakit ka umiiyak?"

"Ang ganda." sabay punas ng luha sa mata. "Para kang gago!" Binatukan nya ako pero nakangiti sya. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Pasensya ka na sa date natin ha? Simple lang"

Bumitaw sya sakin. Sabay batok ulit. "Simple ba yan?Anu pa ang engrande sayo?" sabay tawa sya.

Tumawa ako kahit parang naiinis ako kasi tinanggal nya ang kamay ko sa kamay nya. "Tara na nga, kumain na tayo."

Pagtapos kumain,nagyaya nakong umuwi.Medyo gabi narin kasi baka pagalitan ako ng parents nya.Ma-bad shot pa ko. Habang nasa kotse kami, may tumawag sa kanya. Nagulat sya sabay sagot ng tawag. Pabulong lang sya kung sumagot.

"Hello?Ha? Ako? a e nasa kotse ako ng kaibigan ko" sabi nya sa kausap nya.Habnag parang yung boses nya may halong kaba.

"Ha?ahh e pauwi na kmi. galing kami sa Charity tpos nagdinner saglit. Pauwi narin kami...Ok sige.Bye"

"Cha? ok ka lang ba?" tanong ko sya habang parang may kaba sa dibdib ko.

Nagsmile sya sakin sabay sabing "wala yun. wag mo nlng pansinin yun."

Tuloy parin ako sa pagda-drive. Naka-smile kahit parang hindi ok.Actually hindi talaga ako ok.Makulit ako kaya tinanong ko ulit sya.

"Sino ba talaga yun cha?Boyfriend mo?" nakatingin ko sa kanya habang nagmamaneho.

"Sira! Boyfriend ka jan. Para kang tanga!" As usual, galit nanaman sya. Ako nanaman ang mali kahit nagtanong lang ako. kaya hanggang sa makarating kami sa kanila, hindi nya ako iniimik.Huminto na kami sa tapat ng bahay nya.

"Salamat sa date cha. Sana maulit ulit." sabay smile.

"salamat din Ned. Ingat ka." nagsmile sya sabay baba ng kotse.Hinabol ko sya. nangangati ang dila ko, kailangan ko na talaga itanong 'to. Hinawakan ko sya sa braso.

"Ahhmm.. Cha, sorry. Galit ka ba?Pwede ba tayong magusap?"

Nagsmile sya. "Hindi ako galit.Anu ka ba. Bukas na tayo magusap."

"Ha? o e bkit?anu bang pinagkaiba ng ngayon at bukas? Baka naman pwedeng ngayon?kahit 5 mins. lang!"

"Usap tayo bukas Ned.May aasikasuhin lang ako."

"Cha! ngayon na tayo magusap.Please naman o.Ano bang aasikasuhin mo?tutulungan kita."

"Bukas tayo magusap Ned. Wag ngayon.Ok?"

My Best friend's Girlfriend?! (Tagalog 'to pre!)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt