Chapter I: Me, Myself & that girl

812 6 0
                                    

Chapter I: Me, Myself & that girl

"kahit gustuhin ko Dayne, hindi na natin maayos 'to. Ayoko na talaga.Sorry", habang nakatingin ako ng diretcho sa mata nya.

"Bakit Ned?May iba nanaman ba?" nanginginig sa galit habang umiiyak sa sakit na naririnig mula sa sinabi ko.

Napailing lang ako habang nakayuko.Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Hindi na bago ang ganito.

"I HATE YOU! I FUCKIN' HATE YOU!" wika nya, sabay baba ng kotse ko. At ako nama'y todo harurot na sa pag alis. Lagay ng CD, ilagay sa High Volume. Ayos! Party party nanaman.

                                                                                           ♣

Kinaumagahan ng Sabado. Mga 7am, malamang puyat na puyat pa ako. Pero kailangan kong pumunta sa Coffee shop ko para ayusin ang business ko. Hindi kasing bongga ng Starbuko ang coffee shop ko. Simple lang 'to. Pero makakalimutan mo ang middle name mo pag uminom ka ng kape mula dito. Sikat sa lugar na kinatatayuan nya. Tambayan ba naman lagi ng mga estudyanteng nerd, magsyota na strict ang parents, Tropang nagaantayan at mga taong naghahanap ng konting katahimikan sa mundo. Medyo malaki ang kaunti ang shop. Bunggalo style pero malawak. May 4 na crew na nakaduty sa isang araw. Bale 6 kasama si Ate at ako. Pero may 7 kami talagang staff aside samin ni ate. Si ate at si Dad talaga ang magkasosyo dito. Pero dahil busy si Dad sa work, kaya pinasa nya na sakin yung share nya. Hindi kami mayaman, may kaya lang. Kasi kahit ako minsan hindi ko naman nabibili yung gusto ko. May kataasan lang konti yung sahod ko sa shop, aside sa percentage share at commission pay ko.

Habang nagda-drive ako papunta sa shop, parng umiikot mundo ko. Sobrang kalasingan ko, hindi ko nanaman naalala yung babae ng kaakbay ko kagabi sa club. Pababa palang ako ng kotse,nakatitig na si ate sakin. Bumati ako ng nakangiti pero hindi ko tinatanggal ang shades ko, "Goodmorning ate!"

"Ned, hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo kagabi ha. Sa Office tayo magusap" habang nakataas ang isang kilay ni ate.

Matapang ako pero pag si ate na ang nagalit, tumitiklop talaga ako. Ibang klase si ate. Parang si HULK ng Avengers na may Thor's Hammer pang kasama pag namatok. Ang tindi talaga. Sopistikada si ate. Professional at mukhang super model. Kahawig nga sya ni Bianca Manalo e. Pero yung mas payat at mas maliit ng konti na version.

Sa office ng Cafe, parang maliit na spasyo ng unit ng condominium. Pagkabukas mo makikita mo agad yung dalawang office table para sakin at kay ate.Tpos mga limang lakad, may partition para sa table ni papa o ang tinatawag nilang CEO's chair. Tpos sa bandang kaliwa nito may divider na 4 na upuan.Conference room para sa mga private meeting.Tapos sa gilid may malaking whiteboard na madalas kong dinodrawingan ng kung anu ano.

Habang papasok ako sa office, tinitignan ako ng mga staff ko. sa itchura kong 'to, kahit sino mapapalingon sakin. Sa taglay na lakas ng apeal ko,hahaha. Buti makapal ang mukha ko, kasi baka pag praktisan nanaman ako ni ate nito. Hindi nga ako nagsisimba pero sinesermunan ako linggo linggo ni ate.

"anung pinaggagagawa ate? Sa club ba?" Malambing ang mga salita ko kay ate. Na para ba gang walang nangyari.

My Best friend's Girlfriend?! (Tagalog 'to pre!)Where stories live. Discover now