Bumungisngis ito. "Ilang taon na lang magte-thirty ka na. Ang dami mong na-miss, Bebang. Kaya ano pa ba'ng hinihintay mo? Hayan na siya," may pamuwestra-muwestra pa si Marcia ng kamay, sabay tukoy sa gawi nina Robin. "Ang magiting na kabalyero na magpapalasap sa iyo ng sukdulang kaligayahan."

Pinandilatan ni Geneva ang kaibigan. "Kung kay Robin lang, kung sa manyak, sa lalaking nag-uumapaw sa testosterone, ay hindi na bale na lang. Hindi na baleng tumanda akong dalaga  kaysa mapunta lang sa lalaking marami nang babaeng dumaan sa buhay."

"So? Eh, ano naman kung may past? Kaya nga past is past. It means tapos na.   Ang importante, 'yong ngayon at 'yong future."

"Wala sa bokabolaryo ng taong 'yon ang salitang 'exclusivity'. Ang tipo n'on, hindi matatali sa iisang babae. Puwede ba, change topic na nga tayo?"
Hindi  makapaniwala  si Geneva na naubos nila ni Marcia ang bote ng California red wine. Magaan na ang ulo niya, halos hindi maubos-ubos ang kuwentuhan nila. Hindi tuloy niya namalayan ang paglapit ni Robin kasama ang matangkad din na lalaki,   na nakilala niyang nobyo ni Marcia.

Agad namang humalik sa mga  labi ni Marcia ang nobyo nito. Medyo nagtagal nang ilang  minuto  ang halikan ng  magnobyo na  animo hindi nagkita ng mahabang panahon.

Naiilang tuloy na iniwas ni Geneva ang tingin sa dalawa. Ngunit sa pag iwas niya ay nagtama naman ang mga mata nila ni Robin. Hindi niya alam ngunit lalo lang  nakadagdag sa init na kanyang nararamdaman ang titig  ni Robin. Init na kumalat sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat  at wari ay nagpatuyo sa kanyang lalamunan. Kasabay niyon ay ang tila pagsigid ng kung ano sa kanyang kaibuturan.

Ano ba, Geneva. Umayos ka nga! sawata niya sa sarili.

"Huwag na kayong bumiyahe, Brod," ani Robin na ang tingin ay nanatiling nakapako kay Geneva. "Tutal naman, may nakareserba  talagang cottages para sa mga bisitang nagnanais na magpalipas  ng gabi dito."

Tila nahihinoptismong wala ring kaalis-alis ang titig ni Geneva kay Robin. Naeengganyo siyang titigan ang mamula-mula nitong mga labi, ang bahagyang papatubong bigote, ang matangos na ilong na sa tungki ay may munting nunal.

Narinig ni Geneva ang malakas na pag-ubo ni Marcia. Alam niyang sinadya iyon ng kaibigan upang kuhanin ang kanyang atensiyon. Kunsabagay, saved by the bell na rin bago pa mapansin ng binata na halos lusawin na niya ito sa titig.

"Kunsabagay, ayokong mag-drive ka pa ng ganitong oras, babe,"wika ni Marcia sa nobyo. "Dito na tayo magpalipas ng gabi. Bukas na tayo bumiyahe."

"Ikaw ang bahala," sang-ayon naman si Alex.

"Good," nasisiyahang wika naman ni Robin,  naupo  sa tabi ni Geneva. Hindi maiwasang madaiti ang hita nito sa kanya.

 Strange, how come his nearness sent  jolts of electricity through her. Kinalma ni Geneva ang sarili. Inabot pa sila ng isang oras sa pagkukuwentuhan. Nakiumpok na rin ang mga barkada ni Robin na si Rustico, Emon at Gannicus.

Narinig ni Geneva  ang pagkukuwento ni Gannicus tungkol sa babaeng nagngangalang "Portia" na diumano ay hindi malaman ng binata kung paano didiskartehan. Inulan tuloy ng kantiyaw mula sa mga ka-brad si Gannicus.

Hindi nagtagal at nagyaya na si Marcia na gusto nang magpahinga. Matandang katiwala ni Robin ang naghatid sa magkasintahan sa isang cottage. Dalawa na lang silang naiwan ni Robin. Nagpaalam na sina Rustico at Emon na uuwi na samantalang si Gannicus ay may kalahating oras nang nakakaalis.

Noon lang nailibot ni Geneva ang tingin sa paligid. Iilang tao na lang pala ang naroroon na nagliligpit sa mga mesa at gamit.

"So, anong plano?" basag ni Robin sa kanyang pananahimik.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin