LIBOG2- 22

3.2K 116 12
                                    




IVAN'S POV

Halos 1 week na rin matapos ang Graduatiom namin, hindi ko na muna iniisip ang kumuha ng LET kasi gusto ko muna ang maghanap ng trabaho at para makapagdala na ako kila mama ng pera sa probinsya at gaya ng dati nakatago nanaman akong naghahanap ng trabaho kay Alvin kasi alam kong haharangin nanaman ako nun.

" Ivan!! " biglang nagulat ako dahil sinagawan ako nung mokong habang nandito lang naman ako naka upo at kumakain ng salad.

" luh? Napano ka ? " takang tanong ko.

" nalaman kong may inapplyan kang trabaho!! Di ba sinabi ko na yan sayo!! Hah! " galit niyang salita habang nasa harap ko na siya. Nagaastang tatay ko nanaman.

" luh? At saan mo naman yan kinuha mga chismis na yan. Tss! " palusot ko haha.

" at nagsisinungaling kana ngayon hah.! At ano tong bio data mo hah! Itong mga requirements na nakuha ko?! Hah! " galit na galit nanaman siya. Hay naku! Kasasabi ko lang about nito eh. Nabuking na agad ako.

" Alvin! Bat mo yan kinuha?! Saan mo yan nakuha?! " nagulat ako kasi yung pinasa kong requirements ko pang apply ko nasa kamay niya ngayon.


" tss! Yung inapplyan mong trabaho ay parte yun ng negosyo namin! Kaya nalaman ko agad kasi sinumbong ako ng manager na may pangalan ka don na nag apply. Ivan bat ang tigas-tigas ng ulo mo? " sinesermon nanaman niya ako. Ang aga-aga pinagtitinginan nanaman ako ng mga yaya dito na pinapagalitan ako dito na parang bata. Huhu


" gusto ko lang kasi mag hanap ng trabaho para magkapera at para ipadala kay mama, total graduate naman din ako diba? " explain ko sa kaniya sabay puppy eyes.


" tang*na! Ivan, kung gusto mo pala magpadala sabihin mo sakin kasi ako magbibigay sayo kahit magkano pa yan. " siya na inis na inis parin.


" luh? Alvin, bakit ba lagi parang minamaliit mo kakayahan ko? Parang pinapakita mo lagi sakin wala akong magagawa para sa pamilya ko? Pinapadama mo lagi sakin na mahina ako? At pinapakita mo na lagi ikaw ang mas may kaya?! Alvin hindi naman ako bobo at tanga! " medyo nahahighblood nanaman ako at kita ko naman nagsitakbuhan na ang mga yaya sa labas kasi nafefeel na nila may mangyayaring world war III sa loob.


" mahal, hindi-- hindi ganun. Malakas ka, ikaw yung lakas ko. At hindi sa pinapadama ko sayo na wala kang kaya, yung minamahal mo ko sobra na yun mahal. At hayaan mo kong bumawi sa lahat ng nagawa mo para sakin, pamilya ko na din yung pamilya mo at ganun din sa pamilya ko. Mahal na mahal kita, ayoko magpapagod ka araw-araw. Kung pwede lang mahal gawaing pang bahay nalang gawin mo dito, mahal alam mong gustong-gusto kita gawing misis ko kahit alam kong parehas naman tayong mister " wala na akong masabi, talo nanaman ako at ayun cancelled nanaman ang pagtatrabaho. Ganito ba talaga ang may mayamang boyfriend na ayaw na niya na magtrabaho para magkapera?


" sorry na po mahal " tanging nasabi ko at niyakap nalang siya.


" magbihis ka dun mahal. Mag mo'mall tayo. " siya at agad naman ako napangisi at bilis-bilis na umakyat para mag palit.

Natapos akong nagbihis ay agad na akong bumaba at pinadrive ko sa kaniya ang favorite kong kotse niya na kulay blue. Haha masaya ako kahit hindi naman ako nagdadrive basta kasama ko lang yun sa mga lakad namin. Akin naman din to pag marunong na ako magdrive. Nyahahha

" diba mahal pag marunong na ako mgdrive akin na to? " nakangisi kong sabi kay Alvin habang nasa byahe na kame.

" ahh ano kasi mahal, m-mas gusto ko ako dinadrive mo mahal " tawang sabi niya at hinampas ko siya. " aray naman Ivan, nagdadrive ako " siya


KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 BoyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon