LIBOG2- 2

8.6K 174 11
                                    

CHAPTER 2

ALVIN'S POV

Umaga na at mga 8:30 AM na at tila mahimbing pa din ang tulog ng mahal ko. Habang nakaupo padin ako sa side niya ay napatingin lang ako sa maamong mukha niya na natutulog. Kahit kailan hinding hindi ako magsasawa sa mukhang to, buti nalang akin na to at hinding hindi ko na to bibitawan pang pabebe na to.

Naiisip ko narin magiging future namin ni Ivan, gusto ko kahit tapos na kami sa pagaaral namin, kasama ko parin si Ivan. Gagawa kami ng sarili naming negosyo kahit hindi man tungkol dun ang coarse na  kinukuha namin ngayon haha. Parang baliw na ba ako? Eh mahal na mahal ko yung tao. Narealized ko lang na, sa pagmamahal hindi naman kailangan kung sino ang mamahalin mo, kung tinamaan ka edi follow your heart. Don't resist it, brain makes you think but heart will keep you alive. Haha ayan na nag english na ako.

Bumangon na nga ako at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi ng mahal ko. At bumaba narin ako para ipagawa ng breakfast namin. Wala nga palang class ngayon kasi holiday. Kaya yup, may bonding time kami ngayon na mahal ko. Dalhin ko kaya to ngayon sa park? Hotel? Sa dagat? Sa hotel ulet? Sa gubat? Sa hotel ulet? Sa ilog? Sa hotel? Haha

" mahal.... nakita mo yung phone ko? " speaking of, bumababa na siya  lungga niya.

" phone mo? Hindi mo ba chinarge kagabi mahal? " sabi ko naman sa kaniya

" eh wala na nga dun nakasaksak sa charge ihh " siya

" hayss.. maya mo na nga yun hanapin magbfast na muna tayo dito " sabi ko naman at pinapaupo na siya dahil hinahanda na ang foods.

" mahal eh, baka may nagtext sakin dun mahal. " siya at napasimangot naman ako.

" Ivan! Uupo ka at kakain oh itatapon nalang to sa basurahan " naiinis kong sabi. Gagu to ah, imbes unahin ang pagkain cellphone agad ang hinahanap.

" luh? Oo na, kakain na oh " siya at umupo narin at kumain. Nakita ko naman nakasimangot siya at pinautos ko ang mga ibang maid ko na hanapin ang phone ni Ivan. Hinayaan ko nalang muna si Ivan magsimangot baka makipagtalo pa kame sa harapan ng pagkain. Pagkalipas ng 15 minutes ay natapos nanamin ang magbreakfast.

" aakyat na ako mahal, hahanapin ko pa phone ko " salita ni Ivan pero hininto ko siya sa pagkakaalis niya sa kinauupuan niya.

" tss! Bakit parang atat na atat kang mahanap phone mo? Ano ba importante dun? Sino ba yan ? May iba kang nagchachat o text? Naku! Ivan, sinasabi ko sayo, pag nalaman ko talaga na may katext kang iba malilintikan ka talaga sakin. " ako na parang tatay nanaman niya na sinasaway siya.

" luh? Mahal? Paranoid ka na naman, " siya

" ahm..sir andito na po ang phone ni sir Ivan. " biglang pagsalita ng maid at ibinigay sakin ang phone.

" salamat yaya " ako at pinaalis ko na. Nakita ko naman ang reaction ni Ivan habang hawak hawak ko ang phone niya. Alam kong gustong gusto na niya itong kunin sakin at nagpipigil lang siya haha.

" mahal, akin na? " nagpapacute niyang sabi

" hmmm. Ano kaya tinatago mo dito? " ako at agad na inopen ang phone niya ng bigla niya itong kinuha ang phone at tumakbo pataas. " luh? Huy! IVAN! ISA IPAKITA MO SAKIN KUNG ANO TINATAGO MO! " Habol ko sa kaniya at pumasok kami sa kwarto ng biglang ko siyang naabutan at tinulak para mahiga siya at hinawakan magkabilang kamay niya para kunin ang phone. At nakuha ko na nga.

" mahal akin na, phone ko yan " sigaw sakin ni Ivan. May tinatago talaga ang gago pag ito lalaki makikita mo talaga ang ang bagsik ko Ivan.

" tss! Wag kang malikot tignan ko lang kung ano to " at yun na nga nagscroll ako sa mga messages niya at yun may nakita ako. At bigla akong napasimangot. " ah ganon? " ako at binitawan na siya at napaupo nalang sa kama.

KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 BoyxboyWhere stories live. Discover now